ARYA'S POV "Anong nangyari sa mukha mo?" may pag-aalalang tanong ko Kay Kaiser ng makita ko ang pasa sa kanyang mukha. May bakas din ng dugo ang kanyang puting Tshirt na pilit nitong tinatago. "Wala to. Ano? Tapos na klase mo?" nakangiting tugon ni Kaiser na hindi iniinda ang pasa nito. Wala sa loob na nahawakan ko ang gilid ng kanyang labi at ng kanyang kilay. Hindi man nito sabihin ay naramdaman nito ang sakit ng bahagya Kong hawakan ang mga bahaging iyon. "Tapos na ko. Teka lang, hintayin mo ko ha." Saad ko Kay Kaiser. Nagpunta ako sa faculty room para ayusin ang aking mga gamit sa pagtuturo at para maglog out bago bumalik sa lugar kung saan ko iniwan si Kaiser. Nasa pinto palang ako ng faculty room ay may maliit na kamay ang humawak sa akin. "Bakit Kiev?" tanong ko Kay Kiev na may

