Final Chapter

1389 Words
Simula nang gabing iyon, nagbago na ang buhay ni Gaile. Pumayag sila Sarah na tumira si Perla kasama nila. Pagkatapos ng ilang araw, hindi pa rin nagpapakita si Brix sa kaniya. Tinupad ng binata ang sinabi nito pero siya naman ngayon ang tila nawawala sa sarili. Kahit hindi niya man aminin, nami-miss niya ang ito. Bukas na ang araw ng kasal ni Nhico, ang kakambal niya. Pinuntahan niya sa library ng mansiyon si Nhico dahil may kailangan siyang itanong dito. Nagsimula na kasi siyang mag-aral ulit pero hindi na siya scholar ng El Paradiso. Kayang-kaya siyang pag-aralin ng mga magulang niya. Kakatok sana siya pero nakabukas nang bahagya ang pinto. May narinig siyang nag-uusap. Si Nhico pala at si... Brix. "Mahal ko siya, dude. 'Yon ang totoo." Narinig niyang sinabi ni Brix. Gusto niyang umalis at hayaang mag-usap ang dalawa pero tila napako siya sa kinatatayuan. Tahimik lang siyang nakikinig. "Naalala mo noong college tayo, 'yong sumali ka sa False Gay?" Kumunot ang noo ni Nhico. "I remember that. Ano namang koneksiyon noon sa usapin natin?" "I fell in love with what I saw dude. Pinalangin ko na sana naging babae ka na lang." "Seriously?" Nagpipigil ng tawa si Nhico pero seryoso si Brix. "I'm bloody serious. Kaya nga nang makita ko si Gaile sa restaurant, I felt like I've just received the best blessing a man could have." Nakatalikod si Brix kaya hindi niya makita ang ekspresyon ng mukha nito. "But then... It doesn't matter. She hates me and there's nothing I can do about it. Kasalanan ko rin naman 'yon." Napabuntung hininga ito pero tahimik lang si Nhico. Napatingin sa pinto si Nhico at nakita siya kaya bigla siyang umalis at nagkunwaring walang narinig. * * * * Dumating na ang araw ng kasal. White and pink ang motif, ang gaganda at ang gaguwapo ng mga bridesmaid at bestman. Everything is perfect! Noong reception na, doon 'yon ginanap sa bagong branch ng El Paradiso Hotel. Lahat ng kapamilya at kaibigan ng mga bagong kasal ay may kaunting talumpati. Umakyat si Brix sa stage at hinawakan ang microphone. "Good evening ladies and gentleman. Ang masasabi ko lang, isa ako sa fans at supporters ng love story nila Nhico at Sofia. Para ko na rin kasi silang mga kapatid. I'm very happy for them. Pero dahil na sa 'kin na rin ang microphone, gusto ko ring sabihin na sasama ako kila Uncle Henry at Aunt Michelle pabalik ng New York. I'm very sorry kung hindi ako nakapagpaalam, Mom, Dad. I wish everything the best for all of you at wala akong hindi gagawin para sa ikasisiya niyo." Biglang tumingin si Brix sa kaniya, patungkol sa kaniya ang sinabi nito. Dahil sa sobrang pagkabigla, umalis si Gaile sa party at pumunta ng restroom. Nag-lock siya ng pinto at doon siya umiyak nang umiyak. "Kasalanan ko ito.... Bakit ba kasi napakataas ng pride ko?" Hindi na niya alam kung ano pang nangyari sa reception. Pagkatapos ng dalawang araw, hinatid na nila Nhico sa airport si Brix. Hindi na siya sumama sa paghatid sa binata. Sinabi niya na lang na may pasok siya. AFTER THREE YEARS... 'Brix is coming home!' text na na-receive ni Gaile galing kay Nhico "Kailan?"bigla siyang na-excite. Sa ngayon, si Gaile na ang nagma-manage ng isa sa mga resort ng pamilya nila. "Kumusta na kaya siya? Tumaba kaya siya? Pumayat? Long hair? Pumuti? Umitim?" Napabuntong-hininga siya. "Mahal niya pa rin kaya ako?" tanong niya sa kaniyang sarili. 'Okay', 'yon na lang ang ni-reply niya. Maghapong lutang ang utak niya. Wala siyang ibang nasa isip kundi ang muli nilang pagkikita ni Brix. Sa bahay nila Brix maghahapunan ang magkakaibigan. Maaga siyang umalis sa trabaho at pumunta. Hanggang tainga ang ngiti niya dahil sa sobrang saya pero biglang nawala dahil sa nakita niya. "Hija, have a seat," sabi ng kaniyang Tita Vera. Kaharap ni Brix ang upuan na walang umuukupa pero mas napako ang tingin ni Gaile sa babaeng katabi nito, mukhang american model. "Oo nga pala. I would like you to meet Claire. Claire this is Gaile, twin sister ni Nhico. Gaile, this is Claire, my friend," ang tamis