(Edward's POV)
Eto na naman ako. Nagpapakafeeling hero. Eh sa ayaw kong may masaktan eh. Haaay, mahal ko si Minnie bilang kapatid kaya naman ayokong masaktan sya nang kung sino lang dyan. Lalo na kung bestfriend ko pa ang magiging dahilan.
"Usap nga tayo ng seryosohan" sabi ko kay Luke. Kailangan ko na syang kausapin about sa bagay na toh.
"Ano namang pag-uusapan natin?" tanong nya habang sinusundan ako sa paglalakad
"Kay Minnie"
"What about her?"
"Anong kalokohan ang sinasabi mo sa kanya?" diretsahan kong tanong sa kanya
"Kalokohan? Anong kalokohan ba ang sinasabi mo? May kinuwento ba sya?" kunot noong tanong nya sakin
"Ikaw ang magkwento. Hindi sya nagkkwento sakin. Pero alam kong may hindi sya sinasabi sakin eh" pagsisinungaling ko kay Luke. Alam ko naman kasi na mag-aapoy sa galit toh pag nalaman nya na nagkwento sakin si Minnie
"Wala naman. Pinagttripan ko lang sya" kibit balikat nyang sabi sakin
"Paanong trip?"
"Niloloko ko sya. I mean, nagtatanong ako kung pwedeng manligaw sa kanya"
"At anong sabi nya?"
"Sabi nya .. Secret. Hahaha, bakit mo gustong malaman?" tanong nya sakin sabay akbay
"None of your business. Please lang Luke. Not her"
"Hahaha. Chill! Bakit ka ba ganyan umasta? Dont tell me .."
"Wala" putol ko sa litanya nya. Alam ko naman kasi na itatanong nya na naman kung may gusto ako kay Minnie eh. Tsk. Alam nya naman kasi kung sino talaga ang gusto ko eh. Tapos itatanong nya pa sakin kung may gusto ako kay Minnie.
"Woah! Relax ka lang kasi Ed! Ano kaba!"
"Basta. Wag mong pagtripan si Minnie. Kung hindi"
"At kung hindi?"
"Makakalimutan kong kaibigan kita"
"Ako na bahala dun. Ano kaba" sabi nya sakin at lumabas na ng class room namin.
See? Pinaglalaruan nya lang si Minnie? Tapos .. Ang masama pa dun ay seryoso na ang feelings ni Minnie para sa kanya. Haaay, paano ko ba toh aayusin? Hindi ko naman toh problema pero ako ang humahanap ng solusyon. Letche naman kasi eh! Bakit kasi sa lahat nang magiging karibal ko si Luke pa? Ang sarili ko pang bestfriend? Bakit hindi na lang ako ang minahal ni Wynwyn? Bakit si Luke pa? Eh pinaglalaruan lang din naman sya? Pero sa tingin ko? Mas maigi na din na nagkakalapit si Minnie at Luke. Para naman mawala na ang feelings ni Luke kay Wynwyn. Selfish ba ko? Hindi naman diba? Kasi gusto ko lang naman na sumaya ako at mailigtas si Wynwyn sa panloloko ni Luke. But, what about Minnie? Hindi ko sya pwedeng pabayaan na lang kay Luke. Kasi masasaktan lang sya. At ayokong mangyari ang ganon sa kanya.
(Minnie's POV)
Para akong timang kagabi -_____-" Seriously, hindi talaga ako nakatulog. Peste kasi eh! Bago pa ko makapikit. Nagtext pa si Luke sakin ng "Ang wish ko ay .. Kiss me on the lip" Wow lang! Tss. Hindi ko sya nireplayan tapos nagtext ulit ng "I know you're still awake" Hindi ko pa din sya nireplayan at after a couple of minute, tumunog ulit ang phone ko "Iloveyou Minnie" Pagkabasa ko nyan, biglang kumabog ang puso ko. Parang may mga karpintero sa loob ng dibdib ko na nagpupukpok tapos parang tumigil yung nasa paligid ko? Sheez! I hate this.
"Anak, papasok ka ba?" tanong sakin ni mama
"Yeah. Mag-iwan ka na lang po ng pera Ma. Tsaka didiretso po ako sa bahay nila Edward. Magpapatulong sya sakin sa project nya eh"
"Okay. Wag kang papagabi huh?"
"Opo, alam ko na po yan"
"Babye" tapos kiniss ako ni Mama sa noo at umalis na.
Early in the morning. 4:30 pa lang at gising na ko. Eh 10am pa naman ang pasok ko. Hahaha, nakakaadik ba naman kasing magbasa ng libro. Kaya ang aga kong gumising.
Pumunta ako sa kusina namin para maghanda ng breakfast ko. Fried rice with hotdogs and black coffee lang. Baka kasi masunog na naman pag gumawa ako ng pancake XD
"Hi Cous!" bati sakin ni Zipora. Pinsan kong napakaganda! Totoo pong maganda sya :)
"Why are you here bruha?" mataray kong tanong sa kanya
"Bakit? Bawal ba?"
"Hindi naman. Eh ang aga-aga ah! 10am din ang pasok mo diba?"
"Yup! Makikikain ako. Anong meron?" tanong nya at tsaka naghalukay sa ref namin
"Maghanap ka dyan. Lutuin mo" sabi ko at umupo na sa dining area and I start digging my breakfast. Yumyum!
"Hotdogs lang naman eh. Hmm, okay na toh" sabi nya at niluto na yung hotdogssss. Ang daming 'S' ano? Ang dami ba naman kasing niluto. Akala mo naman, sampung katao ang kakain.
"How's your love life?" tanong nya sakin
"It's fine. How about yours?"
"Break na kami"
"Congrats!" bati ko sa kanya
"Congrats? Para saan?" taka nyang tanong
"Para saan? Kasi break na kayo. At ibig sabihin nun ay makakalandi kana ulit!" sabi ko sa kanya
"Baliw!" natatawa-tawa nyang sabi sabay bato ng pot holder. Kumuha sya ng plato at nilagay na dun yung mga hotdogs na niluto nya tsaka tumabi sakin "Eh ikaw? May progress na?" tanong nya. Hmm, meron na ba?
"Were friends"
"Utot mo! Friends? Parang yan din ang sabi sakin ng Lola natin eh! Friends daw sila tapos nagdadate na pala. Hahaha" kwento nya. Madalas kasing magkwento ang lola namin sa amin.
"Ewan ko? Pero Zippy, I think .. I'm falling in love"
"Tigilan mo ko Daga! Ayan ka na naman eh! Bakit ba ang bilis mong mafall?"
"Kasi naman eh"
"Tigilan mo ko sa pagdadahilan mo ko. Kabisado ko na yan. Ikaw ang pafall dito tapos ano? Ikaw ang mabilis mafall ngayon?"
"Gusto ko na sya"
"Gawin mo yung ginagawa natin dati"
"Anong ginagawa?"
"Yung laro natin dati? Hindi mo na tanda? 'It's Play Time!' Gawin mo"
"Ayoko nga"
"Maglaro kana lang. Paglaruan mo na lang sya. Kesa naman sa ikaw ang paglaruan. Nagkkwento kasi si Edward sakin, kaya alam ko ang background nung Luke na yun"
"I dunno. Pero ayoko! Mabait naman sya eh"
"Tss. Sa simula lang yan. Mga lalaki nga naman!"
"Bahala ka sa buhay mo" singhal ko sa kanya at pumunta na sa kwarto ko para makipagdate sa mga books ko.
Paglaruan? Ano ako, baliw? Ang bait-bait nung tao sakin tapos paglalaruan ko? Never kong gagawin yun sa kanya.