ARYA’S POV Nakarating ako sa club na basa pa ang buhok, walang make- up at kahit anong ayos. Nakasuot lang din ako ng kupasing pantalon a maluwag na Tshirt. "Oh, Arya. Long time no see" bungad na bati sa akin ng bouncer ng club Makikita sa mukha nito ang pagkagulat na muli akong makita sa lugar na ito. "Kuya Kris, andyan si Manager?" tanong ko rito habang pinipigaan ang aking buong gamit ang kamay "Oo, Nasa opisina Niya. Bakit? Babalik ka na naman?" Napataas ang kilay nito habang pinagkkrus ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dib dib. "Parang ganun na nga" nahihiya man ay kimi ko itong sinagot. Iilan lang sila nina Yllah, Devin, Troi at may dalawa pang empleyado rito na kaclose ko ang nakakaalam sa aking tunay na trabaho sa umaga at alam rin ng mga ito kung gaano ko tin

