61

1834 Words
The Secret Admirer’s Point of View: Matagal na akong may pag hanga kay Jam, no’ng una pa lang kaming mag kita ay alam kong iba na siya sa mga babaeng nakasama ko dati. Sobrang ganda niya at sobrang bait kaso hindi ko pa kayang sabihin sa kaniya ang tungkol sa nararamdaman ko dahil sa tingin ko ay masyado pang maaga. Gusto ko na mas kilalanin muna siya habang ganito kami, na hindi niya alam ang nararamdaman ko para sa kaniya. I’m already happy seeing her happy especially when she’s with her friends. Minsan nga eh kahit tinitignan ko lang siya ay kinikilig na ako, it sounds gay but it’s true haha. Alam kong wala pa akong guts mag confess dahil ayokong mailang siya sa akin sa tuwing nagkikita kami at bukod do’n ay may ibang mga rason pa kung bakit wala pa akong balak umamin at magpakilala bilang isa sa mga nagkakagusto sa kaniya. Okay na ako sa pagtanaw sa kaniya sa malayo, lagi kong sinesecure rin sa ganitong paraan kung masaya ba siya, ligtas, at nakakakain ng ayos. Haha, natatawa na lang nga ako dahil naalala ko ‘yong isang beses na nakita ko siyang naka tungo habang lunch break ng klase, nag utos pa ako ng ibang tao para lamang ilagay sa lamesanv katabi niya ang pagkain para lang hindi siya malipasan ng gutom. I ordered tonkatsu and it’s one of her favorite meals. Ang saya kapag nakikita siyang nasasayahan sa bigay ko, sulit lahat ng pagod ko para makabili lang ng pagkaing iyon. I’ve been trying really hard habang secret admirer niya pa lang ako dahil hoping ako na isang araw kapag nagpakilala na ako sa kaniya sa personal bilang manliligaw niya ay masuklian lahat ng efforts at pagtitiis ko. Sa ngayon, ayos na akong tahimik na humahanga sa kaniya. Madami pa akong kailangang tapusin maging ang ilan sa mga proyekto ko na kaunti lamang ang nakakaalam. Sana nga lang ay pagkatapos lahat ng ito, makamit ko na ang pinapangarap ko. I’m really looking forward in the future especially being the love of my life beside me. Ayokong mawala siya sa akin pero palagi lang akong nakatago ngayon sa likod ng mga munting regalo ko dahil wala pa akong kakayahanv umamin sa kaniya. Handa naman akong magsakripisyo kung mayroong mauuna pa kaysa sa akin pero lalaban ako hanggat alam kong may oras pa ako. Ang gusto ko lang naman ay kung ano ang ikakasaya niya at hindi ‘yong kung ano ang ikasasaya ko. Jean Avril Mendoza’s Point of View; “Oh my twinkle twinkle little star! True ba Jammy? Someone gave you a love letter? Huhu, ang sarap sa feeling makatanggap ng gano’n! The efforts that your secret admirer have, mapapa sana all na lang kami ni Vanny girl ‘di ba?” Sambit ni Avi sa akin habang kunyari pang nagpupubas ng luha sa kaniyang mata gamit ang bimpo. “You are right, Avi. Pak na pak kasi ang beauty mo best friend, abot hanggang do’n sa pintuan ng classroom. Mabuti na lang talaga at single ka, g na g lahat ng manliligaw mo! Pero nakakainis naman kasi itong ‘B’ na ‘to, pa thrill masyado ayaw na lang umamin para jowa na agad!” Ani naman ni Vannessa habang umiinom ng kaniyang Mango Graham Shake na binili namin sa cafeteria kanina. Recess namin ngayon and napagpasyahan muna naming tumambay dito dahil narinig namin from other section na wala raw ang Filipino teacher namin ngayon. She’s on a vacation daw for three days