Chapter Fifteen

1338 Words
(Ed's POV) Foundation Day na namin at nakakatamad talaga! Sumayaw kami nung prinactice namin na sayaw. At may mga booth pa. Maaga kong tinawagan si Minnie at tinanong kung pupunta ba sya o hindi. At ayun, sabi nya .. Pupunta naman daw sya. "Pupunta ba dito si Minnie?" tanong ni Luke "Hindi ko alam eh. Baka daw hindi" pagsisinungaling ko. Bigla namang nalungkot ang mukha ni Luke. Hmm, may napapansin na ko. Kung makapagreact si Luke. Parang sila ni Minnie eh "Anong meron sa inyo ni Minnie?" tanong ko sa kanya "Ha? Wala. Magkaibigan lang kami" "Talaga? Magkaibigan lang talaga ha?" "Oo nga! Magkaibigan lang kami. Bakit mo naman naitanong?" "Wala. May napapansin lang kasi talaga ako sa inyong dalawa eh. Hindi ko lang maipaliwanag kung ano yung napapansin kong yun" sagot ko "Haha. Paranoid ka lang Ed!" sabay tapik nya sakin at takbo palayo sakin Paranoid lang ba talaga ako o may mali talaga? Para kasing may bumabagabag sakin eh. "Ed!" tawag ni Wynwyn sakin "Bakit? May kailangan ka?" "Pinapasabi kasi ni Sir sayo na pakiayos na daw yung stage. Yung sound system. Mamaya na daw kasi yung basketball at yung volleyball" "Ahh .. Yun lang ba? Pakisabi, sige! Ayusin ko na lang maya-maya. Papahinga lang ako. Napagod ako sa sayaw natin kanina eh" "Hahaha. Oo nga eh! Nakakapagod ano?" "Hindi naman nakakapagod. Nakakahingal" sabi ko at sabay kaming tumawa "Anyway, pupunta ba si Minnie dito? Yung kaibigan nyo daw?" "Bakit mo naman natanong?" "Wala naman. Gusto ko lang naman na malaman. Masama na ba ngayon ang magtanong?" "Hindi naman. Hmm, pupunta daw sya eh! Pero ang alam ko may klase ngayon yun eh. So, baka hindi sya makapunta dito" "I see. O sige! Una na ko. Aayusin pa namin yung mga pagkain eh" "Sige!" Umalis na si Wynwyn at naiwan akong kinakabahan. Everytime kasi na makakausap ko si Wynwyn nag-iiba yung pakiramdam ko eh. Parang kinakabahan na naiihi. Tapos pinagpapawisan na nauutal. Nanginginig na naninigas ang buo kong katawan. Ewan. Sa kanya lang naman ako nagkakaganon eh. "Edward!" tawag ng isang boses sa likuran ko. Alam ko na naman kung sino yun eh! "Ang tagal mo talaga eh. Late kana! Tapos na kaming sumayaw. Sayang hindi mo nakita kung gaano katigas ang katawan ni Luke" kwento ko kay Minnie "Hahaha. Talaga? Sobrang tigas ba ng katawan ni Luke?" natatawang tanong ni Minnie "Hoy! Hoy! Hoy! Bakit naririnig ko ang gwapo kong pangalan? At anong matigas ang katawan ko? Hindi ah! Ang lambot nga ng katawan ko" singit ni Luke "Totoo namang matigas ang katawan mo eh! Mabuti pa yung samin ni Ed. Malambot kahit papaano. Yung sayo, hindi talaga eh!" singit naman ni James kaya nagtawanan kami. Si Luke naman, ang sama na ng itsura. "Hahaha, tama na nga yan! Magkapikunan pa kayong tatlo" saway ni Minnie "Nagdala nga pala ako ng nilagang baka. Nagtry ako magluto. Tara kain tayo" aya nya samin "Hmm, mukhang masarap yan ah!" sabi ni Luke "Dun tayo sa ilalim ng puno. Dun tayo kakain" sabi ko sa kanila. Pumwesto kami dun at nagsama kami ni Luke para kumuha ng plato, kutsara't tinidor at baso. "Kukuhain ko nga pala yung inorder ni mama na cake sa Sm. Samahan mo ko mamaya" sabi ko kay Luke "Sige, isama din natin si Minnie ha?" "May pasok pa yata yun eh" "Edi pag wala syang pasok. Isama natin sya. Ha?" "Sige" Bumalik na kami sa pwesto namin at nakita namin si James at Minnie na nagkkwentuhan. "Kain na tayo!" aya ni Minnie. Inuna naming tikman yung niluto ni Minnie. In fairness, masarap ang pagkakaluto nya. Kaso yung .. "Patatas. Sobrang lambot. Naovercooked yata to" sabi ni Luke. Sang-ayon din naman ako sa kanya "First time ko kasing maglagay ng patatas eh" sabi ni Minnie "Pero, masarap naman yung luto mo" sabi ni James "Ha? Masarap? Naman? Ibig sabihin, napilitan lang kayong kainin yan?" tanong ni Minnie "Hindi ah! Masarap talaga. Yung patatas lang talaga