Lara's pov Dinala ako ni Rosell sa kanilang malaking tahanan kung saan nangangarap ako na maging Isang Mrs. Arcantez, at payapang mamuhay sa tabi ni Rosell. "You can stay here whenever you want" Sabi lang ni Rosell ng maihatid ako, agad din naman itong umalis. Sa pagdaan ng mga araw, wala ni Isang anino akong nakita na babaeng dinala si Rosell sa bahay na ito. Natanong ko na rin ang mga kasambahay kung may dinala na itong babae Pero maging ang mga ito ay wala ring alam. Habang narito ako sa tahanan nila ay muli ko Silang pinagsilbihan ng Gaya dati. Maaga akong nagigising para asikasuhin ang almusal nila at tulungan makapag-ayos sa pagpasok si Kiev. "Kiev, may girlfriend na ba si Daddy mo?" tanong ko Kay Kiev Isang araw habang tinutulungan ko itong mag- ayos para sa pagpasok nito. "Hm

