Janella's POV Halos mapangiwi ako habang iniikutan ako ng baklang may-ari raw ng salon kung saan ako dinala ni Kiel. Mabagal ang lakad nito habang ang daliri ay nasa tapat ng labi. Hindi naman sa unang beses ko lang maayusan. Naranasan ko na rin noon maayusan nang um-attend ako ng JS Prom. Ang kaso base sa pagtingin sa akin ng baklang ito ay parang gusto niya nang palitan buong pagkatao ko. "Coco, you just have to give her a good makeover," mukhang nagpipigil ng tawa na sabi ni Kiel habang nakapag-ekis ang dalawang braso sa dibdib niya. Tiningnan ko muna ang sarili ko bago direktang tiningnan si Kiel. "Ano bang makeover ang gusto mong gawin sa akin? Kapag nag-makeup ba ako ngayon hindi na ito mawawala hanggang makarating si Papa sa Pilipinas?" Nangunot lang ang noo ni Kiel pero itiniko

