ARYA’S POV Hindi ako makapagfocus sa pagtuturo dahil sa sunod sunod na chat at tawag na ginagawa ni Rosell kung kaya sinilent ko na muna ang aking cellphone. Nasa kalagitnaan ako ng aking pagtuturo ng makarinig ng pagkatok sa pinto. “Class, open your book on page 248 and Answer the activities from numbers 1 to 6. Huwag maingay ha and please mind your own book.” mabilis kong sabi sa mga estudyante ko bago buksan ang pinto dahil wala itong tigil sa pagkatok ng pinto. “Can you stop knocking at the door? Nakakaistorbo ka ng klase” mahinang sabi ko kay Rosell nang labasan ko siya. Hinila niya ang aking braso papuntang gilid. “I just can’t wait to hear your answer. Bakit ka sumama kay Kaiser? Why did you choose him? Do you love him or what?” sunod sunod na tanong nito sa akin “Rosell..

