"Arya, ano na naman ang problema?" tanong ni Yllah sa akin. Kasama nito sina Devin, Kat at si Chasandria na bagong pasok sa club noong panahong lulubog at lilitaw ako sa pagpasok. Madalang ko lang rin ito makita dahil sa lagi akong wala sa club at hindi kami nagpapang abot.Niyaya ko sila para makipagkita sa MoA. Gusto ko kasi ng makakausap. Nakakatuwa lang dahil kahit na wala na ako sa club ay madali ko pa rin Silang matawagan. Oo, hindi na ako ganoon ka stress sa financial dahil katulong ko na si Kuya sa mga gastusin sa bahay, ang naging Utang ko naman Kay manager na binayaran ni Rosell ay uunti untiin ko ng pinag-iipunan bayaran Pero stress naman ako sa kasama ko sa bahay. "Nasaan na si Trois?" tanong ko sa mga ito "Hindi mo ba nakausap? Wala na siya sa club" prenteng sagot ni Kat "N

