4

1292 Words
Jean Avril Mendoza's Point of View: Hindi ko alam kung bakit pero mas masaya ako kapag kumakanta, ipinuwesto ko na 'yong gitara at sinumulan nang magstrum. Naisipan kong tugtugin ngayon ang 'Fast' by Angel Cruz.. "Nakuha mo ang isang mabilis na kotse Gusto ko ng tiket kahit saan Siguro gumawa tayo ng pakikitungo Siguro sama-sama tayong makakakuha ng kahit saan " Habang kumakanta ako ay ramdam ko ang pagsayaw ng puso ko. Sobrang saya ko dahil medyo matagal na rin no'ng huli akong tumugtog ng gitara at umawit ng seryoso at bukal sa aking puso. "Anumang lugar ay mas mahusay na Simula sa zero ay walang nakuha upang mawala Siguro may gagawin tayong isang bagay Ako, aking sarili wala akong nakuhang anuman upang patunayan " "Nakuha mo ang isang mabilis na kotse May plano akong makalabas sa amin dito Nagtatrabaho ako sa tindahan ng kaginhawahan Pinamamahalaang upang i-save lamang ng isang maliit na bit ng pera " "Hindi na kailangang magmaneho nang masyadong malayo Lamang 'cross ang hangganan at sa lungsod Ikaw at ako ay maaaring makakuha ng parehong trabaho At sa wakas tingnan kung ano ang ibig sabihin ng mabuhay " Kumakanta ako ng mga korean songs dahil nakaka entertain naman talaga ang kanilang mga kanta pero bahagya lang 'yong naiintindihan do'n. Iba parin talaga kapag 'yong lengguwahe ay naiintindihan tulad ng mga kanta ng 'Spade' na kinaaadikan at kinahuhumalingan ko. Tinigil ko na ang pagkanta ko, I love singing to be honest haha kaya pangarap ko rin maging isang singer balangaraw. Binalik ko na sa dating pwesto 'ypng gitara at bumalik na ng pagkakaupo sa sofa. Humiga ako at muling sinimulan ang pagdudutdot ng cellphone, scroll lang ulit ako ng scroll hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Vannessa Sanchez's Point of View: Hays, ano ba 'yan?! Hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako dahil kay Minhyuk at Bong Soon. Do'n sa scene nila na nakagapos si Bong Soon habang may bomba, nawala kasi yung strength power niya nung time na 'yon tapos mas lalo pa akong naiyak gawa ni Min Hyuk. Sadyang mahal na mahal niya talaga 'yong babae dahil kahit na alam niyang mamatay na sila, naroon parin siya para kay Bong Soon. Huhuhuhu! Kakabwisit kasi 'yong kontrabidang lalaki rito, bakit pa kasi siya naghahanap ng seven brides?! Ano 'yon? Napaka libog naman niya ata haha pitong babae ang dadalhin mo sa honeymoon tapos iisa ka lang na lalaki, gang bang lang? Happy ending naman sa huli yung Strong Woman Do Bong Soon kaya worth it siyang panoorin. Tumayo ako mula sa pagkakadapa at tumingin sa salamin, namamaga na 'yong dalawang mata ko kakaiyak. Pesteng K drama kasi 'to eh, dito na nga lang ako kinikilig tapos papaiyakin pa ako. Tumingin ako sa maputi kong kisame at nagsimula nang magiimagine ng ung ano ano, iniimagine ko na ako si Bong Soon tapos si Yuan si Ahn Min Hyuk huhu shet! Naiiyak nanaman ako sa scene na 'yo letse ka talaga Vanny huhu. Imagine lang ako ng imagine hanggang sa nasaktan na ako, nababaliw na yata ako eh huhu sakit pala mag imagine ng gano'n bwisit ka self kung ano ano ang pinaggagagawa mo sa buhay mo, kaya hindi ka naunlad eh huhu. Nang wala na akong maisip at magawa ay ibinaling ko nalang muli ang tingin ko sa salamin, pinagmamasdan ko ang mukha ko at napatitig ako sa mga mata kong paga ngayon dahil sa kakaiyak. Napailing na lamang ako at napasimangot pero hindi rin nagtagal ay napangiti ako bigla dahil naisip ko na ang ganda ko hihi. "Ayan pugto nanaman 'yong mata ko pero ayos lang dahil cute pa rin naman ako haha" Cheer up ko sa sarili ko sabay pout. Teka nga, cute naman ako kapag nakapout ah? Sabi kasi ni bestfriend ay huwag daw akong mag ganon kaya tinanong ko siya kung bakit pero