Gulat na gulat ang lahat at saka muntik nang mawala sa isipan nila ang pagkuha ng mga litrato sa nasabing video na hindi naman si Pierce at Barbara. Tahimik ang mga ito at saka hindi sila mapakali. "I think you know already. Stop messing around with my family because I won't tolerate thisnkind of sh*t." Matapos itong sabihin ni Pierce. Mabilis itong umalis sa stage at saka inalalayan ng lahat. Kahit na nakahinga-hinga na siya ng dahil sa nangyari. Hindi pa rin mawala ang inis niya sa katawan. "You did a good job," puri ni Preston sa anak at saka hindi kumibo si Pierce at saka tumango lang siya. Ang tanging ginawa niya ay nilapitan niya ang asawa at saka niyakap ito. Natatakot siya sa mga pwedeng mangyari, kaya naman isang mahigpit na yakap ang ginawa niya at saka hinalikan ito sa noo

