Avigail Lee’s Point of View:
“Huwag ‘yon, ‘di siya belong” I told Vanny girl and Jammy after telling me na isa sa nagkakagusto sa kaniya ang kuya kong si Bryan.
It can’t be pero sa totoo lang ay narerealize at napapansin ko nga rin na may gusto si kuya Bry kay Jean. He is always being papansin to her like a simp jerk guy. Hindi lang masyadong nagsisink in sa utak ko dahil I can’t really imagin me that my brother is already feeling in love with someone after so many years.
“Haha hindi ko pa nakukwento sa inyong dalawa totally but Bryan actually confessed his feelings for me the night before we went home from the science camping night. No’ng una ay hingi nga rin ako naniniwala dahil masyadon tahimik ang isang ‘yon pero he’s being obvious these past few days. Sa totoo nga niyan, nagagalit pa siya kay Jackson everytime na lumalapit ito sa akin haha” Sambit nito at napakamot na lang bigla sa kaniyang ulo.
Ayokong magka gusto si kuya Bryan kay Jean. Hindi sa wala akong tiwala at ayoko kay Jean ha? But the fact na sobrang mahal ko ang isang ‘to kaya ayaw ko siyang masaktan if ever na magkatuluyan silang dalawa ni kuya. Bryan is a jerk and all he knows is to break someone’s heart and not to take his relationship that he is involved into seriously. Magmula no’ng namatay ang first love niya, he became wreckless at all. Kaya knowing kuya Bry expresses his feelings for my best friend Jammy is a big no for me, hindi ako papayag dahil alam kong hindi siya deserve ni Jammy.
Napatahimik na lanang ako sa sinabing iyon ni Jean since hindi ko alam ang sasabihin ko. Ayaw ko namang maging kontrabida sa chika ni Jammy sa amin, it’s just that I object lang talaga. If only I can tell them the reason behind haha kaso hindi eh, nangako kasi ako sa sarili ko, kay Kuya Bryan, pati na rin kay ate Angel which is ‘yong namatay na first love ni kuya, na hindi ko ipagsasabi kahit kanino kapag secrets ang usapan. Secrets and promises are meant to be fulfilled and not to be broken.
“Erase kuya Bryan fron the list. She’s just playing with your feelings, Jammy. Hindi siya nagseseryoso ng babae if you know what I mean haha. Puro games lang sa kaniya lahat ng ‘yan, nothing more and nothing less. Kaya huwag kang mafafall sa kaniya dahil masasaktan ka lang” Payo ko rito na ikinatigil naman nilang pareho mula sa pagtatawanan.
Did I really broke the atmosphere here? Geez. Ang awkward ha! Napairap na lamang ako dahil sa nangyari and decided to return the mood na nasira ko ngayon ngayon lang, gotta bringe back the broken vibes haha!
“Well anyways, tuloy tayo. Nominate ko si Vince, ‘yong guy na nakipag hiwalay sa girl friend niya para lamang manligaw kay Jean but ended up getting rejected. His name starts with ‘V’ as in victory na katunog no’ng clue na iniwan no’ng secret admirer which is ‘B’. It does makes sense right?” Sambit ko sa kanila na ikina sangayunan naman nilang dalawa.
Napangiti ako ng malapad at isinulat na ang pangalan no’ng Vince rito sa white board. Gago rin ang isang ‘to eh, ang tino tino na no’ng jowa kaso biglang iniwan kase lang nakakita ng babaeng maganda na hindi naman siya papansinin. Mabuti na lang talaga at mabait si Jammy dahil kung ‘di ay madami na ang galing sa kaniya ngayon. Kawawa kaya ‘yong girl na binreak ni Vince, sobrang pretty pa naman and kind kaso nga lang medyo bobita at palaging english carabao ang peg.
“Pogi ‘yong Vince ha? Kaso nga lang gago” Sambit ni Vanny girl haang hinihimas himas ang kaniyang mahabang buhok.
“Siguro tanggalin na natin siya sa list, medyo nagccringe kasi ako makita and maalala ‘yon eh. Nandidiri ako sa ginawa niya sa ex niya, ilang ataw tuloy akong ‘di makatulog mula sa ginawa niya dahil sa konsensya. Nagui guilty ako kahit na wala naman akong ginagawa or kasalanan haha” Ani nito na sinunod ko naman.
Kinuha ko na ‘yong marker na may kasamang eraser sa takip at ginamit ito upang mabura ang nakasulat na Vince. It’s been one hour magmula no’ng nagdecide kaming magsulat kung sino ang aabangan naming aamin bilang si B which is the secret admirer ni Jammy but lahat ng suggestions ay nabura na ng nabura dahil wala raw nag fit sa aming qualifications. Sobrang gusto ko na talaga makilala ‘yong guy na ‘yon because he’s way to sweet kaso nga lang ang hirap hulaan huhu. Ang daming guys na naisip at muntikan ng isulat sa list but we always ended up listing no one.
