ARYA’S POV Pagkatapos ng aming pag-uusap ni Rosell ay pinapasok ko na muna ito sa loob ng apartment ni Devin para maghapunan. Mag- aalas dos na ng madaling araw pero hindi pa ito nakakapaghapunan. Mabuti na lang ay may natirang ulam kanina kung kaya iyon na lang ang aking ininit. Ipinagtimpla ko rin ito ng kape upang sa ganoon ay mainitan ang sikmura nito. “Can you feed me?” paglalambing nito ng maihain ko sa lamesa ang pagkain “Eh? Ano na namang drama yan Mr. Arcantez? Bilisan mo na kumain para makauwi ka na” sabi ko rito “Can you stop nagging at me? Kakabati lang natin eh. Pwede bang dito na ko matulog katabi mo? Inaantok na ako baka makatulog ako sa daan habang nagddrive” pagrarason nito na ikinataas ng aking kilay. “Mister, hindi ka po pwede matulog dito dahil una

