Chapter Seventeen

1376 Words
(Edward's POV) Isang linggo na ang nakakalipas nung matapos ang foundation namin. Hindi na rin kami masyadong nagkakasama ni Minnie. Masyado na kasi syang busy sa school nila. Ang palagi ko na lang kasama ay si Luke. Wala rin naman akong balita kung nakakausap pa ba ni Luke si Minnie. "Hoy, nagkausap na ba kayo ni Minnie? Simula nang matapos ang foundation natin?" tanong ko kay Luke "Si Minnie ba? Oo naman, araw-araw nga kaming magkausap eh. Bakit mo naman natanong?" Ano?! Araw-araw sila magkausap? Bakit ganon? Sila, nag-uusap. Samantalang ako, ni wala man lang balita tungkol kay Minnie "Buti kapa. Lagi mo syang kausap. Ako nga, wala nang balita dun eh. Hindi din kasi masyadong nagttext sakin" "Gusto mo, makipagmeet tayo?" "Wag na! Busy yata yun eh. Malapit na din kasi ang examination nila. Ayoko naman na makaistorbo tayo sa kanya" "Okay, kung yan ang gusto mo" sagot ni Luke sakin at bumalik na sa ginagawa nya Ano kaya kung itext ko sya ngayon? Magrereply kaya yun at makikipagkwentuhan sakin? O baka naman hindi magreply. Tawagan ko na lang kaya? Ay, baka naman nasa klase ngayon yun. Text na nga lang. Itatry ko lang kung magrereply. Kung magreply, edi maganda. Kung hindi, edi wow! To: Minnie -Nasan ka? Busy kaba? Sana talaga magreply sya :) Yung ngiti ko sa mukha, unti-unting nawawala. Nakalipas na kasi ang ilang minuto pero hindi pa din sya nagrereply eh. To: Minnie -Siguro nga busy ka. Hindi ka nagrereply eh! O baka naman wala kang load. Sige, ingat ka na lang palagi :) Kung nagkakausap sila ni Luke, ang ibig sabihin ay may load sya. Hmm, baka naman busy kasi may klase. Wag ko na ngang istorbohin. "Ed!" tawag sakin ni Wyn. Eto na naman yung puso ko. Kumakabog na naman at hindi mapigil. "Hi! Kamusta?" tanong ko "Eto, still pretty padin. Ikaw? Kamusta?" "Okay lang naman. Naghahabol kami sa deadline ng project namin. Medyo marami eh" "Ganon? Sobrang dami ba?" "Medyo marami-rami din" "I see. Mukhang busy si Luke sa paggawa eh" sabi ni Wynwyn at tumingin kay Luke "Oo nga eh. Busy ako. Hindi kasi ako tinutulungan ni Ed. Ayan, ang tagal ko tuloy matapos dito" singit ni Luke "Hahaha, parusa sayo yan noh! Ang tamad mo kasi gumawa ng project. Palagi ka na lang nakaasa kay Ed. Ayan, magdusa ka" sabi ni Wyn at bumalik ng tingin sakin "Mukhang wala yata dito ang bestfriend mo. Nasan sya?" "Ahh, wala eh! May klase siguro. Tsaka busy din sya sa mga projects nya" "Ganon? Hmm, sige! Alis na ko. Bye!" Nagpaalam na si Wyn samin at bumalik kung san sya nanggaling. Bigla namang tumunog ang phone ko at nakita ang message ni Minnie sakin. From: Minnie -Sorry ha? Nagpasa kasi ako ng project ko eh. Tsaka, may pinag-usapan pa kami nung mabait kong teacher. Hindi naman ako busy. Pauwi na nga ako eh Pauwi? Ano kaya kung papuntahin ko sya? Kaso baka naman pagod sya. Wag na nga! To: Minnie -Ganon ba? Sorry sa istorbo ha? Sige, magpahinga ka na muna. Restwell :) Hindi ko na hinintay pa ang reply nya at tumulong na ko kay Luke sa paggawa ng project namin. Kanina pa din kasi nagrereklamo tong tao na toh eh! (Minnie's POV) May problema kaya si Edward? Kasi, parang meron eh. Ewan ko lang, kasi kung meron man syang problema. Dapat sinabi na nya sakin. Siguro, masyado lang akong nag-iisip. "Ma?" tawag ko. Kakauwi ko lang kasi ng bahay. Nasa alas kwatro na yata ng hapon eh. "Ma?" tawag ko ulit. Pero wala namang sumasagot. Siguro hindi umuwi si mama ngayon. Pagod na pagod yung katawan ko. Magpapahinga na muna ako sa taas. Pag punta ko sa kwarto ko. Nakita ko yung mga hamster ko kaya naman nilaro-laro ko muna saglit at natulog na ko. Pagkagising ko. 7pm na. Tatlong oras pala akong nakatulog? Hmm, siguro dahil sa pagod ko rin to. Tsaka, ilang araw na rin kasi akong walang tulog eh "Nak, gising kana ba?" tanong ni mama sabay katok sa pinto ng kwarto ko "Opo, gising na ko. Pasok ka" "Ano? Kamusta ang tulog