R A I N Tatlong araw na akong nasa ospital. Dahil sa nangyari ay nausog din ang dapat na pagsisimula ng training ko. Binisita ako ni Mr. Sand at sinigurado na alam ng kumpanya ang sitwasyon ko ngayon. The news about the incident made a huge impact in the industry. Hindi na nakakagulat dahil si Cooper Choi ang pinatay. Marami ang nagluksa. Hanggang ngayon nga ay ito pa rin ang laman ng balita sa lahat ng channel sa TV kaya hindi ko na ito binubuksan pa. I don’t know what’s going on in the company right now either since Lexus got involved, but I am glad that I got the time to rest some more. Kahapon ay binisita ako ng Lexus kasama sina Lian at Korina. Saglit lang naman dahil may tinatapos silang recording. Abala pa rin sila sa kabila ng nangyari. I heard that their outside activities ar