dahil minsan lang daw umuwi ang anak niya from USA kaya ayon nasa Boracay, family day raw nila haha. Nakakainip nga at nakaka enjoy naman at the same time dahil madalas wala ‘yong teachers namin. Siguro sa isang linggo ay hindi maiiwasan ang absent na teacher for about two days. Hindi ko pa nararanasan ang way nila ng pagbibigay ng marka sa card namin eh pero ayon kay Avi, matataas daw magbigay ng grade ang mga ito. Bihira lang din sila magpa take home assignment or activity since sabi nila ‘yon na nga lang daw ang time namin para sa sarili at sa pamilya, aagawan pa raw ba nila? “So ano na? May clues ba kayo kung sino ‘yong ‘B’ na secret admirer kuno ni Jammy?” Tanong naman ni Avi habang nakain ng nova chips. As if namang may alam kami about do’n sa nag sulat no? We are all clueless kaya hahaha. “Siguro wala no?” Sarkastiko ko na lang na banggit at sumandal sa inuupuan ko sabay pikit ng aking mata, I need to relax dahil masyado na akong nasstress sa mga nangyayari charot. “Ganito na lang girls, what if gumawa tayo ng notes about d’yan?” Suggestion naman ni Vanny na ikinamulat ng mga mata ko, suggestion who? Chos. “What do you mean?” Tanong naman ni Avi at biglang nag indian seat. “Mag gawa tayo ng list ng guys na alam nating nagkakagusto kay best friend tapos i-record natin ang galaw nila isa isa. Hindi kasi ako naniniwala r’yan eh, for sure isa ‘yon sa mga nagkakagusto sa ‘yo” Natawa na lang ako ng mahina dahil sa sinabing ‘yon ni Vannessa, like stalking? Seriously? Seryoso ba siya sa sinabi niya? “We need to stalk them one by one? Isn’t that stuff illegal?” Sumang ayon naman akonsa sinabing iyon ni Avi, totoong mali ang gawaing iyon dahil iniinvade namin ang privacy nila sa gano’ng paraan. Gusto ko malaman kung sino si ‘B’ kaso sana hindi sa gano’ng paraan. “Hindi naman sa pag stalk ng mega ultra hehe, I mean check lang natin sila gano’n if they are doing some actions na may kaugnay sa pagbibigay ng kung ano ano rito kay best friend secretly” Tugon ni Vanny na napa palakpak naman si Avi. Ang dalawang ito talaga, minsan gusto ko na lang pag buhulin. “I agree! Tama ang sinabing ‘yon ni Vanny girl, Jammy! I’m in!” Pag apruba naman ni Avi at tumayo para dumiretso sa aming cabinet dito sa loob ng club room. Pinagmasdan ko lamang kung ano ang gagawin niya at nakita ko siyang kumuha ng isang malaking white board at tsaka white board marker with eraser pa sa tip. Wow ha secretary lang ang peg, g na g talaga sila sa planong iyon? The heck? “Teka nga, seryoso ba kayo sa gagawi natin? Well hindi ako payag ha, ayoko ng gano’n haha medyo over na siya sa boundary” Ani ko sa kanilang dalawa at itinaas ‘yong dalawang kamay ko na para bang ready to surrender na. “Come on Jammy, let us just play the game. ‘Wag ka namang kill joy okay? It’s also for you naman” Sambit ni Avi at kumapit pa sa braso ko na parang linta. Alam ko na ang galawang ito, nais akong pilitin kaya nagiging sweet sa akin haha. “Oo nga naman best friend, katuwaan lang! At tsaka ito, tayong tatlo lang ang nakaka alam I swear. Miski si Ethan ay hindi malalaman” Vanny said sabay taas ng kaniyang kanang kamay na para bang nangangako. “Aish, okay okay fine! Ano ba ang gagawin?” Tanong ko na lang at naupo sa lapag kagaya nila. Napa indian seat na lang