“Wala na akong maisip, besides tapos na rin naman ang period. Tara na, pasok na tayo at baka ma late tayo sa next class natin” Sambit ni Jammy sa amin kaya naman inayos na namin ang aming sarili maging ang mga ginawa naming kalat para makabalik na sa room.
Binalik ko na sa cabinet ‘yong white board and marker while pinick up naman nila Vanny girl and Jammy ‘yong trashes para itapon sa tamanh tapunan. After all of the ceremonies, nagsimula na kaming maglakad pabalik sa classroom. Many stupidents are staring at us yet we don’t give a f**k. Alam naming maganda kami kaya need nilang kumalma, duh!
“Huy best friend, balita ko may groupings daw ah. By three daw ‘yong members, alam niyo na kung sino dapat ang magkaka group ‘di ba? Tayo laging tatlo dapat ha hanggang matapos amg school year na ‘to.” Sambit ni Vanny girl sa aming dalawa pagka pasok na pagka pasok namin ng class. Hindi ko na lanang pinansin ang sinabi niya at sa halip ay dali daling nanakbo patungo kay Baby Ian ko.
“Oh my twinkle twinkle little star! Hi Ian!” Masigla kong bati rito at naupo na sa tabi niya. I smiled at him genuinely sabay palumbaba.
“Hi, Avi! How’s your lunch? Nabusog ka ba?” He asked me while patting my head.
Huhu, ang cute cute niya talaga. Hindi ako nagkamali na sa isang Julian Dominique Alistair ako nagkagusto. Nagiisa lang siya sa mundo that’s why I’m lucky to have this partner in crime of mine. Ang cute na niya, ang galing pa sa games, ang bait pa, pang bato pa ng school sa quiz bee, panalo pa sa puso ko. Argh! MVP talaga ang isang ‘to kahit saang field, talented naman hmp.
“Tanghaling tapat, ang landi landi niyo” Biro sa amin ni Jammy na ikinatawa naman ni Vanny girl. Hmp, this girl talaga so epal.
Inirapan ko na lang siya at binelatan kaya binelatan niya rin ako na dahilan ng pagtawa naming dalawa. Talaga naman ang isang ‘to, ayaw pa kasi maghanap ng jowabels eh. Mabuti na lang talaga at it’s complicated ang buhay ko, Ian my loves rawr rawr grind kita mamaya charot.
“Ano nga pala ‘yong tanong mo kanina hihi?” Tanong ko sa kaniya at nag beautiful eyes pa. No need na sa iba, I have beautiful face and body naman na.
“I asked kung kamusta ang lunch mo?” Tanong nito at tumawa na naman ng hindi makita ang mata dahil sa pagka singkit na taglay nito.
“Uhm okay lang naman, nabusog ako haha kaso mas mabubusog ako if nando’n ka eh. Next time, tayo naman ulit ang sabay hehe” Sambit ko and clinged on his arms. The satisfaction huhu.
Maya maya pa ng onti ay nakita ko namang nagsipag ayusan na ng pwesto ang mga kaklase namin. Isa lang ang ibig sabihin no’n, malapit na si ma’am haha kaya ayon umayos na rin ako ng pwesto ko at nag straight body para iwas kuba.
Ilang sandali pa ay pumasok na siya sa classroom with a huge smile on her face, ngiting nakakaloko if you know what I mean. Alam ko ang smile na ito, mayroong surprise quiz huhu. Hindi pa naman ako nag review, tulong!
“Get one fourth sheet of paper. One seat apart, we have a surprise recorded quiz about our past lesson. I will give you thirty seconds to prepare without reviewing. Timer starts now!” Sambit nito kaya dali dali akong naghanap ng papel sa bag.
I have my own stocks naman kaya hindi ko na kailangang manghingi sa ibang tao dahil ako pa ang magbibigay sa mga kaibigan ko. Ng mafigure out kong lahat kami ay meron ng papel, nagsimula na akong mag sign of the cross dahil si God na ang bahala sa akin hahaha. Good luck self, bawi na lang tayo next life huhu.
Pagkabigay ko sa kanila ng papel ay nagsimula na rin kaming maghiwa hiwalay ng pwesto. Hindi ko na maalala ang previous topic namin shet, ano nga ulit ‘yon? Napailing na lamang ako at tumingin kay Ian para sumenyas ng tulong. I mouthed ‘help me!’ but he just laughed at me sabay thumbs up ng kaniyang kamay.
Ngumuso pa ako ng para bang ikikiss siya at tumawa ng mahina. Gano’n din naman ang ginawa niya kaya napatawa na kang kaming parehas. Natapos na ang binigay na oras sa amin no’ng teacher namin kaya umayos na kami ng pwesto para makapag start na sa aming quiz. Ito pa naman ang pinaka ayoko, ang surprise quiz at index card. Batman nasaan ka na?!