Habang tumatagal ang oras, tinatamad na si Ingrid. Ang kanyang mga mata ay nagsisimula nang antukin at gusto na niyang umuwi. Kahit na may isang oras pa sila bago umuwi. Kasabay no'n ang paglabas ng kanilang guro dahil tapos na ang klase. "Isang subject na lang. Uwian nanaman," saad ni Yuna at si Ingrid at napatungo bigla sa upuan. "Kanina ko pa pansin na inaantok ka." Hindi ito sumagot sa sinabi ni Yuna, bagkus ay tumungo lang ito at saka pumikit. Habang ang mga kaklase niya ay tahimik lang na nakamasid sa kanila at hindi makapaniwala sa balita na ito ay asawa ng isang bilyonaryo. "Hay nako... kapag buntis nga naman," duktong ni Yuna at nagawa niyang paglaruan ang buhok ni Ingrid at dahilan na mas lalo itong antukin. Maya-maya lang ay mabilis na nakatulog si Ingrid dahil talagang hi