din ako ng wala sa oras at napangiwi. “Wahh! I’m so excited huhu I just can’t hide it!” Nagulantang na lamang ako ng marinig ko ang malakas na pag hiyaw na gano’n ni Avi. Hyper talaga ang isang ‘to, parang palaging naka lunok ng megaphone. “Yehey! So tara na! Here is the first step, let us all list down best friend’s manliligaw. Lahat ha? Including no’ng nursery hihi” Nagkatinginan na lang kaming tatlo dahil sa sinabing ‘yon ni Vannessa. Seryoso? Ililista talaga namin lahat? Jusko naman inday. “Gaga! Hindi na included ang nursery hmp! Simulan na lang natin sa mga taga rito sa Campus para ‘di tayo mahirapan sa pag hahanap. For sure madami kasing nagkakagusto kay Jammy eh lalo na sa school niyo before, I have no times for them pa rin naman kaya simulan na lang natin ngayong school year hihi” Sambit ni Avi kaya napa thumbs up ako sa kaniya bilang pag apruba. “Oo, tama. Ganiyan na lang haha kaso walang nagkakagusto sa akin ngayon, wala pang naamin” Pagsisinungaling ko at iniwas ang tingin sa kanilang dalawa. “Ha? Anong wala? Ang dami kaya no? Naalala ko pa nga no’ng last time may humarang sa daan nating tatlo” Sa pagkakasabing ‘yon ni Vanny ay kaagad na nagkaroon ng throwback sa utak ko mula sa pangyayaring iyon. Flashback: “Jean!” Napatigil na lang kaming tatlo nila Avi at Vanny sa paglalakad patungo ng cafeteria para kumain ng lunch dahil biglang may isang lalaki ang tumawag sa pangalan ko. Kaagad ko siyang nilingon at napansin ko na mayroon siyang suot na eyeglasses at jumper suit habang medyo mamula mula pa ang mukha gawa ng tigyawat. “Yes?” Naiilang kong tugon sa kaniya. Well my pagkailang doesn’t have anything to do with his looks naman. It’s just that medyo ang cringe lang dahil biglang may tatawag sa pangalan ko out of nowhere habang may bitbit bitbit na pack of cookies sa kamay. I don’t know if it’s for me pero pagkadabi ko kasi ng ‘yes?’ ay kaagad nitong inilahad sa akin ‘yong cookies. “P-para s-sa ‘yo! P-please tanggapin mo! Crush na crush kita Ms. Mendoza at sana crush mo rin ako!”Nauutak nitong ani sabay tungo. Napatingin na lang ako sa paligid dahil napansin kong naghihiyawan ang mga ito. Hindi ko alam ang gagawin ko, ayoko ng ganitong attraction. Sobrang nakakahiya. “S-sorry ha? Allergic kasi ako sa nuts eh” Pagsisinungaling ko na lang dahil ayokong tumanggi sa offer niya ng diretsuhan. He looks so innocent pa naman huhu kaso sorry I’m not into boys talaga. “Boo!” “Ayan feelingerong palaka kasi!” “Punta ka na lang ng library boy!” “Pangit mo daw! Change face muna”! Ilan lamang ‘yan sa mga narinig ko pagkatalikod ko ro’n sa guy na nagabot sa akin ng cookies. I’m not meant to offend him naman it’s just that naiilang lang talaga ko. He should keep his confession privately haha hindi ‘yong bulgaran lalo na’t hindi ko naman siya kilala. End of flashback. “Eww! That’s gross! Do you mean ‘cookie guy’ ba? Pass! Huwag na huwag ‘yon and besides, the letter ‘B’ doesn’t have to do with his name naman. The secret admirer’s nickname is B while that cookie guy’s name is Antionio Villafuerte, super duper layo. Pass kaagad!” Sambit ni Avi at umiling iling pa. Sabagat may point siya. Well sino pa ba ang next na umamin sa akin? Wala na akong maisip hmm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD