Ethan Rodriguez's Point of View:
"Hmm? Are you talking about us ba?" Maarteng pagkakatanong ni Avi sa akin habang tinuturo si Ian at ang sarili niya.
Tumango naman ako bilang kasagutan at ngumiti ng nakakaloko. "Anong meron sa inyo ha? Parang may 'something' eh" Tanong ko na ikinamula nilang pareho.
Iniba ko talaga ang tono ro'n sa salitang something para agadan nilang magets na dalawa and guess what, nakutuban naman nila agad dahil pareho silang nanlaki ang mga singkit na mata at namula na para bang isang hinog na kamatis.
Nako! Nako! Nako! Alam na this haha.
"Shut up! Kuya Bry might hear you fucker!" Saway sa akin ni Avi at dali daling lumapit patungo sa akin para lamang idikit ang kaniyang index finger sa labi ko sabay siring ng nakakatakot. So totoo nga ano? Dahil sa ginawa niya palang, parang sinasabi niyang 'Oo may something sa amin kaya huwag kang maingay' haha.
Lumayo nang muli si Avi at bumalik sa kaniyang pwesto kanina.
"Walang something" Malamig na sabat naman ni Ian sa paguusap namin at itinuloy nang muli ang paglalaro ng Rules Of Survival.
Magsasalita pa sana akong muli pero bigla nanamang tumakbo papunta sakin si Avi at tinakluban ang bibig ko. Pinagdilatan niya rin ako ng mata. Hahaha! Sinong tinakot mo kid? Joke.
"Are you out of your stupid f*****g mind na ba, Ethan?!" Nang gagalaiti niyang pagkaka sabi na ikinatawa ko naman ng mahina dahil sobrang obvious na nila pareho gawa nitong babaitang ito.
Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa inaasal ng isang 'to. Nagiging halata ang mga nangyayari gawa niya lang din. Naku po Avi, lagot ka lalo niyan sa Kuya Bryan mo haha ako pa mismo ang magsusumbong saiyong babaita ka char.
Tinanggal ko naman na 'yong kamay niya na inilagay sa aking bibig. "Pero may something ba talaga?" Tanong ko pa ulit.
Bakit ba? Hindi pa rin ako titigil sa kakatanong at kaka interview sa kanya haha. Bakit ba? Eh sa nakakatuwang hulihin ang pagkukunwari ng dalawang ito eh. Hindi niyo naman ako masisisi kung over acting palagi itong si Avi haha.
"Wala nga sabing something eh! Just shut your flirty mouth up nalang okay? Tch, ang dami pa kasing sabi lagi eh kaya ka nabubugbog madalas eh." Huli niyang sinabi at nanakbo na papalabas.
Natawa naman ako ng mahina ulit dahil sa nireact ni Avi lalo na ro'n sa sinabi niya sa may bandang dulo na ang daldal ko raw kaya lagi akong nabubugbog hahaha. Well totoo naman madalas ako napapaaway gawa ng mga babae, kasalanan ko bang ako ang pinipili ng mga babae r'yan? Baka Ethan 'to?
"TANGINA! ANG BOBO HEAL! LINTEK KA!" Malakas na mura galing Kay Ian ang bumalot sa loob ng silid at dahil din do'n kaya nagising itong si Bryan na wala sa mood.
"Tangina?!" Nangagalaiting pagkakasabi ni Bryan at umayos ng upo.
Natatawa ako sa itsura niya, what the f**k?! Ahahahahah. Para siyang batang bagong gising na wala sa wisyo. Isang gago rin kasi 'tong si Ian eh, ang bobo mag laro kaya sa trashtalk bumabawi ang loko.
Pumunta ako sa direksyon ni Bryan dahil naisipan kong maglaro ng basketball at saktong nasa may bandang likuran niya. Kinuha ko 'yong bolang nasa likod niya at sabay sabi ng "Good Afternoon Bro!!" Mapangasar kong bati at sinimulan nang magdribble.
Palatak lang ang narinig ko sa kanya. Aba naman, pasalamat nga siya at binati siya ng isang Ethan na kagaya ko no? Libo libong babae kaya ang nananalangin para lang mabati ko tapos choosy pa siya? Hay nako bro, pagsisisihan mo talaga ang desisyon na iyan buong buhay mo haha. Tumayo na siya at lumabas pero hindi ko siya sinundan dahil busy akong paglaruan itong bolang nasa kamay ko.
"Bro! Nasa saan si Avi?" Biglaang tanong ni Ian sa akin na ikinatigil ko sa ginagawa ko.
Humarap naman ako sa kanya at binigyan siya ng isang mapanuksong ngiti, alam kong hindi niya alam pa ang nais kong iparating sa kaniya pero alam ko namang kaonting clue pa at magegets niya rin ang nais kong iparating haha.
"Bakit naka ngiting tagumpay ka r'yan ha?" Natatawang naguguluhan niyang pagkakatanong sa akin.
Kung kanina ay nakatuon sa akin ang kaniyang pansin, ngayon naman ay muling bumalik na sa computer na nasa harapan niya at tinurn off ito. Tama lang iyan, para naman makatipid sa kuryente kahit papaano hays. Tulong na rin namin sa lipunan haha dahil masyado na kaming nakaka perwisyong tatlo.
Natawa nalang akong muli sabay pagbaba ko ng bolang pinaglalaruan at hawak hawak ko kanina pa. Lumapit naman ako sa kaniya at tinapik tapik siya sa kaniyang kanang balikat sabay sabing "Binata na si Ian!"
Pagkatapos kong sabihin ang katagang iyon ay sinamaan lamang niya ako ng tingin at isinuot 'yong headset niya. At dahil head over heels ang isang ito kay Avi, naging sunod sunuran ito ng kapatid ni Avi na si Bryan haha joke. Pero katulad ni Bryan, lumabas na rin siya pero para siguro iyon hanapin ang kaniyang iniirog.
--
"Baby Ethan! Hi!" Masiglang bati sa akin ni... ah basta, nalimutan ko na 'yong pangalan niya.
Basta tanda ko lang na may letter I ang kaniyang pangalan, hindi ko naman na kailangan pang tandaan ang pangalan ng mga babae ko naku maswerte pa nga ang isang ito at may natandaan ako sa kaniya kahit na papaano 'di ba?
"Hi" bati ko naman pabalik at lumapit sa kanya, syempre hindi ko naman ugaling maging snob sa tao kaya namamansin ako. Isa ring dahilan iyon kung kaya naman ay marami rami rin akong babaeng napaibig ng walang kaeffort effort.
Napansin ko namang inabutan niya ako ng isang bote ng mineral water. At dahil pagod ako kakalaro ng basketball, ininom ko naman iyon. Aba naman, nakakauhaw kaya ano? Pati nagmagandang loob na ang isang ito kaya masamang tanggihan haha.
"Let's bang!" Seductive niyang pagkakasabi na dahilan naman kung bakit bigla akong nawala sa mood gawa sa sinabi niya.
Sobrang wala akong gana sa ngayon kaya naman ibinaba ko na lamang 'yong bote ng tubig an iniinom ko kanina at nagpatuloy sa ginagawa kong paglalaro kanina ng basket ball. Huminga ako ng malalim at agadan itong pinakawalan, masarap ito sa pakiramdam dahil nakaka relax.
"Let's break up" Walang gana kong sabi at shinoot 'yong bola sa net.
Dahil sa sadyang bihasa na ako sa larangang ito, effortless kong nakuha ang tres o kaya naman ang tinatawag nilang tatlong puntos. Napansin ko namang biglang lumapit 'yong kaninang praning na babae sa akin at niyakap ako patalikod habang umiiyak.
"I-im sorry, please huwag tayong mag hiwalay. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Please, please, please. Sorry sa sinabi ko kanina, h-hindi ko kasi mapigilan 'yong sarili ko na sabihin 'yon! Sorry talaga, please. Mahal na mahal kita, Ethan, at gagawin ko ang lahat basta huwag mo lang akong hiwalayan, please," pagmamakaawa niya pero hindi ko iyon pinansin.
Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya at kinuha 'yong bolang nasa sahig. "Nakakasawa ka na, gusto ko ng bagong babae kaya let's break up" walang kabuhay buhay kong ani.
Lumapit siya sakin at sinampal ako ng malakas bilang kabayaran sa sinabi ko. f**k? Siraulo ba itong babaeng 'to? Anong karapatan niyang sampalin at saktan 'tong mukha ko ha? Nahihibang na ba siya? Hays pasalamat siya at hindi ako pumapatol sa mga kagaya niya.
"Gago ka! Minahal kita ng buo tapos ito ang gagawin mo sakin?! Mabaog ka sanang letse ka! Huhuhuhu" Mangiyak ngiyak niyang pagkakasabi at tumakbo na papalabas, gago ka rin tch.
Anlakas ng loob niyang idikit ang kamay niya sa gwapo kong mukha tsk. Pasalamat siya at hindi ako napatol sa babae hays. Umupo ako sa isang bench, may lumapit nanaman saking babae. Tinignan ko ang mukha niya at hubog ng katawan. "Pwede " bulong ko sa isipan ko. Qualified na siya sa flirt list ko.
"Hi! I'm Emy Flores" pakilala niya at pinunasan ang pawis ko sa katawan. Nginitian ko siya at hinalikan naman niya ako sa labi.
"Emy? It's prettier if your name will be Emy Rodriguez in near future" banat ko at nginitian siya ng mapangakit.