ARYA'S POV Mabilis na dumaan ang mga araw at mahigit Isang linggo na rin buhay ng mag- umpisa ang bakasyon. Nakatambay lamang ako sa bahay habang si Rosell naman ay pumasok sa opisina. May mga pagkakataon naman na dumadalaw ako sa bahay para kamustahin ang mga kapatid ko at base na rin sa aking napansin ay mukhang nagkakaigihan na sina Kuya Couran at Ate Nida o mas magandang sabihing may relasyon na ang mga ito dahil sa kilos na ipinapakita ng mga ito. Napanatag naman ako dahil alam Kong naasikaso at naalagaan ang mga kapatid ko. Wala akong ibang ginawa sa bahay kung hindi ang tumulong sa gawaing bahay kahit pa pinagbawalan ako ng mga kasambahay. "Ma'am, kami na po yan" awat sa akin ng Isang kasambahay nang makita akong naghuhugas ng Plato. "Okay lang po, wala naman akong ginagawa." Sab

