Janella's POV Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong puwesto ni Kiel, parang nagpoproseso pa sa utak ko ang mga sinabi niya. Hindi ko alam pero may naramdaman akong kakaibang lungkot sa boses niya. Kaya gusto ko siyang tingnan pero ayaw niya pa rin akong pakawalan. Aaminin ko, I'm not used to this. Kiel used to be my strength. Mula noon at hanggang ngayon ay alam na alam niya kapag nasasaktan ako, nahihirapan, naguguluhan o malungkot. Hahagkan niya lang ako na tila pa pinapasa sa akin ang lakas niya, o 'di kaya ay iaalok ang kaniyang balikat para masandalan. Hindi ko alam kung sa akin lang siya ganoon dahil napakaraming kaibigan ni Kiel noong nag-aaral pa lang kami. Pero ito ang unang beses na maramdaman ko ang lungkot sa kaniya. Unti-unting bumalik sa alaala ko ang dating

