Madaling araw nang makauwi si Edward sa Pilipinas at kinakabahan pa siya. Hindi niya sinabi kay Pierce na siya ay uuwi at umuwi na lang siya bigla nang dahil sa sinabi ni Ingrid. Kinakabahan pa nga siya dahil alam niya na hindi siya pwedeng umalis at dapat niyang bantayan si Ingrid. Kasalukuyan siya ngayong palakad papunta sa kanyang apartment dahil kailangan niyang maligo at pumunta sa trabaho. Nakapagpahinga naman na siya nang ilang araw at sapat na 'yon para sa kaya. Lalo na ngayon at hindi makaramdam ng antok si Edward, dahil sa pag-uwi niya. "Ano na lang ang sasabihin sa akin ni boss, kung umuwi ako ngayon?" kinakabahang tanong ni Edward sa sarili at dumaretso siya sa banyo para maligo at lumipas din ang isang oras ng siya ay matapos at saka mabilis na tinungo ang kanyang kotse.

