14

1245 Words
Jean Avril Mendoza's Point of View: "Grabe best friend, hot topic tayo" Ani ni Vanny at mas lalong kumapit sa aking braso. "Hayaan mo na sila baka nastress kakakudkod ng kalyo sa mga mukha nila" Sagot ko na lamang at nag chin up sabay flip ng aking mahaba at straight na buhok, oh pak sis! Laban ka te? "Mukha silang b***h lalo na 'yong singkit!" Ay grabe talaga ang pagiging mapanghusga sa school na 'to ha? For your information mate, hindi ako b***h! Ang bait bait ko kaya huhu , lagi pa nga akong prayer leader sa previous school ko dahil mukha daw akong maka diyos haha char. "Bet ko tropahin silang dalawa" "Akin 'yong isa ha? Popormahan ko 'yan" "Miss, hi raw sabi ni Jonathan!" "Hala huy gago wala akong sinabi" "Love you mars!" Ilan lang 'yan sa mga naririnig kong bulong bulongan at usap usapan rito sa paligid pero hindi ko nalang iyon pinansin pa dahil ayokong dumihan ang imahe namin ni Vannessa rito sa school lalo na't transferee lang kami. Ang masasabi ko lang ay totoo talagang sobrang daming judgemental sa mundo lalo na sa paligid hays.  Nang makalayo na kami, kumalas naman na si Vanny sa pagkaka kapit sa braso ko na ikinaginhawa ng aking pakiramdam. Ang banas kaya no? Parang hindi na rin kasi ako mapakali gawa nadadala ako sa emosyon niya. "Jammy! Kinakabahan talaga ako" Muling sabi ni Vannessa at nakita ko siyang hinihimas himasang kaniyang siko mula sa peripheral vision ko. "Ano ka ba, best friend. Paulit ulit nalang 'yong sinasabi mong kinakabahan ka eh, pati tuloy ako kinakabahan gawa mo hahaha" Pagrereklamo ko sa kanya na ikinatawa naman namin kinalaunan. Napailing naman ako ng bigla dahil sinusubukan kong kabisaduhin ang paaralan na ito ngunit napapangiwi ako dahil sa sobrang laki nito at kung tutuusin ay mas malaki pa ang paligid nito kumpara sa mga sikat na mall dito sa lugar namin. Napanganga nalang ako dahil sa matinding pag mangha sa mga nakikita ko, sobrang yaman pala ng may ari ng paaralang ito no? Ang angas. Tingin sa kaliwa.  Tingin sa kanan. Tingin sa taas. Tingin sa baba. Tingin sa harap. "Hala, nasaan na tayo? 'Di ba kanina ay nasa lobby lang tayo? Ano'ng ginagawa natin dito ngayon sa hallway?" Tanong ko kay Vanny na nanginginig dito sa tabi ko.  Napatingin naman siya sa akin kaya naman kunot noo ko siyang tinignan ngunit hindi naman nagtagal ay binigyan ko siya ng isang mahiwagang ngiti at tawa dahil tunay nga siyang nakakatawa pagmasdan gawa ng kaniyang ekspresyon at ginagawa. "Bakit ka ba nanginginig ha? Haha, parang tanga 'to" Natatawa kong sambit sa kaniya at ngumiti ng naiilang. "Kinakabahan ako eh, nakakatakot huhu" Sagot naman niya sa sinabi ko at ngumuso.  Nagtawanan lang kaming dalawa ni best friend at napagpasyahan nang magpatuloy sa paglalakad ngunit bigla kaming napatigil sa kadahilanang may biglang humarang na babae sa harapan namin. Tiningnan ko lamang kung sino iyon at napansin ko namang nakangiti siya sa amin.  "Ang cute! Kamukha niya si Krystal Jung ng f(x) huhu OMG, ganito ba ang favorite ni Rold?" Sambit ko sa utak ko para hindi nila marinig at hindi rin ako magmukhang awkward na tao. "Hi! Are the both of you lost?" Tanong niya at kinunot ang noo. Tumango si Vanny bilang kasagutan. Ay nako, english spokening dollar huhu. Ano ang isasagot ko sa 'Hi, are the both of you lost?', english ba o tagalog? Pero baka hindi siya nakakaintindi ng tagalog, baka kapag sinabi kong 'Oo, nawawala kami' ay hindi niya ako maintindihan pero kapag english naman, ang awkward haha. Bahala na nga. "Uhm,yeah. We are lost haha." sagot ko, oh panis! Kala niyo siya lang marunong mag english ah? Haha chos! "Oh I see. what grade are you in? " Tanong niya at inilagay yung dalawang kamay niya sa bulsa ng kanyang dress. "And also section, sorry my bad haha" dagdag pa niya. Hala siya! Feeling ko hindi ko kakayanin 'tong babaing 'to tch. Hindi ba siya marunong mag tagalog?? English spokening dollar ba talaga ang datingan? Naku, huwag naman po sana. Napakunot naman bigla ang noo ko dahil sa mga nangyayari at napansin ko rin namang nakita ako ni Vanny kung kaya naman ay nagkatinginan kaming dalawa. Sa tagal tagal na naming magkakilala nitong si Vannessa, iisa na ang utak namin at sa simpleng pagtitinginan naming dalawa ay nagkakaintindihan kami. Kahit walang salita ay nagkakaunawaan kami sa pamamagitan ng pagkonekta ng utak naming dalawa. "Best friend, englsiherang frog?" Sambit ni Vanny sa kaniyang utak na naintindihan ko naman. Pinandilatan ko siya ng mata sabay sabing "Gaga, mukha namang mabait pero nauubusan na ako ng english huhu. Ikaw nga ang kumausap" Sagot ko naman sa kaniyang sinabi. "Sige sige, ito na wait ka lang diyan at panoorin mo ako. Relax best friend, mahal kita" Ani niya at pinalagutok ang kaniyang leeg at daliri sa kamay sabay harap do'n sa babae kaninang kumakausap sa amin. Sa totoo lang, may lahi rin kaming dalawang pagiging judgemental ni best friend eh at base sa paghuhusga ko sa taong ito ay mukha naman siyang trust worthy at mabait unlike those girls kanina na feeling bitchesa at mean girl. Itong babaeng ito ay friendly siguro at approachable pero hindi sa way na bida bida ha? Baka nature niya lang talaga ang pagiging cute and kind. "Uhm, hi! Actually, we are currently 4th year highschool and we belong in the section Diamond" Narinig ko namang sagot ni Vanny sa tanong ng babaeng nasa harapan namin kanina.  Go best friend kaya mo 'yan, I got your back! Haha. Napangiti na lamang ako dahil biglang humarap sa akin si best friend ng nakatawa na para bang sinasabing 'Oh 'di ba? Ang galing ko? Keep me best friend ako lang 'to si Vannessa Sanchez'. Nang dahil sa sagot ni best friend, napansin naman namin ang biglang pagbago ng reaksyon ng babaeng nasa harap namin kanina. Napansin naman naming bigla itong nagulat at natuwa ng bongga, problema nito? She's creeping the hell out of me, jeez. Charot haha! "Oh my twinkle twinkle little star, are you serious?!" Hindi niya makapaniwalang ani at napataklob sa kaniyang bibig. Siguro 'tong babaeng 'to ay fan ng nursery rhymes. Ang pagkagulat niya ay may sound effects ng 'Oh my twinkle twinkle little star' Hahaha nakakatawa potek para lang tanga. Ang unique niya ha? Paano naman kapag umiiyak siya? Sasabihin niya ba 'Oh my humpty dumpty sat on the wall'? Joke. "We are in the both grade and section, what a small world right? Anyways, come and follow me so that I can show you our room" Ani niya at bigla niya naman kaming hinigit ni Vanny kaya naman napasunod kami sa kaniya ng wala sa oras habang si Vanny naman ay matindi din ang pagkakakapit sa akin. Napansin naman naming nanakbo iyong babae kaya nagkatinginan kami ni Vanny dahil hindi namin alam ang gagawin kung makikitakbo rin ba kami o ano ngunit sa dulo ay napagpasiyahan nalang naming tumakbo rin para damayan siya. Takbo lang kami ng takbo  ngunit bigla kaming huminto nang bigla rin siyang tumigil sa pagkatkbo. Humarap siya sa amin at iniabot ang kaniyang kamay kaya tinignan namin iyon. "By the way, I'm Avigail Lee but you can call me Avi for short" masaya niyang pagpapakilala. So Lee ang apilido niya? So Korean siya?! Wahh OMG huhu ang angas naiinlove na yata ako char. Now I know kung bakit hindi siya nakakaintindi and nakakapagsalita siguro ng tagalog haha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD