ARYA'S POV Pagkatapos maligo ay magkasabay kaming bumaba ni Rosell sa dining room. Nakabusangot na mukha ni Lara ang agad na tumambad sa amin. "Antagal niyo bumaba. Look at Kiev, inaantok na siya sa kakahintay sa Inyo" Puna nito sa mahinhin na Boses. "I'm sorry. Anyway, let's eat" hinging paumanhin ni Rosell. Pinaghila ako ng upuan ni Rosell at naupo naman ito sa tabi ko. Nagsasandok na Sila ng kanilang pagkain ng mapansin nila na hindi ako kumikilos. Nakasalikom ang aking mga kamay sa lamesa habang nakatungo kung kaya napahinto na rin si Rosell. "What is it, Hon? Hindi mo ba gusto ang pagkain?" takang tanong ni Rosell Umiling muna ako bago nagsalita. "Hindi. Nagdasal muna ako" "Oh, okay. Let's do it again, you can lead the prayer" Sabi ni Rosell. Hindi kasi sila nagdarasal kapag