ng ngiti ni Brix kapag kaharap si Claire. Tahimik lang si Gaile habang kumakain, parang sasabog ang dibdib niya sa selos. Ang sweet-sweet ng dalawa! Inaasikaso nang husto ni Brix ang babae. Mabilis na lumipas ang oras. Maaga siyang nagpaalam na uuwi. Sinabi niya na lang na pagod siya dahil sa maraming trabaho. Pagdating sa bahay, hindi maipinta ang mukha niya. "Ikaw kasi.... Pinakawalan mo pa." Iiling-iling na sambit ni Sofia. Sumabay kasi si Gaile sa mag-asawa. Hindi siya nakasagot. Pumunta siya sa kuwarto at nagkulong. "Best blessing a man could have daw ako? Pero bakit niya ako ipinagpalit sa iba?" Sisinghot-singhot si Gaile at pulang-pula ang mga mata dahil sa hindi mapigil na pagluha. "Sinong ipinagpalit?" Nagulat siya nang makita si Nhico na nakatayo sa may pintuan. "A... Wala." Pinunasan niya ng tissue ang kaniyang mga mata at ilong. Lumapit naman ang kakambal niya sa kaniya. "Gusto mo bang malaman kung sino si Claire sa buhay ni Brix?" Hindi siya sumagot pero tumitig siya sa kaniyang kakambal. "She's here dahil ikakasal na siya." "Ganoon ba," mukhang nalugi ng sampung bilyon ang itsura ni Gaile dahil sa balita. "Yup. She's marrying Brix's best friend." "Best... Friend? 'Di ba, ikaw 'yon?" tanong niya. "Silly! Si Harry ang best friend ni Brix sa America. Actually, colleague ko rin iyon kaya I know him. Pero kung wala kang gagawin, baka nga makuha si Brix sa 'yo." Naalarma si Gaile sa sinabi nito. "What should I do?" "Leave it to me twin sister." Kinindatan siya ni Nhico. Tumayo ito at lumabas na sa kaniyang kuwarto. * * * * Nag-text si Nhico kay Brix na magkikita sila sa Rose Garden, isang family restaurant na madalas nilang puntahan. Kanina pa siya paikot-ikot pero wala ito. "Follow the roses path." Napakunot ang noo niya nang mabasa ang bagong text mula sa kaibigan. May nakita nga siya kanina na daan na puro rose petals ang daraanan. Pero bakit siya pinapapunta roon ni Nhico? Bigla siyang kinabahan, mukhang pagtitripan siya ng mga kaibigan. Sumunod siya sa sinabi nito at dumaan doon. Ang amoy ng mababangong rosas sa paligid ay nagpawala ng stress niya. Pagdating sa dulo, may nakaayos na lamesa para sa dalawang tao. Umupo si Brix sa isang upuan habang tumitingin sa paligid. Nagsimulang maglabas ng white wine ang sumellier. Maya-maya, nag-umpisa na ang tugtog. "Heart beats fast... Colors and promises..." Biglang lumabas si Gaile na may hawak na mikropono, ang dalaga pala ang kumakanta. Napatayo siya sa sobrang gulat pero nang lumapit ito sa kaniya, bigla itong lumuhod. Lalong gumulo ang lahat. Ano ba ang nangyayari? Tanong niya sa kaniyang sarili. "Anong ginagawa mo? Tumayo ka nga." "I'm very sorry kung naging mapagmataas ako at hindi kita pinakinggan. Hinusgahan kaagad kita at ang pagkatao mo. Ikaw ang humanap ng nawawala at kulang sa buhay ko... Kinapalan ko na lang ang mukha ko para magawa ko ang lahat ng ito..... Brix, w-will you marry me?" Nakatitig si Gaile sa kaniya. "No... This is not right." Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Gaile. Itinayo niya ito at niyakap. "This is not right. Ako ang dapat mag-propose sa 'yo. Ako ang lalaki, remember?" Napahagulgol ang dalaga sa narinig. Kumalas ito sa pagkakayakap sa binata. "Sira ulo ka! May nalalaman ka pang 'no' at 'this is not right!' Kinabahan ako roon ---" Pero hindi na natapos pa ang sinabi nito. Hinalikan niya sa mga labi si Gaile. A sweet and tender kiss... Lumuhod naman siya sa harap ng kaniyanh minamahal at isinuot ang singsing sa daliri ni Gaile. "I bought this ring three years ago. Dahil three years ago, alam kong ikaw na ang tamang babae para sa 'kin." Hinalikan ni Brix ang kamay ni Gaile at muli itong niyakap. Nagpalakpakan ang lahat. Naroon kasi ang buong pamilya nila. "Kiss! Kiss! Kiss!" tukso ni Sofia. Hinalikan nga ni Brix si Gaile sa mga labi at binuhat ito kaya nagtawanan ang lahat. Pero ang mga ngiti sa kanilang mga labi ang patunay na kapwa nakita na nila sa wakas ang tunay na pagmamahal... WAKAS...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD