ARYA'S POV Kahit masakit ang katawan at ang aking ulo dahil sa ginawa ni nanay ay nagtungo ako pabalik sa hospital. Pasado alas nuebe na rin iyon. "Nanay Sely, umuwi na po kayo. Ako na po magbabantay Kay Chelsea" tinapik ko ang ginang na nakatulog na sa pagbabantay. "Ihatid ko po kayo sa labas, nagpabook na rin po ako ng sasakyan niyo pauwi. Ito po pala, pasensya na at hindi ko kayo naiwanan ng pambili ng pagkain kanina." Iniabot ko rito ang Isang paperbag ng fastfood chain, nahihiya ako kasi siya ang nagbantay Simula kanina at marahil ay gutom na ito. "Ayos lang, may rasyon naman na pagkain Kay Chelsea yung hindi Niya naubos ako na ang kumain. Tska bumili ako ng biscuit kanina." Saad nito habang naglalakad papuntang main entrance kung saan naghihintay ang grab taxi na binook ko. Dum

