ARYA'S POV Akmang magtatanggal ng seatbelt si Lara upang bumaba rin ng makita nitong magtatanggal ng seatbelt si Rosell at nang makaparada na ang sasakyan subalit natigil iyon ng pigilan ito ni Rosell. "You don't have to go out, Lara. Stay here. Hon, wait for me" Turan ni Rosell na lumingon pa sa akin bago bumaba. Hindi nakaimik si Lara habang ako naman ay ngingiti ngiti habang inalalayang bumaba ni Rosell sunod naman ay si Kiev. Dala- dala ni Rosell ang mga bag namin ni Kiev habang hawak ko naman sa kamay ang bata. Halos lahat ng mga mata ay nakatutok sa amin at sinusundan ang aming bawat galaw. At dahil lunes ay maraming mga bata ang maagang nagsipasok dahil sa flag ceremony kung kaya marami ring magulang ang naroroon at tiyak ay laman na naman kami ng umpukan. Bawat madaanan namin