mo? Mukhang pagod na pagod ka ah" "Tinapos ko po kasi lahat ng projects ko eh. Ang dami masyado. Mga dalawang oras lang po yata ang tulog ko kaninang madaling araw kaya nakatulog na ko agad pagkauwi ko" "Okay lang. Naghanda na ko ng hapunan. Tara nang kumain?" "Sige po. Sunod na lang po ako" Umalis na si mama at bumalik ako sa pagkakahiga. Nakakatamad kumain! Nakakatamad din bumangon. Gusto ko matulog ulit! Parang kulang pa eh. Nagulat ako ng tumunog ang phone ko. From: Edward <3 -Paano kung yung dating nililigawan ng kaibigan mo eh. Gusto mo? Anong gagawin mo? Teka, para sakin ba talaga yung message? O baka naman nagkamali si Ed ng send. To: Edward <3 -Uy, wrong send ka. From: Edward <3 -Para sayo talaga yan. Sagutin mo na lang. Para sakin daw talaga ang tanong. So, anong meron? Konektado ba sakin yung tanong o sa ibang tao? To: Edward <3 -Hmm, dati lang naman palang nililigawan eh. Edi magtatapat ako ng pag-ibig ko sa taong yun. Teka, naging sila ba? Kasi kung naging sila. Ang pangit naman tignan na yung kaibigan mo. Ex nya tapos ikaw present boyfriend nya. From: Edward <3 -Oo, naging sila. Ewan kung totoo. Pero naging sila daw eh. To: Edward <3 -Kilala ko na. Parang may sense ako na nagsasabing kilala ko yung sinasabi ni Ed. Parang si Wynwyn ang tinutukoy nya. Hmm. To: Edward <3 -Si Wynwyn yan noh? Tapos yung kaibigan mong nanligaw sa kanya dati ay si Luke. Tama ba ang hula ko? From: Edward <3 -Hala! Bakit mo nalaman? Tsaka, wag kang maingay ha? Wala kasing nakakaalam nito eh. To: Edward <3 -Hindi naman ako maingay na tao. Hayaan mo, mapagkakatiwalaan mo ko pagdating sa bagay na ganyan. So, may feelings ka pala sa kanya? Kailan pa? Matagal na ba? Tsaka bakit hindi mo sinabi kay Wynwyn na may feelings ka for her? Smell something fishy. Kaya pala! Napagdugtong-dugtong ko lang. Malakas kasi sense ko eh. Tsaka, magaling akong manghula :D "Nak? Kain na tayo" tawag ni mama. Hala! Nakalimutan ko! Kakain na pala kami :3 "Pababa na po" Pagkababa ko. Kumain ako agad at inubos ko ng mabilis ang dinner ko. Nagtaka naman si mama sa ginawa ko. Mabagal kasi akong kumain eh. "Bakit ka nagmamdali nak? Inaantok kana ba talaga?" "Ahh. Opo eh! Tulog na po ako ha? Goodnight ma" pagsisinungaling ko. Kiniss ko si mama at umakyat na ulit pabalik sa kwarto ko. Pagtingin ko sa phone ko. Puro message ni Ed at may 4 na misscalls. Nyee? Nakalimutan kong dalhin ang phone ko sa baba kanina. Matawagan na lang. Calling ... "Ed?" "Ang tagal mo magreply. Nakatulog kaba?" tanong nya na nasa kabilang linya "Kumain ako eh. So, ano? May feelings ka kay Wyn? Paano? Bakit? Ikwento mo naman" "Okay. Okay. Ganito kasi yun .. Hmm, matagal na talaga akong may gusto sa kanya. Siguro 3years na ngayon. Kaso, nung time na aamin na ko sa kanya. Bigla namang sumingit si Luke at nanligaw sa kanya. Edi nawalan ako ng pag-asa. Sino ba naman ako? Kumpara kay Luke? Kaya hindi ko na sinubukan na umamin kay Wyn. Pero ngayon na alam kong wala nang feelings si Luke kay Wyn. Nag-iisip ako kung itutuloy ko na ba yung naudlot kong pag-amin sa kanya o hindi na lang. Natatakot din kasi akong mareject nya eh" "Ganon? Hmm, natatakot kang mareject? Eh paano mo malalaman kung gusto ka rin nya? Malay mo naman, may gusto rin sya sayo. Diba? Sige lang, try mo! Sabi nga nila. Try and try until you succeed" "Sa tingin mo, worth it ang magtry?" "Aba! Oo naman! Tignan mo si mama. Sa kakatry nya maghanap ng trabaho. Nakahanap sya ng matino. Mataas pa ang sweldo. Worth it ang pagttry nya" "Ano ka ba naman Minnie! Iba naman ang trabaho, iba ang love" "Ganon din yun noh! Kasi kung magttry ka. Wala namang mawawala eh. Hindi ka naman magpapakamatay eh. Aamin ka lang naman. Try mo na. Sige na" "Sabi mo yan ha? Magttry ako umamin. Pero sana, hindi ako makatanggap ng rejection. Dahil kung magkaganon, lalayuan ko na lang si Wyn"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD