Jean Avril Mendoza 's Point Of View:
Limang buwan na ang lumipas at ngayon ang unang araw ko-- I mean namin pala ni Vanny sa East High, dito kami nag enroll dahil sabi sabi na masaya raw sa lugar na ito at maraming pogi haha char. Nga pala sainabi sakin kanina ni best friend sabay na daw kaming pumasok ngayon tutal unfamiliar pa naman kami sa paligid since transferee and first day of class kaya dahilan kung bakit napapayag naman niya ako.
Alas otso ng umaga ang time namin, I mean ang first sched namin at darating daw si Vanny dito ng mga Alas syete medya para kaunin ako pero no'ng tinignan ko 'yong relo ko eh eksaktong seven twenty five am na ang oras. Napahinga naman ako ng malalim dahil sa isip isip ko ay limang minuto nalang ang iintayin ko para makaon ako ng bestfriend ko.
Lumabas na ako ng bahay at umupo rito sa may terrace para kahit papaano ay maginhawa sa pakiramdam. Ang tabi kasi ng terrace namin ay mga malalagong na puno na nagbibigay ng sariwang hangin kaya kahit hindi bukas ang electric fan ay maginhawa at sariwa. Nakaramdam ako ng pagka bored kaya naman naisipan ko na lamang kuhanin 'yong cellphone ko sa may leather bag ko at kumuha ng larawan ng aking sarili sa pamamagitan ng selfie.
Nang makahanap na ako ng magandang anggulo at lighting ng aking larawan ay kaagadan ko itong pinost sa aking f*******: at IG story.
Facebook Status:
Jam Mendoza uploaded a new photo 2 minutes ago.
Jam Mendoza.
'Bored in the house, waiting for Vannessa Sanchez'
(Picture)
React
Comment
Share
Sa tagal ng paghihintay ko sa best friend kong makarating dito sa bahay namin ay nakaramdam naman ako bigla ng antok kaya naman naisipan ko nalang muna libangin ang sarili ko gamit ang mga active social medias ko katulad ng f*******:.
Scroll lang ulit ako ng scroll sa newsfeed ko nang bigla kong marinig ang isang malakas na busina ng sasakyan. Familiar ang busina ng sasakyang ito kaya naman siguradong sigurado ako na narito na ang best friend kong kupal na si Vanny kasama ang kaniyang chauffeur.
Sumakay na ako sa kotseng huminto sa may harap ng bahay namin, akmang bababa pa nga si Manong pero pinigilan ko na dahil may kamay naman ako. Nakakahiya kaya no kung miski pagbukas ng pintuan ng sasakyan ay iaasa ko pa sa kaniya. Pagkasakay ko ay tumambad sa mukha ko si best friend na nakangiti sakin ng awkward at creepy na ikinagulat at bilis naman ng t***k ng puso ko.
Paano ba naman kase, napakalapit ng mukha niya sakin at abot tainga ang ngiti. 'Yong iisipin niyong cute pero kapag kayo ang nasa sitwasyon ko for sure iisipin ninyo na sobrang creepy. and weird to the way na aatakihin ka talaga sa puso haha.
"Bakit ba ganan ang itsura mo?" Natatawa kong pagkakatanong sa kanya at sumandal sa kaniyang balikat.
"Excited lang ako at natutuwa hihi!! Sabay na lagi tayong pumasok ha pati na rin ang umuwi para kapag late ako, late ka rin at kapag late ka, late rin ako hehe joke!" masaya niyang pagkakasabi at niyapus yapus pa ako.
"Napaka childish mo talaga! Malyamo kulang ka sa buwan eh hahaha bahala ka't aayaw sa 'yo si Yuan niyan kung sakali haha." Natatawa kong tugon sa kaniya at inayos ang pagkakasandal ng bag sa aking hita.
Nang dahil sa sinabi ko eh napanguso naman siya at kabit balikat, mukha talagang bibe itong si Vanny. Ang sarap niya nalang iwanan sa may ilog at panoorin siya roon manirahan at mangitlog haha. Napailing na lamang ako at hinila ang kaniyang nguso na dahilan ng mas lalong paghaba nito.
"Aray!"
Nang dahil sa ginawa ko, narinig kong bigla ang kaniyang pagdaing dahil sa sakit at pagrereklamo. Tinawanan ko nalang siya at napansin na ang sama ng tingin niya sakin habang nakahawak sa nguso. Hahaha mukha talaga siyang bibe, ingrata.
"May suot akong liptint, best friend. Baka mabura!" Pagrereklamo niya at naglabas ng salamin para tignan ang sariling mukha.
"Kahit ilang beses kang tumingin d'yan sa salamin, wala pa ring magbabago" pangaasar ko at tinawanan siya na ikinanguso nanaman ng kaniyang labi.
"Ewan ko sa 'yo!" Vannessa.
--
"Jammy, kinakabahan ako huhu. Lahat sila nakatingin sa atin, ang pangit ba ng ayos natin? May dumi ba tayo sa mukha? Ano? Sabihin mo best friend huhu" Hindi mapakaling pagkakasabi ni Vanny at kumapit sa braso ko.
Napakunot na lamang ang noo ko dahil sa kaniyang sinasabi pero sino ba naman ang hindi kakabahan haha. Paano ba naman kasi, halos lahat ng atensyon ng mga studyante rito sa Campus ay nakatuon samin. Hays, I hate attention kaya no? Nakakahiya kasi hehe.
"Sis mars, transferees ba sila?" Rinig kong tanong no'ng babae sa kasama niyang beki na nakasalamin at scarf with matching pamaypay pa.
"Siguro sis mars, bagong mukha eh huhu nadagdagan na ang mga cute rito sa Campus, paano ko na makukuha ang atensyon ni my loves? Lalong nawawala ang chance ko gawa nila, iyak na ko sis mars" Maarteng tugon no'ng bakla at umarte pa na parang naiyak at hihimatayin.
"Ang ganda nilang pareho, artista ba sila?" Narinig ko naman ani sa kabilang grupo.
Oh my god, nakaka flutter naman hihi. Tama na guys, ako lang 'to! Haha char pero seryoso, nakakahiya kaya no? Hindi naman sa pagiging humble ah pero hindi kaya ako maganda. Si best friend tatanggapin ko pa na mukhang artista pero ako? Nah, para lang akong artista sa comedy bar.
"Pabebe naman 'yong mukha no'ng isa samantalang mukhang mataray naman 'yong may kulay ang buhok. OMG, nabuhay nanaman ang mean girls." Babaeng naka kulot ang buhok habang may bitbit na pink chanel bag.
Ay wow, judgemental ka sis? Mean girls agad? Pabebe agad? Masungit agad? Hmp, chaka mo rin eh no? Chokla ka! Bitchesa ng Campus.
"Ang cute talaga nila" Sabi no'ng lalaking may bitbit na bola. Siguro varsity player ito ng basket ball, mukhang fuckboy eh.
"Hanggang paa ko lang 'yang mga 'yan, huwag na nating pag tuonan ng pansin haha!" Kutya no'ng isa na mukhang ingrown ko lang.
"True! Haha tara na nga, mukha naman silang staff sa perya. Ugly ducklings" Sangayon naman no'ng kasama niya at naglakad na sila papalayo habang nagtatawanan pa rin.
"Grabe best friend hot topic tayo" Ani ni Vanny at mas lalon kumapit sa aking braso.
"Hayaan mo na sila baka nastress kakakudkod ng kalyo sa mga mukha nila" Sagot ko na lamang at nag chin up sabay flip ng aking mahaba at straight na buhok, oh pak sis! Laban ka te?