ang naging problema. Pero over all. Masarap sya" sabi ni Luke "Weh?" "Oo, masarap nga" sabi ko. Natapos kami ng BUSOG! Ubos lahat ng kinuha namin eh. Sarap! Nagpahinga lang kami at nagkwentuhan na ulit. Magsisimula kasi ang basketball game after 2hours. (Minnie's POV) Masaya ako kasi nagustuhan nila yung luto kong nilagang baka. Hehehe, akala ko hindi nila magugustuhan eh! Pero ayun! Naubos nila at nagrerequest pa na ulitin ko daw yun at dalhan sila ng mas madami pa. Tapos na silang magpahinga at magsisimula na ang basketball game. Si Luke ang captain ng basketball at si Edward naman ang nasa sound system. Habang kami ni James ay hamak na taga panood lang. Hindi kasi marunong si James magbasketball. Volleyball player sya. Pero hindi naman sya sumali sa volleyball game. Injured daw kasi ang left arm nya. Kaya taga panood lang sya ngayon. "Ayan, simula na" sabi ni James. Nanood kami ng mabuti at kapag makakashoot ang team ni Luke ay tumitili ako. Hanggang sa napagod din ako at muling nagutom. "Gutom kana?" tanong sakin ni James "Oo eh. Sabi ng tummy ko. Kailangan nya daw ulit kumain" "Tara. Bili na muna tayo" Kinuha nya ang isang bike na nakasandal sa may gate ng court at tinawag ang kaschoolmate nila "Bry! Pahiram ng bike mo ha? Balik ko din agad" sabi ni James. Tumango na lang yung hiniraman nya "Tara. Sakay ka na" sabi nya sakin "Iaangkas mo ko?" "Oo, ayaw mo?" "Pero--" "Malayo kasi yung bibilhan natin. Anong gusto mo? Lakarin natin o magbike na lang tayo?" tanong nya "Eto na po. Aangkas na" sabi ko at umangkas na dun sa may harap nya. Nakita ko si Luke na nakatingin samin habang papalayo. Habang nagbibike si James ay nagsalita ako. "Hindi kaya magalit si Luke at Ed?" "Bakit naman?" "Kasi iniwan natin sila. Tapos hindi na tayo nanood ng game?" "Hindi naman yan. Bibili lang naman tayo ng pagkain eh" May nakita kaming burger stand at sabi nya. Yun na lang daw ang kainin namin. Tig-dalawa daw kami. Kumain kami at nagkwentuhan tungkol sa mga kaschoolmate nila. At tungkol kay Wynwyn. "Selos na selos yun sayo eh" sabi ni James sakin "Ganon? Hmm" "Oo nga" "Wala naman syang dapat ikaselos eh. Hindi kami ni Luke at hindi magiging kami" Kasi hamak na kapatid lang ang tingin nya sakin "Sus. Okay! Sabi mo eh. Tara na bumalik" Sumakay na ulit kami sa bike at bumalik sa court. Kaso pagbalik namin, nagliligpit na sila. "Tapos na?" tanong ko "Siguro. Nasan sila Ed?" "Ewan? Baka iniwan na ko" "Text mo nga" Tinext ko si Luke pero ang sagot nya lang sakin ay "Umuwi kana" Nabasa din ni James ang text na yun ni Luke "Aba! Papapuntahin ka nila dito tapos hindi ka man lang nila ihahatid? Napaka nila" asar na sabi ni James "Hayaan mo na lang" sabi ko kay James. Tinext ko si Luke at sinabing "Okay sige. Uwi na ko. Ingat kayo ni Ed" "Tara na nga. Ihahatid na lang kita sa sakayan. Bago ako umuwi" offer sakin ni James "Salamat" Kinuha nya ang gamit nya at naglakad na kami papunta sa may sakayan. Nang malapit na kami sa sakayan. Biglang nagtext si Luke sakin "Pauwiin mo na si James at sabihin mo na may dadaanan kapa pala. Kaya hindi kapa makakauwi. Pag nagtanong kung sino. Sabihin mo, pinsan mo na nagpapaturo sayo" "Minnie, sakay kana" sabi ni James sakin "Ay! Teka. Nakalimutan ko pala. Dadaan nga pala ako sa pinsan ko" "Pinsan? Bakit?" "Nagpapaturo sakin ng math eh" "Samahan na kita. Gusto mo?" "Wag na. Malapit lang naman yun eh! Sige na, mauna ka nang umuwi. Pagod ka sa maghapon eh" sabi ko sa kanya "Sure ka?" "Oo! Sure na sure ako. Sumakay kana" "Sige. Ingat ka ha?" "Oo, mag-iingat ako. Ikaw din! Ingat ka din" sabi ko sa kanya at sumakay na sya Biglang nagvibrate ulit ang phone ko at nakita ang text ni Luke "Behind you" Tumalikod ako at nakita ko yung dalawa sa likod ko. Blanko ang expression ng mukha. Teka? Ano bang nagawa ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD