02

2313 Words
Agad nagmano si Christian kay Ingrid nang ligtas nitong naiuwi ang anak niya sa bahay. Masigla namang binati ni Judy ang ina niya bago tumuloy sa kuwarto nito para mag-ayos. Nang sila na lamang dalawa ng nobyo ni Judy ang natira sa sala, sumeryoso ang mukha ni Ingrid. "Tumupad ka ba sa usapan?" seryoso rin niyang tanong kay Christian, na pinalitan naman ng binata ng nakakatawang tingin. "S'yempre naman, po. Safe na safe 'yan si Judy sa akin," sagot nito, na marahang tumatawa. "Naku, kayong mga bata kayo, siguraduhin n'yo lang ha!" "Promise po. Wala kayong apong aalagaan ngayong hindi pa kami kasal ni Judy," pangangako ni Christian sa ina ng girlfriend niya. "Panghahawakan ko ang salitang 'yan, ah," ani Ingrid, na maingat na tinitingnan si Christian. "Walang problema, Tita. At pakisabi na rin ho kay Judy na aalis na ako. May dadaluhan pa akong birthday celebration sa bahay ng pinsan ko," pagpapaalam ni Christian. "Sige. Judy, anak! Tutuloy na si Christian!" tawag ni Ingrid kay Judy na nag-aayos pa sa loob ng silid niya. Nang narinig niya ang pagtawag ng ina at ang pangalan ng boyfriend, nakangiti siyang lumabas ng kuwarto at nagpaalam kay Christian. Papalabas na sana ang binata sa gate, pero pinigilan siya ni Judy. Hindi niya naintindihan no'ng una ang pagpipigil ng nobya sa pag-alis niya, pero nang rumehistro ang ibig nitong ipahiwatig, kakatawa ang mukha niyang tinitingnan si Tita Ingrid na nakaabang sa likuran nila. "Oh, sige na. Halik lang, ha," sambit ng ina ni Judy na tumalikod papuntang kusina para bigyan ng pribadong espasyo ang magkasintahan. Nang nawala na ito sa pananaw nila, dagling binigyan ni Judy si Christian ng isang smack sa labi. Inulit pa nito ang pamamaalam kanina at ibinilin sa kan'ya na mag-iwan ng mensahe pagdating niya sa bahay ng pinsan. Lumabas na si Christian sa bahay ng girlfriend n'ya. Nag-aabang na ito ng jeep papunta sa pagdadaosan ng kaganapang pupuntahan, nang tumunog ang cellphone nito. Tumatawag ang kaniyang pinsan na si Iñigo. "Hello, couz? Tutuloy ka ba?" "S'yempre naman! Ilang birthday na rin ni Fredo ang pinalagpas ko. Hindi p'wedeng wala ako d'yan sa ganap na pagbibinata ni Fredo," masiglang sagot ni Christian. "Oh, mabuti naman..." ani Iñigo sa tonong parang may gusto pa siyang idagdag sa sinabi niya. "Dadalhin mo ba si Judy?" dugtong niya. "Ah, hindi siya sasama ngayon. Busy," sagot naman ni Christian, na hindi naiintindihan kung bakit hinahanap niya ang nobya. Hindi naman sila close nito, sa pagkakaalam niya. "May kailangan ka ro'n?" "Wala naman, couz," mabilis na tugon ni Iñigo, bago ito mahinang tumawa. "Basta hihintayin ka namin, ha. Ambag mo sa inuman. Huwag mo kalimutang dalhin!" "Iñigo! Sino na naman ba 'yang kinakausap mo? Tumulong ka nga sa pagluluto!" Nang narinig ni Christian ang boses na 'yon, bigla siyang kinabahan. Naramdaman niyang humihina ang tuhod niya, at parang natutuyo rin ang lalamunan. Kahit nagagalit na si Tita Cely, malambot pa rin ang pagkakabigkas niya sa mga salitang kumakawala sa kaniyang bibig. Habang iniisip niya ito, naramdaman niyang may gumalaw sa ilalim ng shorts niya. F*ck. Napamura na lamang siya sa isipan, nang nakita niyang may paparating na jeepney. "Sige, paalam na muna, Iñigo. Pasakay na ako." "Okay, couz. Ingat ka, ha. Susundin ko na rin ang utos nitong si Cely. Baka tuluyan itong magalit sa akin," mabilis na tugon ni Iñigo, bago ibinaba ang tawag. Pinara ni Christian ang jeepney, at doon niya pinapakalma ang nagagalit niyang alaga. Sa loob, pinag-iisipan niya rin kung nararapat ba siyang pumunta sa birthday celebration ni Fredo, o bumaba na lang sa tapat ng bahay nila. Sa tuwing nakikita niya si Tita Cely sa personal, nagwawala talaga ang libog sa kaniyang katawan. Sa tantiya niya, ganiyan ang mangyayari sa pagtatagpo nilang muli ngayon. Iilang buwan na rin ang nakalipas magmula noong panghuli niyang nasilayan ang maamo nitong mukha. Minabuti na niya ang pag-iiwas sa tiyahin lalo na't mag-iisang taon na ang relasyon nila ni Judy. Si Judy... Nakaramdam na naman ng marubdob na kahihiyan si Christian nang maisip ang girlfriend na mahal na mahal siya. Huwag nalang kaya akong tumuloy? Nag-aatubili pa rin s'yang dumalo sa birthday celebration ng pinsan. Sa lalim ng iniisip ni Christian, hindi niya namalayang nakadating na pala ang jeepney sa tapat ng bahay ni Fredo. "Hoy, couz! Tinatameme mo d'yan? Hindi ka ba bababa?" tawag ni Iñigo, nang nakita nito ang pinsang nakapangalumbaba sa jeepney na sinasakyan nito. Iwinagayway niya ang serbesang tutunggain nila mamaya, pati na ang pulutan. Panay sigaw naman ang konduktor sa kantong hinintuan nina Christian para bumaba ang mga pasaherong nais bumaba sa lugar na 'yon. "O, may bababa pa?" "Meron pa, boss," sagot ni Christian. "Naks! Mas pumogi tayo ngayon, ah!" pangagantyaw ni Tito Ramon sa kaniya, nang nakababa na si Christian sa jeepney at lumalakad papunta sa bangketeng hinanda ng mga kamag-anak nila sa labas ng bahay nina Fredo. Marami ring bisita ang lumalabas pasok sa loob ng bahay. "Gan'yan talaga 'yan 'pag inspired!" ani Victor, ang pangalawang kuya ni Fredo. "Ayie! Bakit wala si jowa?" pang-aasar din ni Devin, ang pinakamatalik na kaibigan ni Fredo na kapitbahay lang nila. Napalapit na ang binatang ito sa pamilya, kaya kahit anong handaang wala namang kaugnay kay Fredo, imbitado ito. Pero lalo na ngayong ikalabinwalong kaarawan ng bestfriend niya. "Busy si Judy. Kaya ang g'wapong mukha ko lang ang makikita n'yo ngayon," mapagbirong tugon ni Christian sa lahat ng panunukso na natanggap niya. Napansin niyang tahimik lang si Iñigo sa usapan, nang bigla itong sumabat. "O, sige na! Kayo na may girlfriend! Pero pwede ba, samahan n'yo muna akong bumili ng mga kailangan natin sa tindahan?" pakikiusap ni Iñigo habang tumatawa. Biniro s'ya ni Kuya Victor na s'ya na lang pumunta mag-isa. Tutal, malaki naman na s'ya at maskulado. "Gago ka, Kuys! Ano? Hindi ba talaga kayo sasama?" "Joke lang! Itong isang 'to, hindi na mabiro. Sige, sama kami ni Devin. Kayo na bahalang magbantay dito, ha," bilin ni Kuya Victor kina Christian at Tito Ramon. Umalis na ang tatlo habang nagtatawanan, at pinapalo ni Devin ang p*wet ni Iñigo. Umakto namang ginaganahan si Iñigo sa pinaggagawa ni Devin sa kan'ya. Spank me harder, daddy daw, bulalas niya. Napangisi lang si Christian sa kalokohan nila. "Chan-chan, kumusta na?" nang-uusisang tanong ni Tito Ramon kay Christian, pagkaupo nilang dalawa. "Okay lang naman po, Tito." "Naks! Kapag gan'yang sagutan, parang may malalim na pinaghuhugutan, ah," panunukso na naman ni Tito Ramon. "Okay naman talaga ho ako, Tito. Never been better," ani Christian na nakangiti. "S'yempre naman! Maganda 'yong nobya mo, ah. Pero kyuryos talaga ako. Si Judy ba... Kayo..." pabulong na sabi ni Tito Ramon. "Ah, wala hong gan'yan. May ipinangako ako kay Tita Ingrid, at tinutupad ko ho iyon," matapat na sagot ni Christian. "Talaga ba?" "Opo," walang pag-aalinlangan na dugtong ni Christian. "Sige. May ipapakita na lang ako sa 'yo para hindi naman malumbay ang mga gabi mo," pilyong sabi ni Tito Ramon, habang kinukuha ang cellphone niya at nakangiting nag-scroscroll dito. Biglang naalala ni Christian ang sabi ni Judy sa kan'ya, kaya kinuha niya rin ang cellphone at nag-iwan ng mensahe rito. Baby, nakarating na ako kina Fredo. Safe and sound. Mabilis na si-neen ng girlfriend ang message n'ya, at nag-tatype na rin ito ng reply. Mabuti naman, babe. Miss na agad kita. ;* Vjc later? Hahahahaha. No. I want you in person. ;) Ngumiti si Christian sa panglalandi ni Judy sa kan'ya, pero hindi na muna s'ya nakasagot dito dahil kinakausap na naman siya ni Tito Ramon. "Ah, ito! Napanood mo na ba ito?" Tiningnan ni Christian ang ipinapakita ni Tito Ramon sa kan'ya. Video scandal ito ng isang babaeng estudyante sa prestihiyosong unibersidad, kasama ang professor n'ya 'ata. Hininaan ni Tito ang volume nito para hindi makarinig ang ibang tao. Ikinubli niya rin ang screen ng cellphone niya, gamit ang malalaki niyang kamay. Finif*nger ng guro ang estudyante habang kinakausap ito patungkol sa performance n'ya sa klase, at pinipigilan ng babae ang pag-ung*l dahil nasa faculty room sila. May iilang boses ng ibang instructor ang maririnig sa video. "Marami pa 'yan. Swerte ng propesor. Gusto mo bang sendan kita?" "Huwag na, Tito," naiilang na sagot ni Christian sa tiyuhin. Nagulat si Tito Ramon sa inaasal ng pamangkin. Siya pa lang 'ata ang tumanggi sa alok nito. "Ayaw ko lang kasi manood ng mga ganyan, Tito. Hindi natin alam kung kagustuhan ba ng lahat ng nasa video na makita ng maraming tao ang pinaggagawa nila. Maselan pa naman. Baka nagka-trauma na ang isa d'yan," pagpapaliwanag ni Christian, na ikinamangha naman ni Tito Ramon. "Seryoso ka? Hindi ko alam na gan'yan ka pala kabait, Chan. Pero kung mag-iba ang isip mo, ah, chat mo lang ako," ani Tito Ramon, na tinatapik si Christian sa balikat. Pinag-isipan nito ang mga salitang binitawan ng tiyuhin. Mas mabigat ang kasalanan ko, Tito. Gusto kong makant*t si Tita Cely. Iniisip ko siya habang si Judy ang kasama ko, at tuwing nagsas*lsal ako mag-isa. Hindi na ulit nagkausap sina Christian at Tito Ramon dahil dumating na ang mga kumpare nito. Nagkakamayan sila at masiglang nag-uusap habang inaalok ni Tito ang mga kasamahan ng tagay. "Kuya Ramon! Magpapatulong sana kami sa pag-aayos ng mga kubyertos." Lumingon si Christian sa pinanggalingan ng boses, pero kahit pa hindi niya ito gawin, kilalang-kilala niya ang nagmamay-ari nito. Si Tita Cely. Walang ekspresyon ang mukha ng tiyahin nang nagtama ang tingin nila, pero parang napaso si Christian nang mangyari ito. Madali niyang kinuha ang cellphone niya at umaktong may pinagkakaabalahan. "Christian! Nan-" "Sige, Cely. Saglit lang, ha. May gagawin muna ako," sagot ni Tito Ramon, habang nagpapaalam sa mga kakilala niya. Hindi natuloy ni Tita Cely ang pagbati kay Christian sa pagsabat ni Tito Ramon. Ikinatuwa naman ito ng binata. Hindi niya alam kung paano siya makikipag-usap dito ngayong umaalab na naman ang mapusok na damdaming noon pa niya kinikimkim. Nang umalis na sila, minamasdan lang ni Christian ang shorts na suot ng tiyahin na kapit na kapit sa masagana niyang mga hita at p*wet. Mas lalo ring sumariwa ang mukha nito na para bang masayang-masaya sa buhay. May boyfriend na 'ata si Tita, isip niya. Nahuli niya ang sariling minamanyak na naman si Tita Cely, kaya nagpokus na lamang siya sa cellphone niya at kay Judy. Agad siyang nalungkot nang napagtanto n'yang nagiging pangalawang opsyon na lang niya ang girlfriend. Pagkalipas ng ilang minuto nilang paglalandian ni Judy, nakaramdam si Christian ng pagka-uhaw. Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig, nang nadatnan niyang mag-isa lamang si Tita Cely na nagluluto. Nakatalikod ito sa kaniya. Napansin din niyang nagbihis ito ng pang-itaas. Naka fitted blouse siya kanina, pero naka spaghetti na lamang ito ngayon. "Christian! Nandito ka pala!" sambit ni Tita Cely, pagkatapos lingunin ang pamangkin nito. Natigilan si Christian sa pag-iinom ng tubig. Dagli itong nagnakaw ng tingin sa malulusog na mga sus* ng tiyahin na niluluwa ng sando nito. Tang*na, sambit niya sa isipan. "Ah, o-oo, Tita," sagot niya rito, at sinusubukan ang lahat ng makakayang huwag ipahalata sa tiyahing nalulusaw siya sa presens'ya nito. Natutuyo na naman ang lalamunan ni Christian, kaya kumuha ulit siya ng tubig sa dispenser para uminom. Hindi ito natuloy dahil tinawag ma naman siya ni Tita Cely. "Halika. Tikman mo ang ginagawa ko. Alam kong matino ang panglasa mo," masiglang pag-iimbita ni Tita Cely kay Christian. Ikaw kaya ang tikman ko, Tita? Ano kaya ang lasa mo? Walang panala ang utak ni Christian na nahihibang sa katawan ni Tita. Nang pumunta siya sa tabi nito, nakita niya ang niluluto nitong malapot na puting sauce para sa mga prito nilang handa. "Ang bango naman, Tita," papuri ni Christian kay Tita Cely, na umaaktong hindi kinakabahan sa senaryo ngayong isang dangkal na lamang ang pagitan nila. Inuubos siya ngayon ng pangbabaeng pabango na mas lalo lang nagpapatindi sa pagkabihag niya kay Tita. Kumuha ang tiyahin niya ng kutsara at sumalok ito sa frying pan. Hinipan niya rin ang mainit na sauce bago ipinasubo sa pamangkin. Naramdaman ni Christian ang pag-iinit ng kaniyang mukha at hininga, pati na ang alaga niyang gustong kumawala sa shorts n'ya. Maaliwalas at nalulugod lamang ang ekspresyon ng mukha ni Cely habang nakikipag-interaksyon sa pamangkin nito. Halatang walang malay si Tita na pinapantasya ko na s’ya, isip ni Christian. "Masarap?" "Masarap po, Tita,” mahinang sagot ni Christian. "Titikim din ako, ha. Baka binobola mo lang ako," mapagbirong sabi ni Tita Cely, habang nakangiti. Hindi na rumerehistro kay Christian ang nangyayari sa harapan niya. Nagkukumahog na ang utak nitong halikan ang tiyahin sa labi. Taimtim na lamang niya itong minamasdan na sumasalok ng sauce, nang biglang natapon ang mga ito bago niya isubo. "Aray!" Napunta ang karamihan sa dibdib ni Tita Cely, na dahilan para magmura si Christian sa isipan niya. Napakarami ng puting sauce na natapon, na para bang... "Ay, tissue," nagmamadaling sambit ni Cely para makuha ang tissue na nasa gilid at harapan lang nila, pero nabunggo niya si Christian habang inaabot ito. Naramdaman ng pamangkin ang malalambot niyang d*de, pati na ang init ng kan'yang katawan. Gulat silang nagkatinginan, at hindi maiwasan ni Christian na tumingin paibaba sa biyak ni Tita Cely, na punung-puno ng malalapot na sauce. Wala na siya sa katinuan. "Tita Cely! Handa na raw ba ang sauce?" biglaang sigaw ng pinsan ni Christian na si Fredo, kahit hindi pa nito nararating ang kusina. Nagulat silang pareho, at mabilis na dumistansya si Christian sa tiyahin niya. Inaabot naman ni Cely ang tissue, at pinapahid ito sa natapong sauce sa biyak niya. Napakabilis ng kabog ng dibdib ni Christian, at hindi niya alam kung may paglalagyan pa ito. "Oy, Christian! Nandito ka na pala!" maligayang salubong ni Fredo sa pinsan nang makita niya itong abala sa cellphone niya sa kusina. Hindi umimik si Christian ng iilang segundo. "Ano? Hindi ka man lang babati ng isang 'happy birthday'?" biro ni Fredo, na nakasimangot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD