Chapter Nineteen

1215 Words
(Minnie's POV) Saturday ngayon at sabi sakin ni Ed pupunta raw sya dito sa bahay. Siguro sinabihan sya ni Mama na pumunta dito. May biglaang seminar kasi sila Mama eh! At madaling araw na daw siguro sya makakauwi. "I'm here" sabi ni Ed at pumasok sa pinto ng bahay ko "Ikaw lang?" "Yup! Bakit? Sino pa ba ang inaasahan mo?" "Wala naman. Akala ko lang kasama mo si Luke o kaya naman si James" "Susunod na lang daw si James eh! Si Luke, ewan ko lang" sabi nya "Okay! Ipagluto mo nga ako ng fries. Meron dyan sa ref" utos ko kay Ed Umakyat naman ako ng kwarto ko para kuhain yung phone ko. Ano kaya kung papuntahin ko si Luke? Hindi naman yata makakatanggi sakin yun! To: Luke<3 -Pst. Punta ka dito sa bahay. Wala si mama eh! Tsaka si Ed lang naman ang kasama ko. Pupunta rin mamaya si James. Nag-ikot ikot ako sa kwarto ko. Nabobored lang kasi ako. I mean, kahit na may kasama ako parang may kulang eh! Gusto ko rin kasi na makasama si Luke at James. From: Luke<3 -Di ako pwede. Ang tipid naman yata magtext ngayon ni Luke? May problema kaya toh? O baka naman wala lang talaga sa mood. To: Luke<3 -Bakit naman hindi ka pwede? From: Luke<3 -Eh hindi pwede eh. Okay? Parang medyo nakakahalata na ko ah! Ang cold nya sakin. Parang may mali talaga. Hindi naman sya ganito eh! To: Luke<3 -May problema ba? Bakit parang ang cold mo yata sakin? From: Luke<3 -Wala. To: Luke<3 -Okay. Pagkatapos kong magreply sa kanya, hindi na sya ulit nagreply. Sya ba talaga yung kausap ko? Kasi parang hindi sya. I mean, hindi sya ganon eh! Pumunta ako sa sala at nakita na hinahanda na ni Ed yung niluto nyang fries. "May nangyari ba sayo?" tanong sakin ni Ed habang nilalagay ang mga fries sa isang bowl "Yup" "Ano naman yun?" "Ang cold ni Luke sakin. Parang hindi sya yung katext ko kanina" "Hayaan mo na lang sya. Baka naman napagod lang yun kaya ganon ang pakikitungo nya sayo. Wag mo na lang pansinin, mamaya maya sya na ang magtetext sayo o baka naman tawagan ka pa nun" "Sa tingin mo pagod lang sya?" "Oo naman! Ganon naman talaga yun eh. Tara! Kain na tayo" aya nya sakin. Kumain na kami at nanood ng anime. Hindi parin talaga naaalis sa isip ko yung pagiging cold sakin ni Luke. Ay ewan! Baka nga pagod lang yung lalaking yun. "Knock knock!" bigla kaming napatingin ni Ed sa pinto at nakita na nakatayo dun si James. May bitbit pa na pizza. "Pasok ka James!" aya ko sa kanya. Si Ed naman, kinuha yung pizza na dala nya "Tayo lang? Parang wala yata si Luke?" tanong ni James sabay upo sa sofa ko "Yun nga ang ikkwento ko sa inyo eh! May nangyari kasi kanina" salaysay ko "Ha? Ano bang nangyari? Kwento mo nga. Nacucurious ako eh!" sabi ni James "Ganito kasi .. Kanina, tinext ko si Luke na pumunta dito. Pero sabi nya, hindi daw sya pwede. Edi tinanong ko kung bakit. Ang sagot nya sakin 'Eh hindi pwede eh' Tinanong ko ulit sya kung may problema sya kasi ang cold ng pakikitungo nya sakin tapos sabi nya, wala daw. Kaya nireplayan ko na lang ng okay. Halata naman kasi na ayaw nya kong makatext eh! Hindi ko lang kasi malaman kung bakit bigla syang naging ganon. Ang alam ko naman kasi, wala naman kaming problemang dalawa eh!" "Hmm, ano naman kayang problema nun? Tawagan ko nga" sabi ni James at dinial ang number ni Luke "Pupunta ka ba dito sa bahay ni Minnie?" "Bakit hindi?" "Ano bang problema?" "Aba! May pakialam ako. Dahil naghihintay kami sayo" "Nagtatanong lang naman eh" Yan yung mga sinasabi ni James. Ano naman kayang pinag-usapan nila? Medyo nabad shot yata si James eh. "Anong sabi?" tanong ni Ed kay James "Nung pagkatapos kong magtanong kung pupunta ba sya dito ang sagot nya sakin, hindi daw. Tinanong ko kung bakit hindi sya pupunta? Ang sagot nya, wala daw sya sa mood na makita tayo. Nung tinanong ko naman kung anong problema, ang sabi nya. Ano ba daw ang pakialam ko. Ang sabi ko, naghihintay tayo sa kanya. At bakit daw ako nangingialam pa? Eh buhay nya naman daw yun. Sabi ko, nagtatanong lang naman ako eh" kwento ni James. Sabi na eh! May mali nga talaga kay Luke. "Ano ba talaga ang problema nya? May alam kaba Ed? Diba bestfriend mo rin sya? Siguro naman, alam mo ang dahilan?" tanong ko kay Ed. (Edward's POV) "Ano ba talaga ang problema nya? May alam kaba Ed? Diba bestfriend mo rin sya? Siguro naman, alam mo ang dahilan?" tanong sakin ni Minnie. Oo, alam na alam ko ang dahilan. Pero, hindi ppwedeng sabihin. Mabuti naman at sumusunod sa usapan si Luke. "Hindi ko alam eh! Hindi naman nag-oopen sakin yun! Tsaka, wala naman syang naikkwento sakin" pagsisinungaling ko "Hayaan nyo na lang sya" sabi naman ni James "Manood na lang tayo ng anime!" Ganon nga ang ginawa namin. Nanood kami ng sandamakmak na anime. Wala naman kasing gagawin eh. Ayaw naman kasi maggala nung dalawa. Kaya dito na lang kami sa bahay. "Ay teka! Kukuhain ko lang si Lulu at si Ed" sabi ni Minnie "Lulu? Ed? Teka, sino yun?" taka kong tanong "Hehe, mga hamster yun! Cute ng name noh? Sa pangalan mo at pangalan ni Luke galing yung pangalan nung dalawang hamster eh!" sabi sakin ni Minnie "Bakit ako wala?" tanong ni James "Hayaan mo, sayo ko na lang ipapangalan ang pusa ko" sabi ni Minnie sa kanya. Pumunta na si Minnie sa kwarto nya para kuhain yung hamsters na sinasabi nya. Nag-uusap kami ni James ng bigla naming marinig ang tili ni Minnie kaya naman nagmadali kaming dalawa na puntahan si Minnie. Nakita namin si Minnie na nakaupo sa sahig at humahagulhol ng iyak. "Minnie? Anong nangyari?" tanong ko sa kanya sabay yakap "Si Lulu, patay na sya Ed! Patay na si Lulu" sabi nya habang humihikbi "Okay lang yan. Ganyan talaga, siguro time na nya kaya kinuha na sya" sabi ko sa kanya "Pero hindi pwede yun" sabi nya sakin "Linisin mo na yan James" utos ko kay James at kinuha nya yung lagayan nung mga hamsters at inilabas ng kwarto ni Minnie "Wag kana umiyak. Papalitan na lang natin si Lulu. Okay?" sabi ko sa kanya at pinatahan na sya. Nang humupa na ang nararamdaman ni Minnie, inilibing namin yung hamster sa labas ng bahay nila. At yung naiwang hamster, nagpakamatay din makalipas ang ilang oras. Talaga namang 'till death do us part' ang naging promise nung dalawang hamster eh! "Sabi na eh! Alam kong mangyayari to" sabi ni Minnie "Ang alin?" tanong ni James sa kanya "Ang sabi ko kasi pag namatay ang hamsters na yan. Matatapos na rin ang pagkakaibigan namin ni Luke" "Anong connect?" "Sya kasi ang nagbigay sakin nyan at yun ang sinabi ko. Na kapag nagtagal yan sakin kahit isang taon or kalahating taon. Magtatagal ang pagkakaibigan namin ni Luke pero kapag hindi, it means .. Matatapos agad yung friendship namin and I was right. Tapos na ang pagkakaibigan namin at nararamdaman ko na ang pagbabago samin. Alam kong may mangyayaring hindi maganda" sabi ni Minnie 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD