Janella's POV Mas naging madalang pa ang pagkikita namin ni Kiel. Ang alam ko ay dahil sa mga pinapagawa sa kaniya sa Student Council, pero ang pinagtataka ko ay bakit sa labas ng school? Sabi ni Luke, isa sa kaibigan niya, nang minsang pinuntahan ko si Kiel sa kanilang room ay maaga raw lumabas ng eskuwelahan. Ang pinag-aalala pa nila ay parang ang lalim-lalim raw ng iniisip palagi. He's not used to that. Si Kiel iyong tipo ng tao na ichi-cheer up ka palagi kapag kailangan, pero ngayon wala raw sa kaniya ang ganoong awra. Minsang nagkasama kami ay tinanong ko siya kung may problema, pero palagi niya lang sinasabi na wala. Pinipilit kong kalimutan si Janice, ang nagpakilalang fiancée raw ni Kiel, pero hindi ko mapigilang isipin na dahil dito kaya parang problemado siya. Isang ara

