ARYA'S POV Nagkaroon ng meeting ang school tungkol sa mga hahabuling events bago magtapos ang school year at Isa na nga roon ay ang pagsasabay ng Foundation Day at Family Day. Pagkatapos ng meeting ay dumiretso na muna ako sa Apartment ni Devin bago umuwi sa aking apartment. Naabutan ko si Kuya Couran na kinukulit si Ate Nida. "Oh Corienne, mabuti at nakauwi ka na." Bati sa akin ni Ate Nida. Napalingon naman si Kuya Couran na para bang may hinahanap sa likod ko. "Nasaan na pala ang asawa mo kuno? Bakit hindi mo siya kasama?" tanong ni Kuya "Sinamahan ang anak Niya" sagot ko. Nagtungo ako sa aking kwarto para ibaba ang aking mga gamit at saka bumalik sa kusina upang uminom ng tubig. "Teka nga,Corienne. Hindi mo pa nakkwento sa akin kung ano ang meron sa Inyo ng lalaking Yun. Asawa mo b

