Janella's POV Naalimpungan ako sa magaang paghaplos sa ulo ko. Tila ba ingat na ingat itong magising ako. Kahit hindi ko imulat ang mga mata ko ay alam kong si Kiel iyon. Kahit lasing ay buo pa sa alaala ko ang mga nangyari kagabi. Ang gabing pinagsaluhan namin, ang gabing isinuko ko ang sarili ko sa kaniya. Wala akong ibang nasaisip kagabi kundi mahal ko siya, at masaya akong inamin niya ring mahal niya ako. Pero ngayon natatakot na ako, dahil alam kong mali ang ginawa namin. Ikakasal na si Kiel, may karelasyon siya. Kasalanan ang kung anong ginawa namin kagabi. May parte sa akin na nagsasabing dapat ko itong pagsisihan sa pagkat mali, pero may nagsasabi sa akin na hindi ko kayang pagsisihan na minahal ko si Kiel. Ang ikinatatakot ko ay ang magiging reaksyon ni Kiel kapag nasa h

