Epilogue♥

1401 Words
Epilogue♥ Kasunduan (Luke's POV) Mahigit dalawang linggo na rin na hindi kami nagkakausap ni Minnie. Tumatawag sya pero hindi ko sinasagot. Nagtetext sya, pero hindi ko nirereplayan kahit na may load naman ako. Ayoko kasi na magulo pa sya. Mahirap sakin na layuan sya. Sobra! Sinusubaybayan ko parin sya sa sss. Tinitignan ko ang mga post nya, halatang halata na malungkot sya. Pero, dahil ba sakin yun? "Pinsan, usap tayo. Gusto mo?" tanong ni James "Haaay, wala naman akong ibang makausap eh! Sige na nga" sabi ko sa kanya. Nandito lang kami sa bubong ng bahay namin. Medyo malalim na rin ang gabi. Wala kasi sila mommy kaya nakakapunta kami sa bubong. May pinuntahan yatang kasalan sa probinsya. Baka bukas pa ang uwi nung mga yun. "So, ano? I-open mo na ang gusto mong i-open. Makikinig ako sayo, magsasalita lang ako. Unless, tapos kana sa kwento mo" sabi ni James. Kaya naman nagsimula na kong magkwento sa kanya. "Hindi ko naman kasi talaga balak na layuan si Minnie eh! Pero, si Ed. Sya ang nagpapalayo sakin kay Minnie. Mahal ko si Minnie. Nung una, akala ko wala lang. Pero habang tumatagal, lumalalim na pala ang pagtingin ko sa kanya. Bigla namang nagtanong sakin si Ed kung anong meron samin ni Minnie. Syempre, natakot ako. Kaya ang sabi ko kay Ed, pinagttripan ko lang si Minnie. Ayun, ang sabi sakin ni Ed. Wag daw akong magkakamali na paglaruan si Minnie dahil baka raw makalimutan nyang kaibigan nya ko. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko nasabi yun kay Ed. Siguro, kasi alam ko na ayaw nya ko para kay Minnie. Nung una, okay pa eh! Pero habang tumatagal. Parang unti-unting nahuhulog ang loob ko. At yun na nga! I am deeply in love with her. Pero natatakot akong umamin ng seryoso. Baka kasi mareject nya ko" kwento ko sa kanya "Yun lang ang dahilan mo? Baka mareject ka nya? Tsaka tinanong mo na ba si Ed kung okay lang na ligawan mo si Minnie?" tanong nya sakin "Yun nga eh! Layuan ko raw si Minnie at kapag hindi ko daw nilayuan si Minnie. Sisirain nya ang pangalan ko kay Minnie. Ipapakita nya daw yung mga text ko sa kanya na magpapatunay na pinaglalaruan ko lang si Minnie. Pati din daw sa phone mo may mga screenshots na sya. Haaay, no choice ako. Kaya nilayuan ko si Minnie. Ayoko naman sana na layuan sya eh! Kaso, binalaan na ko si Ed eh! Mahirap sakin na iwasan si Minnie. Mahal ko sya at alam ko na mahal nya rin ako. Pero bakit ganito yung nangyayari?" "Hindi kasi naniniwala sayo si Ed. Ang alam nya kasi, pinaglaruan mo si Wynwyn kaya ganon na lang sya kung makapagprotekta sa kaibigan nya. Mahalaga sa kanya si Minnie dahil parang kapatid na ang turing nya dun kaya hindi mo rin sya masisisi kung bakit pinapalayo nya sayo si Minnie" paliwanag ni James "Isa lang naman ang gusto ko eh! Yung makausap si Minnie, kahit isang beses lang. At yun na ang huling pag-uusap namin" "Matutulungan kita sa problema mong yan" "Paano?" tanong ko sa kanya "Basta. Tara na sa baba. Tulog na tayo! At may kakausapin pa tayo bukas" tinapik nya ko sa likod at nauna nang bumaba. Ano ba yung ibig nyang sabihin? Makakausap ko na ba si Minnie? (Minnie's POV) Maaga akong gumising dahil gagawa pa ko ng assignment ko na issubmit ko bukas. Medyo marami kasi, kaya sisimulan ko na ngayon. "Nak, gising kana agad? Diba, wala ka namang pasok? Magpahinga ka na muna, ala sais pa lang ng umaga eh" sabi ni Mama "Madami pong gagawin eh! Okay lang po ako. Nakatulog naman po ako ng maayos eh. Ingat ka sa pagpasok" kiniss ako ni Mama at umalis na. Medyo naninibago parin talaga ako. Kasi si Ed na lang ang palagi kong kasama pag naggagala. Minsan, kasama namin si James. Pero si Luke? Hindi ko na talaga sya nakikita. Nagttry parin akong tawagan sya, nagriring. Pero, hindi naman nya sinasagot. Ni hindi nga rin sya nagrereply sa mga text ko sa kanya eh. "Minnie? Busy kaba?" nagulat naman ako sa pagsulpot ni James "Ano ka ba naman James! Ginulat mo ko eh!" sabay hampas ko sa kanya ng makalapit sya sakin "Sorry na. Hindi ko naman sinasadya eh!" sabi nya. Teka, ang aga-aga nandito tong taong to. Ang alam ko may pasok to ng 8am eh. "Hoy ikaw. Ang aga-aga nambubulabog ka. Anong sadya mo? Mangungutang ka ba? Oh well, wala akong pera eh! Barya? Gusto mo? Marami ako sa wallet ko" pambibiro ko sa kanya "Baliw ka talaga. Hindi naman ako ang may kailangan sayo eh. Sya po ang may kailangan sayo" sabi nya at itinuro ang nasa labas ng pinto. "Luke?" Okay? Hindi ko alam kung anong irereact ko. Kung matutuwa ba ko? Maiiyak? O matataranta. Gusto ko syang yakapin kaso baka naman mailang sya sakin kasi hindi na kami masyadong nakakapag-usap tapos gagawin ko pa yun? "Hi Minnie" bati nya sakin "Pasok ka" aya ko sa kanya at pumasok naman sya "Maiwan ko na muna kayo ha?" Umalis na si James at naiwan kami ni Luke "Kamusta kana?" tanong nya sakin "Okay lang. Ikaw? Kamusta?" tanong ko naman sa kanya "Okay lang din naman" sagot nya Wala nang nagsalita samin. Okay? Medyo awkward ang ganitong scene. Parang hindi kami magkakilala. Parang ngayon palang ang first meet namin. Nakakailang talaga. "Sorry" bigla nyang sabi "Sorry saan?" "Sorry for ignoring you. I didnt mean it" nakatungo nyang sabi "Okay lang. Sanay na naman akong naiiwan eh" nakangiti kong sabi. Tumunghay sya bigla at niyakap ako "Sorry for letting you go. Hindi ko sinasadya yun. Mahal kita. Alam mo naman yun diba? Pero, hindi kasi pwede ngayon eh" paliwanag nya "Bakit hindi?" "Basta. Promise ko sayo. Hihintayin kita. Hihintayin ko na maging okay na ang lahat at kapag nangyari yun? Umasa ka na ako at ikaw parin" "Bakit ka ba kasi lumayo? Dahil ba sa sinabi ko sayo dati na layuan mo ko?" naluluha kong tanong. Hindi parin nya ko binibitawan at nakayakap parin sya sakin "Hindi yun dahil dun. Natatakot kasi ako. Natatakot ako na masaktan kita kaya ako lumayo. Natatakot din ako na masaktan mo ko" "Natatakot ka? Bakit hindi mo sinabi sakin nang maintindihan ko? Hindi mo ba alam na sobra akong nalungkot at nasaktan nung bigla kang lumayo sakin? Ni hindi ako makatulog sa kakaisip sayo. Iniisip ko kung ano yung mali na nagawa ko. Kung nagkaroon ba tayo ng misunderstanding. Kasi ang alam ko naman, okay tayo eh! Wala namang away na naganap between us. Kaya nagtaka ako nung biglang kang lumayo sakin" "Sorry kung nasaktan kita. Hindi ko sinasadya. Hindi rin ako makatulog sa kakaisip sayo. Kaya nga nagpatulong na ko kay James para makausap ka eh. Gusto ko kasi na maging maayos na tayo. Hindi rin kasi ako makakatagal na ganito tayo. Hindi ako sanay Minnie. Nasanay na kasi ako na nandyan ka palagi" "Ganon din naman ako eh! Promise mo sakin na hindi mo na ko ulit iiwasan ha? Hindi mo na ulit ako sasaktan? Ha? Pangako mo sakin yun ha?" "Pangako ko sayo yun" sabi nya sakin sabay halik sa noo ko "Oo nga pala, namatay si Lulu at Ed" "Okay lang yun. Siguro time na nila. Pinatutunayan lang nila na kahit hanggang kamatayan, magkasama sila" "Akala ko nga, sign na yun na hindi kana babalik eh! Na tuluyan mo na kong iiwan. Gabi-gabi akong umiiyak kapag naiisip ko na mawawalan ako ng Luke sa buhay ko" "So, mahal mo na ko?" tanong nya sakin "Ikaw? Mahal mo ba ko?" "Hahaha, pasaway! Sayo ko nga tinatanong eh!" sabi nya sabay pisil sa pisngi ko "Oo mahal kita. Ikaw? Mahal mo ba ko?" "Hindi" "Hindi? Bakit hindi?" "Hindi eh" sabi nya. Sinimangutan ko sya at nilayasan. Hinabol nya naman ako at niyakap. Bigla syang bumulong sakin .. "Hindi kita mahal kasi mahal na mahal lang kita" bigla namang uminit ang pisngi ko. "Walang iwanan ha?" sabi ko sa kanya "Walang iwanan!" "Pinky swear?" "Pinky pinky swear" Atleast ngayon, malinaw na sakin ang lahat. Natuldukan na ang lahat ng mga tanong na umiikot sa utak ko. Hihintayin nya ko at alam ko na magttyaga sya. Sana maging handa na kami pareho na pumasok sa isang relasyon kapag dumating na ang tamang panahon para sa amin. [Note: The End~ Salamat sa pagbabasa! :) Lovelots♥ #TeamLuNnie)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD