"Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!"
Malakas ang kantahan at palakpakan na naririnig ni Christian sa loob ng banyo nina Fredo. Nang natapos na sila sa pagbati kay birthday boy, narinig niyang may kumakatok sa pintuan. Si Iñigo.
"Couz? Hoy! Kanina pa d'yan ah. Hindi ka nakasali sa birthday greeting ni Fredo," sambit ng pinsan ni Christian na may pilyong tono.
"Binati ko na 'yon kanina," sagot naman niya.
Naaalala na naman niya ang nangyari sa kusina, at pilit niyang iwinawaksi ang imahe ni Tita Cely tuwing ginugunita ito. Hindi kasi kumakalma ang alaga niya kapag sumasagi na naman iyon sa isipan. Ito rin ang dahilan kung bakit nakakulong siya ngayon sa banyo. Galit na galit pa rin ang ari niya, at ayaw niyang magsals*l sa kalagitnaan ng salu-salo ng pamilya habang iniisip si Tita Cely.
"Ano bang ginagawa mo d'yan? Baka ibang pagbabati 'yan ha..." mapaglarong tanong ni Iñigo, bago nagpakawala ng malakas na tawa.
"Siraulo. Masakit tiyan ko," sagot naman ni Christian.
"Grabe naman, couz. Hindi ba makahihintay 'yan? Marami ka pang tatagayin, oy. O baka umiiwas ka, ha?" ani Iñigo na hindi pa rin naniniwala sa katwiran ni Christian.
"Bahala ka. Bigyan mo nga ako ng ilang minuto. Hindi ako umiiwas sa inuman, 'no. Baka ikaw 'yan," sambit ni Christian sa makulit niyang pinsan.
"Sige. Basta sabi mo, ha," sabi ni Iñigo bago umalis. Wala siyang magagawa kung ayaw pa lumabas ng pinsan n'ya. Binati naman na ni Christian si Fredo nang mahuli siya nito sa kusina. Iyon nga lang, parang hindi ito sinsero dahil nagmamadali siyang pumunta sa banyo.
Biglang naisip ni Christian kung nagdududa na ba si Tita Cely sa inasal niya kanina, o baka bumakas ang matigas niyang alaga at nakita ito ng tiyahin.
Wala lang siguro 'yon kay Tita, umaasang pag-iisip ni Christian. Nanatili pa siya sa loob ng kubeta nang sampung minuto, at gumaan ang loob niya nang tumamlay na sa wakas ang tit* niya. Kung umabot pa ng isang oras ang pagtira niya rito, baka gigibain na ni Iñigo ang pintuan.
Sana nga hindi masyadong pag-isipan ni Tita ang nangyari kanina, bulalas ng isip ni Christian. Nakalabas na s'ya mula sa banyo, at agad-agad itong sinalubong ng tagay mula kay Inigo. Tinungga niya kaagad ang inumin mula sa maliit na basong pinaglalagyan nito. Napansin niyang tumatawa na mag-isa ang iba nilang kasama, pati na si Tito Ramon. Pormang maton lamang ang tiyuhin, pero tumitiklop talaga ito sa inuman. Sa kabila naman nilang mga lasing na, nag-aagawan ng pulutan sina Kuya Victor at Devin.
"Daya mo, Kuya Victor! Kanina pa kami umiinom dito tapos pass ka lang palagi. Inuubos mo pa 'tong pulutan," pagrereklamo ni Devin.
"Kita mo 'to, s'yempre ako kaya ang may pinakamalaking ambag dito. Dapat marami akong nakakain," pangangatwiran ni Kuya Victor, na nilalayo ang mga junk foods kay Devin. Tinatawanan lamang ang mga 'to ni Inigo, at marahan ding tumatawa si Christian.
"Ang hina naman ng mga 'to," pang-aasar ni Christian sa mga nakaupo sa kabila ng lamesa nilang pinapatungan ng maraming serbesa.
"Maglaro nalang nga tayo!" nababagot na suhestiyon ni Inigo sa mga kasama, dahil wala na silang ibang pinagkakaabalahan.
"Tayo-tayo lang?" tanong ng pinsan niyang si Christian. Ibinaling na rin ng nag-aaway na Kuya Victor at Devin ang atens'yon nila sa sinasabi ni Inigo.
"Oo, hindi naman na makakasali ang mga tanders sa atin, eh. At, hindi rin naman nila maiintintidihan ang trip natin," ani Inigo.
"Anong laro 'yan?" pang-uusisa ni Devin.
Dumaan si Fredo sa kanilang barkada, at walang pag-aalinlangan itong hinigit ni Inigo. Nagproprotesta ang bagong binata pero sadyang malakas ang nakatatandang pinsan nito.
"Birthday boy! Sali ka naman sa laro natin!" pilyong pag-iimbita ni Inigo kay Fredo.
"Inigo! Bitiwan mo nga ako! Oo na, kanina pa ako naglilibot dito para magpakita sa mga bisita. Parang nahihilo na rin ako sa kauusap sa kanila," mataas na sagot ni Fredo, habang nilalabanan pa rin ang pang he-headlock ng pinsan.
"Okay, nice. Sali lahat, ah. Walang atrasan," masayang sambit ni Inigo na halatang excited sa pas'ya ni Fredo. Ano kayang pinagplaplano ng mukong na 'to? Inisip ni Christian ang mga pinaglalaro nila noong nag-aaral pa sila ng kolehiyo at tumatagay ng alak para magtanggal ng stress, pero hindi posibleng magagawa nila ito sa bahay. Paghahampasin pa sila ng Lola Hilaria nila sa loob kung magba-body shots sila rito. Ngunit napapahamak naman talaga sila sa anumang ideya ni Inigo.
"Game ako!" ani Devin.
"Ano bang hinihintay natin? Simulan na 'yan!" medyo pasigaw na sabi ni Kuya Victor.
"Sige, wait lang. Tita Cely!" tawag ni Inigo sa tiyahin. Biglang nakaramdam ng kaba si Christian. Minabuti niyang hindi tumingin sa gawi ni Tita para hindi na naman maghuramentado ang libido niya. Sa ilang taong nakalipas magmula nang naiisip na niya si Cely sa sekswal na paraan, may iilang araw na katampatan lamang ang pagkakasabik niya rito, lalo na kapag kadalasan niya itong nakikita. Pero sa gabing ito, hindi maitatanggi na naghuhumiyaw ang libog niya.
Mas mabuti kaya kung palagian kong nasisilayan si Tita? Inaaral na naman ni Christian kung paano mawala ang pagkakaakit nito kay Tita Cely. Baka hindi ko na makontrol ang sarili ko kung mangyayari na naman ang nangyari kanina.
"Saan po ba nakatago ang ibang mga maliliit na baso? Kukuha pa sana ako," tanong ni Inigo kay Tita Cely.
"Doon lang sa kusina, Ñigo. Malapit sa mga ordinaryong kubyertos na hindi pa tinatakpan ng table napkin," sagot ni Cely. Sumulyap si Christian sa pinanggalingan ng boses ng tiyahin, at nakita niya itong masayang nakikipaghalubilo sa mga kakilala niya.
Iniwan ni Inigo ang mga kasama niya, at pagkaraan ng ilang sandali, dumating ito na may karga kargang kahon. Binuksan niya iyon at tumambad ang mga maliliit na basong pangtagay.
"Oy, andami n'yan ah! Paliwanag mo nga sa amin anong gagawin natin," bulalas ni Kuya Victor.
"Alam n'yo ba iyong Never Have I Ever? Alam n'yo 'yon! Kayo 'yong mga epal na kasama kong nanood ng Unfriended na pelikula noon," ani Inigo na natatawa sa ala-ala n'ya. Sumang-ayon naman ang mga kasama niya na natatawa rin sa karanasan nila.
"May inihanda akong mga baso. Tig lilima tayo, ha. May bottled water din akong dala para random lang ang magsasalita kada round. Kung "I have" ang sagot mo sa anumang sasabihin ng ugok nating kasama, lalagok ka ng isang baso," masiglang pagpapaliwanag ni Iñigo na inayawan ni Kuya Victor.
"Ah, wala nang atrasan, Kuya," sambit ni Iñigo kay Kuya Victor na nasisiyahan dahil nadali niya ito.
"Ikaw talaga, Ñigo. Mapapasubo na naman ako nito," reklamo ni Kuya Victor na ayaw uminom ng alak.
"Kapag naubos mo na ang lahat ng baso mo tapos hindi pa natatapos ang laro, may ipapagawa kaming lahat sa 'yo. Kung ikaw ang mananalo, makukuha mo uli ang halagang inambag mo sa inuman. Ano, game na?" excited na dugtong ni Iñigo sa pagpapaliwanag niya. Dinidistribute na rin nito ang mga baso sa barkadang nakapalibot sa lamesa.
"Game!"
"Go!"
"Ipapanalo ko 'to!" sigaw ni Kuya Victor na ikinagulat ng ibang mga bisita. Napatingin sila sa gawi nina Christian, bago itinuloy kung anuman ang pinag-uusapan ng grupo nila. Hindi na makapagtatakang gagalingan ni Kuya Victor dahil siya ang nagbigay ng pinakamalaking ambag.
Pinaikot na ni Iñigo ang bottled water niyang dala, at tumutok uli ito sa sarili niya. "Pa'no ba 'yan," pagmamayabang niya sa mga kasama.
"Sige, iyong madali muna para tie ang lahat," ani Iñigo na nag-iisip ng sasabihin.
"Okay. Never have I ever.....laughed about something not funny."
Nabigo ang lahat sa sinabi ng kabarkada, at sama sama silang tumungga mula sa maliliit na baso sa harapan nila.
"Kita mo 'to, oh. Gusto talagang matalo kami," pagrereklamo ni Devin habang tinatawanan lamang ito siya ni Iñigo. Napailing si Kuya Victor sa unang lagok niya, dulot ng panibagong sensasyon na ipinaparamdam nito sa lalamunan niya.
"Ano? Kaya pa, Kuya?" malikot na ngisi ni Iñigo sa nakakatandang pinsan.
Umikot na naman ang plastik na botelya ni Iñigo, pero sa pagkakataong ito, itinuro nito si Kuya Victor.
"Oh, ha! Akin 'yan, ha!" masayang sambit ni Kuya Victor sa mga kasama. Hindi ito nagdalawang isip, at sinabi kaagad ang unang nasagip ng isipan.
"Never have I ever stolen money from my loved ones."
Napamura si Iñigo sa sinabing ito ng pinsan, at walang pakundangang lumagok. Tawang-tawa naman sina Fredo at Christian sa namumulang leeg ni Devin na tumungga rin kasama si Iñigo.
"Oh, Fredo! Hindi dahil birthday mo ngayon, exempted ka na, ah. Itagay mo 'yan! Hindi ko pa nakakalimutan na nagnakaw ka ng beynte pesos sa piggy bank ni Lola Hilaria pang-kompyuter," natatawang pagbabahagi ni Kuya Victor na pinapalo ang bunsong kapatid.
"Ano ba naman 'to. Hindi sana sumasali ang mga gorang eh," sabat ni Fredo, bago uminom sa baso n'ya. Nagtawanan silang lahat.
Hawak hawak na ni Kuya Victor ang inuming tubig, at hinintay niyang huminahon ang mga kasama bago niya ito pinaikot....at itinuro uli s'ya.
"Kung sinus'werte ka naman oh!" nasisiyahan na namang deklarasyon ni Kuya Victor, bago hinampas ang lamesa nila na dahilan para gumaralgal ang mga maliliit na baso sa harapan nila. Natapon din ang mga piraso ng pulutan nila sa sahig dahil dito.
"Oy, oy! Baka mabasag ang mga baso, ah. Mamahalin 'to, 'di ba? Galing US," paalala ni Iñigo kay Kuya Victor na nag peace sign sa kaniya.
Wala na namang pag-aatubili si Kuya Victor sa pagbulalas ng isipan niya, pero parang nahihinuha na ng iba niyang kasama na taktika niya lamang ito para manalo. Alam kasi niya ang takbo ng utak ng mga nakababata niyang pinsan, at lalung-lalo na ng kapatid niyang si Fredo.
"Never have I ever lied to my parents about something serious."
Umaray silang lahat, maliban kay Christian at Iñigo na kinontra nila.
"Ñigo, alam naming nagsisinungaling ka! Shot!" pagrereklamo ni Fredo na nakatatlong baso na.
"Hindi nga! Nalalaman naman palagi nina Mommy at Daddy ang mga kabalbalan ko sa buhay. Ano pang ipagsisinungaling ko?" ani Iñigo na natatawa sa inaasal ng barkada. Hindi sila agad naniwala kay Iñigo, pero nang pinilit nila itong sabihin ang katotohanan nang makailang beses, sumuko na sila.
Umikot muli ang bottled water, at excited nilang hinintay kung sino na naman ang iduduro nito. Nagsusumigaw silang lahat bago ito huminto sa harapan ng isa sa kanila. Ngayon naman, kay Fredo.
"Ay! It's my time to shine!" nasisiyahang sambit ni Fredo. Masama itong ngumisi bago sabihin ang iniisip niya.
"Never have I ever....kissed someone in the lips."
Napamura silang lahat na may jowa, pati na si Kuya Victor. Imposibleng hindi pa nito nahalikan ang longterm girlfriend niya nang 7 years. Balita nga nilang mga magkapamilya, parang magpapakasal na ito sa susunod na taon. Maliban sa kanila, nasali rin ang mga malilibog na single na sina Iñigo at Devin sa paglagok.
"Ang lakas nito, ah! Ano ba 'to?" tanong ni Devin na mas lalong pumupula ang leeg at mukha. Kanina pa ito umiinom, at parang iilang lagok na lang, bibigay na ito.
"Ang pinakamasarap na katas sa balat ng lupa," pagbibiro ni Iñigo rito. Medyo nawawala na sa wisyo si Iñigo, at parang si Christian na lamang ang nasa tamang pag-iisip sa kanilang lahat. Tinatamaan na rin si Kuya Victor kahit nakadalawang baso pa ito.
Nang umikot muli ang instrumento nila, itinuro nito si Devin.
"Mhmmm. Damay damay na 'to. Hindi naman ako mananalo," mahinang sambit ni Devin, na parang wala na sa malinaw na pag-iisip. Sinenyasan niya ang mga kasama na magsisikan dahil kontrobers'yal daw ang sasabihin n'ya.
"Never have I ever...touched someone sexually," bulong nito. Wala naman nang menor de edad sa kanila, pero bago pa lamang nag-labinwalo si Fredo. Hindi na rin ito inosente sa ganitong usapin, pero nagulat sila nang tumungga ito ng isang baso.
"Fredo!?" bulalas ni Kuya Victor. Ikinagulat niya na naranasan na ito ng bunso niyang kapatid, na mismong siya na nasa tamang edad na, hindi pa nagalugad ang ganitong bagay kasama ang girlfriend. Pero hindi naman sila nabigla sa Kuya nila. Conservative daw kasi si Anne. Gusto nitong ipagliban muna ang mga sekswal na karanasan bago ang kasal nila.
"Napag-iiwanan ka na ng panahon, Kuya Victor," pangangantyaw ni Iñigo, habang pilyong nakangiti.
"Ano? Hindi ba counted ang sarili?" pagpapaliwanag ni Fredo.
"Kasali na 'yan! Matalo na tayong lahat!" hiyaw ni Devin, na sumasayaw na kahit walang music. Pinagtawanan nila itong lahat, bago bumulong si Fredo kay Iñigo at ngumisi ang dalawa nang masama.
Ibang tao talaga 'ata ang ibig sabihin ni Fredo sa sinabi ni Devin, pero naghanap lang siya ng lusot kay Kuya Victor, pag-iisip ni Christian.
Mukhang nagsinungaling din 'ata ito na wala pa s'yang nahahalikan.
"Kapag ikaw talaga Fredo, nalaman kong may ginawa kang kababalaghan no'ng menor de edad ka pa lang, puputulan kita ng ari! Ang bagay sa mga bata, naglalaro lang ng Mobile Legends!" pagbabanta ni Kuya Victor sa inaasal ni Fredo.
Sa panahong ito, iikot na naman ang bottled water na kanina pa nila pinaglalaruan. Huminto ito nang napakabagal, at sa wakas, itinuro na si Christian. Nag-isip siya ng magandang sasabihin, at iyong kapani-paniwalang hindi pa niya nagawa.
"Never have I ever....f*cked someone," bulong ni Christian nang nagsisikan muli ang mga kasama niya para marinig siya. Malapad siyang ngumiti.
"F*ck!" pagmumura ni Iñigo sa sinabi ni Christian. Sa kanilang lahat, si Iñigo ang pinaka-obvious na nagawa na ang bagay na ito. Binansagan lang naman itong dakilang f*ckboy sa lugar nila nang dahil sa napakaraming babaeng naikama.
"T*ngina," bulalas din ni Devin, habang aktong sumusuka. Hindi na 'ata nito maatim ang sariling uminom ng isang baso, ngunit nakaya pa rin niyang lumagok. Pagkatapos nitong uminom, hindi na ito umimik na parang hilong-hilo na. Si Fredo naman, malapad din ang ngiti dahil alam niyang malaki ang kumpiyansa ng mga kasamang hindi pa n'ya ito nagagawa.
Hindi rin kinontra ng mga kasama si Christian dahil alam nilang may ipinangako ito sa ina ni Judy. Alam din nila, higit sa lahat, na tumutupad talaga sa mga pangako si Christian. Nang huminahon na ang lahat, naubos na ni Iñigo at Devin ang mga baso nila.
"Kayo ang magligpit ng lamesa natin, ah," ani Kuya Victor na nasisiyahan dahil mababawasan na naman ang gawaing bahay niya.
Napa-tsk si Iñigo dahil natalo siya sa larong inumpisahan niya, pero okay lang naman ito. Nakikipag-asaran pa rin siya sa mga kasama, lalo na kay Devin na may sarili nang mundo. Pinagpipicture-ran pa nila ito ni Fredo, dahil parang nagsisimula na itong umiyak.
Masayang kinuha ni Christian ang bottled water na kawawa na ang itsura ngayon, at pinaikot na naman ito. Huminto ang harapan ng takip nito kay Devin, pero wala na ito sa katinuan para magsalita.
"Never have I ever mast*rbated," sabat ni Iñigo dahil hindi na umiimik si Devin. Isa na lamang na baso ang naiiwan sa harapan ni Fredo, at sinipat niya ito ng tingin bago siya nagsalita.
"Gago ka talaga, Ñigo!" pagrereklamo ni Fredo bago ito tumungga. Ngarag itong umupo habang hinahawakan ang ulo. "Kung si Kuya Victor pa siguro ang idinuro ng plastic bottle na 'yan, baka manalo pa ako," dugtong pa niya na tinawanan ng mga kasama.
Nahihiya namang nilagok ni Kuya Victor ang isa n'yang baso. Nang matapos siyang uminom, nag-isip si Christian kung si Ate Anne lang ba ang iniisip nito habang nagsas*lsal.
May malalagim din ba kayang mga pantasya si Kuya Victor? Gusto niya itong malaman.
"Paano ba 'yan Fredo, may dare ka ring kailangan gawin," nangungutyang sambit ni Kuya Victor sa bunsong kapatid. Inismiran lang ito ni Fredo na hinihigit ni Inigo patayo.
"Sige na! Ako na ang magdidikta sa dare mo. Mag-hi ka ro'n sa palagi mong chinachat kahit delivered zone ka lang," pilyong pang-aasar ni Inigo sa birthday boy.
"Gago. Hindi nga pumunta 'yon dito!" pagmamaktol ni Fredo.
"Sige na nga. Iba nalang! Tulungan mo akong ligpitin ang kalat natin dito. Wala nang pag-asa 'yan si Devin," suhestiyon ni Iñigo sa pinsan, na sinang-ayunan naman ni Fredo.
"Sige na, sige na! Kami nalang dalawa ni Christian ang natitira. Kapag ako hindi pa nanalo sa round na 'to..." masiglang sabi ni Kuya Victor, bago ipinaikot muli ang lalagyan ng mineral water sa lamesa nila. May dalawa pang baso ng alak si Kuya Victor sa harapan niya, pero iisa nalang ang kay Christian. Napalakas ang pag-ikot ng bottled water, kaya natapon ito sa sahig at itinuro si Iñigo.
"Oy! Akin, ha!"
"Ano? 'Di ba hindi ka na kasali?" pagrereklamo ni Kuya Victor.
"Out na, pero pwede pa rin magtanong. Kagaya no'ng kay Devin kanina," pagpapaliwanag ni Iñigo na ngumingisi nang masama. Nag-isip isip ito nang mabuti bago sinabi ang iniisip niya.
"Never have I ever...."
Tumingin siya kay Christian na para bang alam nito ang madilim niyang sikreto.
"....mast*rbated to someone forbidden."
Masayang ngumiti si Kuya Victor, dahil may kump'yansa s'yang hindi pa niya ito nagagawa, habang hilaw na tumawa si Christian. Napatingin siya sa gawi ni Tita Cely, at ikinagulat niyang tinitingnan na pala siya nito nang taimtim habang nakamaang.
Tumingin siya kaagad sa lamesa nang magtama ang paningin nila ng tiyahin. Sa gilid ng mata niya, inobserbahan niya ulit ito, pero hindi na ito nakatingin sa kaniya. Masigla na itong nakikipag-usap sa mga katabi.
Guni-guni n'ya lang 'ata.
Na-iistress na si Christian sa mga nangyayari ngayong gabi, kaya tumungga na lang siya ng alak, kahit gusto niyang magsinungaling.
"Oy, Christian! Ano 'yan ha?! Paano na si Judy?" gulat na tanong ni Kuya Victor.
"Ikaw naman, Kuya Victor! Noon pa 'yon. Hindi pa kami ni Judy no'n," pagpapaliwanag naman ni Christian na may halong kasinungalingan.
"Ano ba naman 'yan, couz! Magbigay nga kayo ng magandang dare. Namumuro na ako sa pagmumukha nito, eh," pagbibiro ni Iñigo kay Christian. Kung si Devin at Fredo ay matalik na magkakaibigan, gano'n din sina Iñigo at Christian magmula pagkabata. Palagi ngang nagbibiro si Iñigo sa barkada nila noong kolehiyo na nababagot na siya sa pinsan dahil halos araw-araw silang magkasama.
"Ikulong 'yan si Christian!" bulalas ni Fredo.
"Mabuti pa nga. Saan natin ikukulong 'to?" tanong ni Kuya Victor na tumatawa sa mga kalokohan ng nakababata niyang pinsan, at bunsong kapatid.
"May malaking kloseta si Tita Cely," suhestiyon ni Iñigo.
"Tama!" pagsang-ayon ni Kuya Victor at Fredo kay Iñigo, habang tumatango. Tipsy na si Kuya Victor, at magiging katulad na sana ni Devin si Fredo kung iinom pa ito ng isang baso.
"Anong ipapagawa n'yo sa kin?"
"Magkulong ka sa closet ni Tita Cely sa loob ng isang oras!" ani Kuya Victor, walang ka malay malay na ang tiyahin nila ang ipinagbabawal na pantasya ni Christian.