sabi niya mukha raw kasi akong bibe haha bwisit 'di ba ang lakas lagi ng trip haha tapos one time pa nga ay hinila niya 'yong nguso ko dahil kala raw niya may tuka ako kahit wala naman huhu. Ang sakit kaya no'n! --- Bryan Lee's Point of View: "Kyaah!" "Nar'yan na siya!" "Ang pogi talaga ni Bryan huhu!" "Ahhh!" "Anakan mo na ako please!" "I love you Bryan Lee, kyaah!" Ilan lamang 'yan sa mga naririnig kong tilian sa tuwing papasok ako sa paaralan, minsan nga nakakatulig na sila dahil sa mga iritan nila kaya hindi ko nalang sila masyadong pinansin at sa halip ay dumidiretso nalang ako sa tambayan naming magkakaibigan. Nang makarating ako sa aking destinasyon, naabutan ko si Ian pati ang kapatid kong si Avi na magkasama. Nagtatawanan sila at tila hindi ako napapansin kaya umubo ako ng peke, apat na para makuha ang mga atensyon nila kaya gulat naman silang napatingin sakin at sabay pa sa pag tayo. "Kuya!/ Bro!" Sabay na tugon ni Avigail at Ian, lumapit sakin si Avi at niyakap ako pero hindi ko nalang iyon pinansin at sinamaan siya ng tingin. "Kuya! It's not what you think!" Sabi niya at kumalas na sa pagkakayakap sa akin. Hindi ko pa rin siya pinapansin at dumiretso nalang sa pwesto ko sabay upo rito, maya maya pa ay lumabas na si Avi sa tambayan namin kung kaya naman ay kami nalang ni Ian ang natira rito sa loob. "Bro, haha." naiilang niyang pagkasabi sa akin gawa no'ng nakita ko kanina. Alam kong alam niya na ayaw ko kasi magkaroon ng boyfriend pa si Avi dahil masyado pa silang bata at wala pa sila sa tamang edad. Protective lang ako sa kapatid ko at ayaw ko siyang masaktan at umiyak gawa ng pag ibig na 'yan. "Busy mga teachers ngayon bro, lahat sila ay may meeting kasama ang Principal" sambit niya at sakto naman na biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Ethan na may kasamang dalawang cheerdancer, hindi na bago. "Bro! Naka jackpot ka?!" Manghang pagkasabi ni Ian, hindi pa ba siya nagsasawa samantalang lagi namang may dinadalang babae rito si Ethan haha. "Wala kang pake bro!" Natatawang sabi ni Ethan at binato ng plastic na bote si Ian, 'yong may lamang pang tubig. Hindi ko nalang sila pinansin at humiga na lamang ako sa upuan sabay patong ko ng braso ko sa mga mata ko. Napagpasyahan kong umidlip muna dahil sobrang aga kong nagising kanina kaya ngayon nalang ako babawi ng tulog. Pero 'yong akala kong makakatulog na ko ay nagkamali ako dahil rinig na rinig ko ang pagsigaw ni Ian dahil sa nilalaro niya kasabay na rin ang malalanding boses ni Ethan kasama 'yong dalawa niyang babae, tangina. Umalis ako mula sa pagkakahiga at umupo na lamang para makuha ang atensyon nila. "Naistorbo ka ba namin, bro?" Tanong ni Ethan sa akin habang hinahalikan siya no'ng babae sa may dibdib. "Shut up!" Cold kong pagkakasabi sa kanya at itinuon ang pansin do'n sa dalawang babae na nakakuha ng atensyon ko dahil sa sinabi ko. "Kayong dalawa, lumabas na nga kayo!" Reklamo ko at parang nakaramdam naman sila ng takot dahi dali dali silang tumakbo papalabas. "Putang ina ang bobo mo lintek!" Mura ni Ian dahil sa nilalaro niya. "Bakit mo sila pinaalis bro? Sarap sarap ng ginagawa namin eh tch" pagrereklamo niya at kinamot ang batok. "Bro! Bar tayo" anyaya ni Gian na kararating lang, team mate siya ni Ethan sa varsity at pareho silang basketball player haha obvious naman siguro. "Sige bro!" Sabay na sabi no'ng dalawang ugok at napatingin sila sakin na para bang hinihintay nila ang sagot ko. Tumango nalang ako bilang kasagutan dahil ayaw kong magaksaya pa ng laway para sa kanila at tsaka isa pa, hindi naman ako busy eh kaya pumayag ako nang sa gayon ay malibang ko rin ang sarili ko kahit paano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD