Janella's POV Medyo maaga akong ginising ni Mama. Dahil sa hatid-sundo ako ni Bernardo ay hindi ko na kailangang gumising ng alas dos. Minsan depende kung kailan ako magising ay doon lang ako babangon. Hindi na rin ako hinihintay ni Mama na kumain kaya ayos lang. Ang sabi ni Mama may bisita raw ako. Noong una ay ayoko pa sana, ang kaso nang sabihin niyang si Joseph ang bisita ay mabilis na akong bumangon. Si Joseph Pascual ang kababata kong big-time na ngayon. Architect sa isang kompanya sa Tagaytay. Hindi kagaya ko ay nakapagtapos siya kahit hindi gaanong mapera. Pero noon iyon. Sa tatlong taon niyang pagtatrabaho ay marami na siya na-design na bahay. Iyong iba ay hindi pa tapos hanggang ngayon, iyong iba naman ay maganda at puro papuri sa kaniya ang owner dahil sa kinalabasan. Sayang

