(Minnie's POV)
Nandito na ko sa Sm kasama si Edward, James at Luke. Tsk. Nakakairita lang talaga.
"May problema ka ba Minnie?" tanong sakin ni James
"Ahh. Ano basta! Private" Yun na lang ang sinabi ko sa kanya para naman hindi na sya magtanong pa
"Share mo na yan. Malay mo matulungan ka namin" sabi ni Luke
"No need Kuya"
"Ano nga yan Minnie?" pangungulit ni Edward. Haaay! Mukhang hindi ako titigilan nitong mga toh.
"Okay! Sasabihin ko na sa inyo. May monthly period ako. Oh, okay na ba?"
"Yun lang naman pala eh! Akala naman namin kung ano na eh" sabi ni James
"Tara na nga at bumili sa dept. store" aya samin ni Luke. Isang taon lang naman ang tanda nya sakin eh. Ayoko na syang tawaging kuya. Papakaplastic pa ba ko? Magkasabay sa paglalakad si Luke at James. Kami naman ni Edward ang magkasabay.
"Anong nararamdaman mo ngayon Minnie?" tanong sakin ni Edward
"Okay lang naman"
"I mean, anong nararamdaman mo na nakikita mo na naman si Luke?"
"Haaay, ewan ko ba. Ang alam ko lang pag kasama ko kayo masaya ako"
"Okay lang yan. Mawawala din ang feelings mo sa kanya" sabay akbay nya sakin pero biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.
"Bakit Edward?"
"Inaapoy ka ng lagnat?"
"Wala lang toh. Ano kaba!" sabay tapik ko sa kanya kaso tinuktukan nya ang noo ko
"Abnormal ka! Nilalagnat ka na't lahat-lahat. Wala pa din? Anong kalokohan yan?" tapos tinuktukan nya na naman ako. Aray naman!
"Luke, may gamot ka dyan?" tanong ni Edward kay Luke
"Aanhin mo ang gamot?" takang tanong ni Luke
"Inaapoy ng lagnat si Minnie eh" pagkasabi nun ni Edward ay agad na lumapit sakin si Luke at sinapo ang noo ko
"Abnormal ka Minnie! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Bakit hindi mo man lang sinabi samin na nilalagnat ka?! Ang taas ng lagnat mo ah!" nag-aalala nyang sabi, halata sa mukha nya ang takot.
"Okay nga lang ako! Ano ba naman kayo. Parang lagnat lang toh eh. Hindi pa naman ako mamamatay" sabi ko kaya naman binigyan nya ko ng tuktok sa noo
"Tss. Tara na nga muna sa dept. store bibilhan kita ng tubig. May gamot ako sa bag ko" sabi ni Luke. Tahimik lang naman kami na sumunod sa kanya, baka kasi sermunan na naman ako nito eh. Grabe naman sila kung mag-alala sakin. Lagnat lang naman toh eh! Totoo naman diba? Hindi pa naman ako mamamatay. Grabe naman sila! As if naman na may cancer ako kung makapagsermon sila sakin.
After naming bumili ng makakain ay bumalik kami ng food court at pinanom na nila ako agad ng gamot.
"Sa susunod, magsasabi ka samin huh? Baka mamaya, mamalay-malayan namin eh hinimatay kana dyan" sermon ni Edward sakin
"Tsaka magsabi ka kung may amsakit sayo o kaya kung nagugutom ka" sabi naman ni Luke
"Ano? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni James
"Ano ba naman kayo! Ayos nga lang ako. Medyo nahihilo lang ako ng konti pero keri pa naman!" sabi ko sa kanila at kinain na yung chichirya na binili nila. Nung iinumin ko yung coke na nasa baso ay sabay-sabay nilang hinila yung baso sa kamay ko
"Bawal ka dyan" sabi ni Luke
"Ngayon lang naman eh!"
"Bawal!"
"Tss, ano ba naman yan! Edi sana hindi na ko sumama at dun na lang ako sa bahay. Hindi din naman ako makakakain ng maayos dahila ayaw nyong ipakain at ipainom yang mga binili nyo" pagmamaktol ko
"Ngayon lang toh huh? After mong uminom ng softdrinks, uminom ka din ng madaming tubig para hindi umatake yang U.T.I mo, okay?" sabi ni Luke
"Okay po kuya"
Wala naman silang magagawa sa katigasan ng ulo ko eh! Kaya naman kumain ako ng kumain! Aba, masarap pag libre eh :) Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan at puro kalokohan lang ang pinagkkwentuhan namin. Magkatabi kami ni Luke sa upuan at sa harap naman namin si Edward at James. Nagulat ako ng kilitiin ako ni Luke sa tagiliran kaya naman napausod ako.
"Kuya wag kasi! Tinotoyo ka na naman eh! Pag ako namatay sa kiliti. Tignan mo!" sigaw ko sa kanya
"Hahahaha. Ang kulit mo kasi eh" sabi nya at kiniliti ako ng kiniliti kaya naman nalaglag na ko sa kinauupuan ko. Bumangon ako mula dun sa sahig at hingal na hingal ako.
"Ayoko na kasi! Abnormal ka eh! Pag ako talaga namatay sa kiliti. Ikaw ang una kong dadalawin" sabi at tumabi na sa kanya
"Ako ang una mong dadalawin kasi mahal mo ko" bulong nya sakin. Parang nag-init ang magkabila kong pisngi sa sinabi nya
"Mukha mo! Hahaha. Mababalitaan nyo na lang sa tv na, namatay si Minnie Cruz dahil sa kiliti" natatawa-tawa kong sabi. Hindi nya dapat mahalata na naapektuhan ako sa sinabi nya
"Para kayong may sira dyan eh!" sabay na sabi ni James at Edward. Kumain na lang kami at nagkwentuhan ulit nang maalala ko yung itatanong ko kay Luke
"Kuya Luke, may tanong ako sayo" bulong ko sa kanya
"Hmm, ano naman yun?"
"Totoo yung sinabi mo nung nakaraang gabi?"
"Oo naman, mukha ba kong nagbibiro?" biglang sumeryoso ang itsura nya
"Oo"
"So, hindi ka talaga naniniwala?"
"Hindi. Kasi naalala ko pala yung sinabi mo sakin nung una tayong magkita"
"Huh? Ano naman yun?" tanong nya sakin
"Na .. Kahit na anong mangyari hindi ka magkakagusto sakin" saad ko
"Kailan ko sinabi yun? Tsaka may sinabi ba kong ganon? Ang alam ko, wala naman ah!"
"May sinabi ka kaya! Ang sabi mo pa nga 'Sayo? Magkakagusto ako? Wag na! Kahit kailan hindi ako magkakagusto sayo noh!' Ayan ang sabi mo sakin dati"
"May sinabi ba kong ganon?"
"Oo naman. Alam din yun ni Edward dahil sya ang kasama natin nun" sabi ko at tumingin kay Edward para patotohanan ang sinasabi ko "Edward, diba sinabi ni Kuya Luke sakin dati yun?"
"Oo Luke, sinabi mo yun sa kanya"
"Ahh. Dati lang naman yun eh! Iba na ngayon" sabi sakin ni Luke
"Atleast sinabi mo diba?"
"Atleast iba na ngayon"
"Bakit? Nilunok mo ba yung mga sinabi mo sakin dati?" tanong ko sa kanya
"Parang~" sabi nya. Iinom na sana ako ng softdrinks nang pigilan nya ko "Pag na-straight mo nang inom yan. May wish ka sakin" sabi nya
"Deal!" ininom ko ng straight yung coke kahit na masakit sa lalamunan at sa tyan para lang makuha yung wish ko.
"Aba! Galing ah. Anong wish mo?" agad na tanong nya sakin
"Atat ka? Hahaha, tsaka ko na sasabihin" sabi ko sa kanya
"Private wish ba yan? At ayaw mong malaman namin?" tanong ni Edward
"Hindi ah! Wala lang kasi talaga akong maisip eh"
"Ako naman! Pag na-straight ko toh. May wish din ako sayo" sabi ni Luke at dali-daling ininom ang coke na nasa baso nya "See? Nagawa ko, it means may wish din ako sayo" sabi nya
"Oh ano namang wish yan?" tanong ko sa kanya
"Kiss me" bulong nya sakin
"Sure" sabay smirk ko sa kanya
"Alam kong hindi mo magagawa yun"
"Kaya kong gawin yun!"
"Hindi"
"Kaya ko"
"Alam kong hindi"
"Ano ba yang pinagtatalunan nyo? Muntanga kayong dalawa dyan eh!" saway ni James samin
"Wala lang yun! Tungkol lang sa wish ni Kuya Luke" sabi ko kay James
"Ano bang wish nya?" tanong ni Ed at James
"Secret! Nangingialam kayo sa wish ko?" sabi ni Luke
"Damot nyo eh, parang tinatanong lang naman" sabi ni Edward. Hahahaha :D "Sabihin mo sakin mamaya Minnie" sabi ni Ed at tumawa
"Sige, mamaya. Sasabihin ko sayo"
"Subukan mong sabihin. Gigilitan kita ng leeg!" sabi ni Luke sakin
"Bleeeh" sabay belat ko sa kanya
"Hindi mo pa itigil yan. Kikilitiin kita ulit!" pambabanta nya
"Hindi na nga po eh"
"Gabi na din pala. Tara na at umuwi" sabi ni James.
Si James at Luke ang magkasabay na umuwi dahil pareho ang way nila. Ako at si Edward ang magkasama dahil pareho ang way naming dalawa
"Ingat kayo!" sabi ni Luke sa amin
"Ingat din kayo" sabi namin ni Edward sa kanila
Bago pa makaalis ang jeep na sinasakyan namin. Kiniliti pa ko ni Luke. May toyo talaga yun eh! Pero aaminin ko na masaya ako ngayong araw kaya naman hindi ko na iniinda yung sakit ng ulo at init ng katawan ko.
"Nababasa ko yang ngiti mo Minnie. Please lang? Wag mo nang ipush yang nasa utak mo" sabi sakin ni Edward
"Alam ko naman yun eh"
Yung totoo? Alam ko naman na maaari akong masaktan eh! Pero hindi ko alam kung paano ko toh iiwasan. Ang alam ko lang ay masaya ako at ieenjoy ko na lang tong ganito. Kung nananaginip lang ako, sana hindi na ko magising. Ayokong matapos yung ganito.