ARYA’S POV “Cedric, ikaw na muna ang bahala kay Chloe ha. Huwag kayong magpapapasok na kahit sino, babalikan ko lang si Chelsea sa hospital.” bilin ko kay Cedric “Ate, gagaling po ba si Chelsea?” bakas ang pag- aalala sa mukha nito “Oo naman, gagaling ang kapatid mo. Sige na. Tabihan mo si Chloe, kapag may problema tawagan mo lang ako.” sabi ko rito bago ako umalis ng bahay. Pasado alas- sais palang naman ng gabi. Nagpunta ako sa lugar kung saan nakatira si nanay kasama ang bagong kinakasama nito. Ayaw ko sanang sabihin at manghingi ng tulong dito pero kakapalan ko na lang rin ang mukha ko dahil anak niya pa rin kami, siguro naman ay mas matimbang pa rin kaming mga anak niya kaysa sa kinakasama niya. “Ate, pwede pong magtanong? Alam niyo po ba kung saan nakatira si Clara” tan

