(Minnie's POV)
Lumapit ako kay Luke at Edward. Hindi ko alam kung bakit ganon yung tingin sakin ng dalawa ang alam ko lang at ang malinaw sakin eh galit sila.
"May nagawa ba kong mali?" tanong ko sa kanila
"Wala" sagot nila pareho
"Kung wala naman pala akong nagawang mali eh bakit ganyan kayo? I mean, nagbago ang mood nyong dalawa"
"Wala nga. Ano? Sasama ka ba samin?" tanong sakin ni Luke
"Oo, sasama ako"
"Okay" sagot nya
Hindi na lang ako nagsalita at sumunod na lang sa kanila. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang ugali ni Luke at ni Edward. Nagagalit na lang kasi sila nang hindi ko alam eh. Malay ko ba kung ano yung nagawa ko. Sa tingin ko naman, wala akong nagawang ikagagalit nila.
"Sakay na" sabi sakin ni Edward. Sumunod naman ako at tumabi sakin si Luke sa jeep. Si Edward naman ay umupo sa kaharap kong upuan.
"Hindi ako sanay na ganito tayong tatlo. Ano bang meron? Kanina pa kasi ako nagtataka sa mga kinikilos nyo eh. Parang may nagawa talaga ako eh" inis na sabi ko sa kanila
"Bakit meron ba? Meron ka bang ginawa para magalit kami?" pabalang na sagot sakin ni Luke
"Kaya nga nagtatanong ako diba? Kasi hindi ko alam kung meron man. Kasi ang alam ko wala naman akong ginawa eh"
"Oh! Wala naman pala eh. Bakit ka nagtatanong kung wala naman pala?" singit ni Ed
"Letche! Bababa ako sa jeep na to kung hindi nyo sasabihin sakin" inis na sabi ko. Hindi nila ako pinansin at tumahimik lang. Bwiset talaga tong dalawang to! Nakakainit ng dugo. Tss, okay? Mabilis naman akong makakababa ng jeep kasi tatlo lang kaming sakay.
"Ano? Hindi pa kayo magsasalita?" tanong ko sa kanila. Naghintay pa ko ng ilang minuto. Pero hindi parin talaga sila nagsasalita. "Okay, kung ayaw nyong magsalita. Bababa na ko. Manong! Para po!" sigaw ko sa driver. Tatayo na ko sa kinauupuan ko pero hinila ako nung dalawa at sabay na nagsabing "Nagseselos kami"
Napaupo naman ako agad nang marinig yung sinabi nila "Ha? Ano yun?" tanong ko
"Nagseselos kami" sabay ulit nilang sabi
"Bakit naman kayo nagseselos?"
"Gawa ni James"
"Neng, bababa ka pa ba?" singit ng driver
"Hindi na po kuya. Sige na! Magpatuloy na po kayo" sabi ko sa driver "Teka, mabalik nga sa usapan. Bakit naman kayo nagseselos kay James? At anong ikinaselos nyo?" tanong ko
"Hindi ka kasi nanood ng game ko eh" sabi ni Luke
"At ikaw Ed?"
"Umalis ka kasi eh! Bigla kang nawala sa paningin ko. Tapos nakita kong kasama mo si James"
"Teka lang ha? Magpapaliwanag ako. Luke, nanood naman ako ng game mo ah. Kaso umalis lang ako saglit para bumili ng pagkain. Nagugutom na kasi ako nun eh. At ikaw naman Ed, ganon yun! Nawala ako kasi bumili ako ng pagkain, kasama si James. Wala kayong dapat ikaselos.Napaka nyo talagang dalawa! Parang yun lang eh"
"Layuan mo si James. Wag ka na ulit sasama sa kanya. Nakita ko na inangkas ka nya sa bike kanina. Hindi magandang tignan. Nakakainis!" sabi ni Luke
"At wag kang makipagkaibigan dun. Ayoko na lalapit ka dun, okay?" sabi naman ni Ed
"Okay? Pero teka nga! Bakit ba mainit ang ulo nyo kay James? Wala namang ginagawa sa inyo yun ah!"
"Kasi nga, feeling ko may crush sayo yun" sabi ni Luke
"Crush? Paano mo naman nasabi? Tsaka, eh ano kung may crush? Crush lang naman yun eh!"
"Kahit na! Basta layuan mo sya" sabi ni Luke
"Oo na po. Lalayo na"
"Good!"
Tumahimik na ulit kami pare-pareho at ikinabit ni Luke sa tenga ko ang isang earphone nya. "Pakinggan mo" sabi nya
Pinakinggan ko naman ang kanta. Maganda naman. Maya-maya naramdaman kong bumigat ang kanang balikat ko. Yun pala eh nakapatong na ang ulo ni Luke.
"Papatong ng ulo ha?" sabi nya. Tumango nalang ako. Ganon kami hanggang sa makarating sa Sm.
"Tara, nandito na tayo" sabi ni Ed. Tumayo na kami at bumaba ng jeep.
"Teka, ano bang gagawin natin dito?" tanong ko sa kanila
"Kukuhain ko lang yung cake na inorder ni mama. May paggagamitan kasi sya nun eh" sabi ni Ed
"Para san naman yung cake? Sa trabaho ba? Tsaka malaki ba yung cake?" tanong ko
"Sa trabaho nga yata. Gaano kalaki? Malay ko? Hindi ko pa naman nakikita eh. Kasi nandito ako kasama nyo" pilosopo nyang sagot
"Oo nga naman" sabi ko
Pumasok na kami ng Sm at pumunta sa second floor kung saan makikita yung cake shop. Nakakatakam yung mga cake na nakikita ko. May chocolate at mocha cake. Yummy! Naririnig ko na naman yung tummy ko na nagrereklamo. Kainis!
"Gutom ka na ba?" tanong sakin ni Luke
"Nope. Kumain ako kanina eh"
"Talaga lang ha? Pero bakit natunog yang tyan mo?" nakangisi nyang tanong sakin. Omg! Narinig nya yun? Nakakahiya :
"Che! Oo na! Eh sa nagugutom ako sa mga nakikita ko eh"
"Hahahaha. Hayaan mo kakain tayo mamaya"
Pumunta kami dun sa pila at iniabot ni Ed yung bayad dun sa cake na inorder.
"Maghintay lang po kayo ng ilang minuto" sabi nung babae
"Okay" sagot ni Ed. Matyaga naman kaming naghitay at makaraan ang ilang minuto lumabas na yung babae. Bitbit ang isang malaking box
"Here's your order Sir. Papirma na lang po dito. Salamat"
Pinirmahan ni Ed yung papel. Pinilas nung babae yung kapiraso at ibinigay kay Ed. Yun yata yung resibo nung cake.
"Tara na" aya ni Ed
Pumunta kami sa food court at umorder yung dalawa ng kakainin namin habang ako naman eh nasa upuan at tinititigan yung cake na inorder ng mama ni Ed. Chocolate cake pa naman! Favorite ko :3 Nagccrave talaga ako sa chocolate cake. Ano kaya kung tangayin ko bigla to? Hahaha. Baka balatan ako ng buhay ni Ed pag ginawa ko yun. Bumalik yung dalawa dala ang tatlong rice with sisig.
"Kain na tayo" sabi ko at simulang ubusin ang pagkain ko
Matapos kaming kumain. Tumutunog padin ang tyan ko. Kainis! Gusto nya talagang kumain ng cake. Hahaha
"Gutom ka pa rin?" tanong ni Ed sakin
"Hindi ah! Busog na ko" nahihiya kong sagot
"Baka gutom ka pa ha?" tanong nya ulit sakin
"Nope. Busog na talaga ako" sabi ko. Pero biglang tumunog yung tyan ko
"Sabi na eh! Gutom ka pa. Anong gusto mong kainin?" tanong sakin ni Luke
"Wala" sagot ko at mas lumakas yung tunog ng tyan ko. Parang sinasabi na sabihin ko kay Luke na gusto ko ng cake. Kainis!
"Talaga lang ha? Ano nga gusto mong kainin?" tanong ulit sakin ni Luke
"Nagccrave ako sa chocolate cake" nahihiya kong sabi
"Hahaha, hindi pwede tong dala natin. Baka sipain tayo ni mama" sabi ni Ed
"Bili nalang tayo ng isang slice" sabi ni Luke
Bumalik kami sa cake shop at inorder nila ako ng isang slice ng chocolate cake. Kinain ko agad yun at solve! Hahaha. Hindi na nag-ingay pa yung mabait kong tyan. Nakain nya na yung gusto nyang kainin eh.