(Edward's POV)
Di ko talaga alam kung aamin ba talaga ako o hindi. Kinakabahan kasi ako eh! Paano kung i-reject lang ako ni Wynwyn?
"Lalim yata ng iniisip mo? Baka naman malunod pati ako" pang-aasar ni Luke. Baliw talaga tong lalaking toh!
"None of your business" sabi ko at hinawi sya. Pero, sumunod padin sya
"Ano nga? Para kang ewan eh! Lutang kaba? May problema ka noh?" pangungulit nya sakin
"Oo, may problema ako. Alam mo kung ano?"
"Ano?"
"Mamaya pagkatapos ng klase. Doon ka pumunta sa court, may pag uusapan tayong dalawa. Involve si Minnie, patay ka sakin pag hindi mo ko sinipot"
"Ano namang tungkol kay Minnie? May nangyari ba na hindi maganda?"
"Basta. Sige, alis na ko. May pinapagawa si Ms. Tan sa office nya"
Umalis na ko at iniwan sya na nag-iisip. Time na para umaksyon ako dahil ayoko na masaktan ni Luke si Minnie. Ayoko na sa bandang huli si Minnie ang iiyak dahil sa napaglaruan sya ni Luke. Sinabi na sakin ni Minnie ang lahat. Lahat ng mga sinasabi ni Luke sa kanya at lahat ng mga ginagawa ni Luke sa kanya.
"Hi Ed! May problema kaba?" tanong ni Wynwyn sakin
"Wala"
"Gusto mo bang magpahangin tayo?" tanong nya sakin
"Okay lang"
Sumunod ako sa kanya sa paglalakad. Tahimik padin ako habang sya, tanong lang ng tanong ng kung ano-ano. Wala naman akong naiintindihan sa mga sinasabi nya. Ewan.
"Ed? Uy, ed! Nakikinig kaba?" tanong nya sakin
"Ha? Ano yun?"
"Sabi na eh! Hindi ka nakikinig sa sinasabi ko. May problema kaba? Sabihin mo naman sakin, I can help"
"Oo, meron"
"Ano nga ang problema? Para naman matulungan kita" nakangiti nyang sabi
"Ikaw"
"Ha? Ako?"
"Oo, ikaw"
"Ha? Hala! Ako talaga? Bakit? May ginawa ba ko sayo?"
"Oo, magnanakaw ka" sabi ko at nagulat naman sya
"Hala! Uy ed, wala akong ninanakaw sayo ha? Wala talaga kahit ---"
"Meron, ninakaw mo kaya ang puso ko" Natulala naman sya sa sinabi ko.
"Puso mo?"
"Oo, puso ko. Ninakaw mo. Ayan! Di tuloy ako makapagmahal ng iba. Ikaw kasi eh! Nasayo yung puso ko"
"Joke ba toh? Nasan ba yung camera? Nasan yung mga kasabawat?" palinga-linga nyang tanong
"Hindi toh biro"
"Pero, ano toh?"
"Ang slow mo talaga. Mahal kita Wyn. Matagal na! Manhid ka ba?"
"Pero--"
"Walang pero-pero. Mahal kita at walang makakapigil sakin. Kahit na ang mga pabebe girls" Natawa naman sya sa sinabi ko at ngumiti
"Thank you"
"Thank you lang?" tanong ko
"Anong gusto mo? May kiss agad? Gusto mo sipain kita? Aba! Manligaw ka muna"
"Payag kabang manligaw ako?"
"Kung kaya mong maghintay hanggang sa araw ng graduation natin. Ilang buwan na lang naman ang hihintayin mo eh"
"Kaya kong maghintay kahit gaano man katagal"
"Salamat Ed" Niyakap nya ko at hinalikan ko sya sa noo. Thanks! Ang saya-saya ko talaga ngayon!
(Luke's POV)
Pag-uusapan? Ano naman kaya ang pag-uusapan namin ni Ed tungkol kay Minnie? Ano kaya ang ikinuwento ni Minnie? Mamaya na nga. Tatapusin ko lang klase ko.
"San ka galing? Late ka ng 10mins" sabi sakin ng math teacher ko.
"Sorry po mam. May ginawa lang po ako sa faculty"
"Okay. Umupo kana. May pinapagawa ako"
Umupo ako at kinopya yung nasa board. Wala ako sa mood makinig eh. Para kasing may mali. May mali kay Ed. Hindi ko lang malaman kung ano yung mali na yun. Para kasing seryosong-seryoso si Ed sa sasabihin nya sakin eh! Tinitigan ko yung mga equation sa papel ko at sinagutan.
Talaga namang lumilipad ang oras. Tapos na kasi ang klase ko eh. Pero ni hindi ko parin nakikita si Ed. Nasan na kaya yun?
"Bro, nakita mo ba si Ed?" tanong ko sa isa sa mga schoolmate namin
"Nasa court. Kausap si Wynwyn"
"Ahh. Salamat"
Pumunta ako sa court at nakita si Ed dun. Mukha namang ayos na ang mood nya. Nakangiti na kasi sya eh.
"Yow! Ano na yung pag-uusapan natin?" singit ko sa pag-uusap nila ni Wyn
"Hmm, mukhang mahalaga yang pag-uusapan nyo ah! Alis na muna ako. Kita na lang tayo bukas Ed. Bye!" paalam ni Wyn. Okay? Anong meron?
"Upo ka muna" sabi nya at umupo naman ako sa bleachers
"Ano yung pag-uusapan natin?"
"Tungkol kay Minnie. Tigilan mo na sya Luke"
"Anong tigilan?"
"Tigilan mo na ang paglalaro sa kanya. Hindi na nakakatuwa. Bestfriend ko sya at bestfriend kita ayoko na paglaruan mo sya. Kung itutuloy mo pa yang ginagawa mo baka hindi na kita mapatawad at makalimutan kong magkaibigan tayong dalawa"
"Paglalaro? Hindi ko naman sya pinaglalaruan ah!"
"Hindi? Talaga? Eh ano yung naririnig ko na pinagttripan mo si Minnie? Luke, kung gusto mo mantrip. Please lang! Wag si Minnie. Ibang tao na lang ang paglaruan mo"
"Sino ba yang nagsabi sayo ha?"
"Sino? Natatandaan mo ba yung araw na tinanong kita tungkol kay Minnie? Sinabi mo sakin na 'Joke lang yun' Natatandaan mo ba yun Luke?" Natatandaan ko yun. Sinabi ko lang naman kay Ed yun para hindi nya malaman na gusto ko si Minnie
"Pero ngayon, totoo na ang nararamdaman ko para sa kanya"
"Hindi ako naniniwala. Simula ngayon, layuan mo na si Minnie. Wag na wag mo na syang kakausapin, wag mo na rin syang itext at wag na wag kang makikipagkita sa kanya. Pag nakipagkita ka sa kanya .."
"Ano? Ano kung makipagkita ako sa kanya?"
"Kung makipagkita kapa sa kanya. Ipapakita ko ang mga text mo sakin. Yung mga text mo na magpapatunay na pinaglaruan mo lang sya. Meron ka ring text kay James, kinuha ko na ang mga screenshots nung mga yun. Pag hindi mo pa nilayuan si Minnie, sisiguraduhin kong masisira ka sa kanya. At sisiguraduhin kong sya na mismo ang lalayo sayo" seryoso kong sabi sa kanya
"Ed bakit? Bakit mo ba ginagawa toh?" tanong ko sa kanya
"Bakit? Kasi mahalaga sakin si Minnie at ayoko na matulad lang sya sa mga babaeng pinaglaruan mo. Ayokong masaktan sya at ayoko na dahil sa pag-ibig nya sayo ay mapahamak sya"
"Mapahamak? Saan naman?"
"Saan? Kilala kita Luke! Kung yun lang ang gusto mong makuha kay Minnie. Wag sya! Maghanap ka ng ibang babae dyan!" sigaw nya sakin at tumayo ako para suntukin sya
"Eh tarantado ka naman pala eh! Sa tingin mo gagawin ko kay Minnie yun? Ni hindi ko nga mahawakan ang kamay nun, tapos yan ang sasabihin mo sakin?"
"Papalampasin ko ang pagsuntok mo sakin. Pero, binabalaan kita. Layuan mo na si Minnie" Umalis na sya dala-dala ang bag nya.
Hindi. Hindi ko pwedeng layuan si Minnie. Totoo naman kasi na mahal ko sya eh! Sa kanya palang ako naging seryoso. Oo, alam kong palabiro ako. Pero this time, iba na. Seryoso ako sa pagmamahal ko sa kanya. Kaya ko lang naman kasi hindi sinasabi sa iba lalo na kay Ed dahil alam ko naman kasi na tututol sya sakin na ayaw nya sakin at alam kong ayaw nya ko para sa bestfriend nya. Pero kung sa mga text ko kay Ed at James ang magiging dahilan ng pagkagalit sakin ni Minnie. Mas maigi na rin siguro ang lumayo ako sa kanya. Pero bago ako lumayo sa kanya, gusto ko munang makausap sya. Kahit saglit lang. Yun na rin siguro ang magiging huli naming pag-uusap.