Vannessa Sanchez 's Point Of View:
Good morning Philippines and good morning world! Good morning din lalong lalo na sa baby Yuan ko! Sobrang saya ng umaga ko ngayon dahil nagexam ako sa Love Test kagabi, pangalan ko at pangalan ni Yuan at alam niyo ba yung lumabas?
99. 9%
Oh ‘di ba? Kabog ‘yong germs sa safeguard haha, ‘yan ‘yong chance na magkakatuluyan kami ni Yuan. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at dumiretso sa C.R. para magmumog.
Nang matapos ko nang gawin ang morning routine ko, kinuha ko ‘yonh phone ko at nagscroll sa f*******: up and down. May gala kami ng bestfriend ko mamaya, pupunta raw kami sa Enchanted Kingdom after lunch haha excited na ko yehey.
Scroll lang ako ng scroll sa newsfeed ko nang biglang may mahagip ang dalawang magandang mata ko.
"O. M. G. OMG!" sabi ko sa kawalan at napahawak sa bibig ko.
Totoo ba 'to?! May country tour ang Alas at magcoconcert sila sa malapit dito sa amin?! Pinindot ko ‘yong article para makasiguro kung totoo ba yun o false alarm lang pero hindi, totoo nga talag OMG!
"Kyaahh!!"
Nagtatalon ako sa kama ko dahil sa sobra sobrang saya na nararamdaman ko, magcoconcert ang baby ko next year sa Mall Of Asia Arena haha yehey! Kaya ngayonay dapat simulan ko nang magipon, pero teka lang ‘di ba aalis kami ni Jam ngayon? Edi mapapagastos ako huhu.
Tch. Isip Isip Isip... "Aha!" Magkukunwari akong may sakit ngayon para hindi kami matuloy, naku! Kelangan ko talagang magipon ng pera para kay baby Yuan, sosrry best friend.
"Huhuhu! Sorry talaga Jam!! Babawi nalang ako next time" sabi ko sa sarili ko at dumapa sa aking kama na queen size.
Binuksan ko ‘yong messenger ko at pinindot ang pangalan ni Jam na nangunguna sa listahan pero offline siya ngayon hmp. Bahala na nga, Imemessage ko pa rin siya para makita nalang niya ang chats ko pagka bukas niya ng messenger.
(Convo)
Ako: Jammy!
Ako: Sorry huhu
Ako: Alabyu
Ako: Babawi nalang ako next time
Ako: May sakit kasi ako huhu sakit ulo ko grabe
Ako: Sorry talaga hehe
Ako: Love you
Ako: Hindi ako makakasama
Ako: Huwag ka nang magalit ha?
Ako: Mwahh!
(End of Convo)
Tinadtad ko siya ng message, pinatong ko muna ‘yong cellphone ko sa lamesa at sinimulan nang imisin ‘yong hinigaan ko pero sempre hindi magiging happy si universe kung walang tugtog ‘di ba? Kinuha ko ulit ‘yong phone ko at nagpatugtog.
(Music Playing: Kinang by Alas)
Kapag talaga may tugtog akong napapakinggan, mas lalo akong ginaganahan sa lahat ng ginagawa ko haha! Marinig ko lang ang boses nila Simon, buo na agad ang araw ko.
Jean Avril Mendoza's Point of View:
Nagising ako dahil sa sunod sunod na notification ng messenger ko, kabadtrip grabe sino ba ‘yon?! Napailing na lamang ako at agad kinuha ‘yong phone ko para makita kung sino ang nagchat, si Vanny lang pala ang nagtadatd sa akin ng chats.
Pinindot ko ang chat heads niya at binasa ko ang kaniyang mga sinabi sa akin, so hindi kami tuloy ngayon? Hayaan ko na nga haha okay lang ‘yon dahil may next time pa naman pati nakakatamad din kumilos ngayon kaya ayos lang kahit hindi natuloy haha.
Nag-inat inat muna ako ng aking katawan bago replyan ang kaniyang madaming chats.
(Chat)
Ako: Oki
(End of Chat)
Tinatamad pa akong bumangon sa pagkakahiga kaya naisipan ko munang makichismis sa f*******:, nagscroll lang ako ng nag scroll hanggang sa mapansin ko ‘yong pangalan ni Vanny na nagreact sa isang post ng heart tapos do’n sa post ay merong picture ng Alas sa baba.
“Ahh so may concert sila rito next year? Teka … aha, alam ko na!” tugon ko sa aking sarili at umukit sa aking labi ang isang ngiting nakakaloko.
Wala talagang sakit si Vanny, gusto lang niya sigurong mag ipon para sa concert hahaha. Ngayon alam ko na ‘yong totoo pero ayos lang sa akin, wala naming masama and support lang naman ako sa gusto niya dahil kung ako ang nasa gano’ng sitwasyon ay gano’n din ang gagawin ko hehe.
Minessage ko si Vanny habang tumatawa tawa pa ng mahina.
(Chat)
Ako: Vanny!
Ako: Alam ko na ‘yng totoo
Ako: Wag ka nang magkunwaring may sakit d’yan hahahahahahha
(End of Chat)
--
Lumabas na ako ng kwarto at bigla kong naamoy ‘yong aroma ng niluluto ni Mama, amoy sinigang na buto buto haha favourite ko! Dali dali akong nanakbo pababa sa kusina at niyakap si Mama na nakatalikod sa akin sabay kiss sa kaniyang pisngi.
"Ma! Anong ulam?" Tanong ko kay Mama para makasiguro lang sa kaniyang niluluto, baka kasi magkapareho lang ng amoy ‘di ba? Masakit kayang umasa! Joke haha.
"Sinigang na buto buto anak" Sagot niya sa katanungan ko na dahilan ng aking pagngiti.
Umupo na ako sa couch at nagdudutdot ulit sa cellphone ko, nasa kalagitnaan ako ng paglalaro ng Temple Run nang biglang may nagmessage sakin na dahilan ng pagkatalo ko. Kunot noo kong tinignan kung sino ‘yon at si best friend lang pala.
(Chat)
Vanny: Hehehe
Vanny: Need ko kasing makita mga baby ko haha
Vanny: Labyu!
(End of Chat)
Napangiti na lamang ako dahil sa kaniyang sinabi at napailing ng bahagya, sineen ko nalang iyon at nagpatuloy sa aking nilalaro. Nakakainis naman ‘tong malaking unggoy na ‘yo habol ng habol parang timang, nakakainis ha ayan pabilis na ng pabilis ‘yong takbo grabe matatalo na ako!
"Kain na tayo anak, mamaya ka na maglaro" Sabi ni Mama sa akin kaya dumiretso na ako sa dining table, pagtingin ko naman sa hapag kainan ay naroon ang mga pagkain at nakahanda na.
Wala ngayon si Kuya dahil pumasok siya sa trabaho kung kaya naman ay pangdalawang tao lamang ang nakanda sa lamesa at sakto ang kanin at ulam na sinandok ni mama para sa aming dalawa.
"Ma, hindi kami tuloy sa EK" sabi ko sa kaniya habang kumakain, sarap talaga ng luto ni Mama.
"Talaga? Edi akin na ulit ‘yong pera haha" nagbibiro niyang ani sa akin habang nakangiti.
"Ma! Bigay mo na ‘yon eh!" Reklamo ko at ngumuso, uminom ako ng tubig at sumubo ulit ng pagkain.
Nang matapos kaming kumain dalawa ni Mama ay nagpaalam siya sa akin na aalis daw siya, inalok pa nga niya akong sumama eh pero tumanggi ako. Tinatamad kasi akong lumabas at dahil sa isa akong mabait na bata, ako ngayon ang maghuhugas ng pinagkainan namin.
Haha joke lang! Napagutusan lang ako. Nagreklamo pa nga ako eh kasi sobrang daming hugasin as in kaso sabi ni Mama kapag daw hindi ako naghugas, babawiin niya raw ‘yong pera sa akin eh ayon nanghinayang ako kasi ang laki ng binigay niya kaya eto naghuhugas ako ngayon, mabait ako eh blep.
Ilang minuto pa ang lumipas nang matapos na ako sa ginawa kong paghuhugas ng plato, bumalik na ako sa salas at kinuha ‘yong gitarang nakadisplay sa gilid ng upuan. Marunong akong tumugtog nito gawa ni Kuya Joax, una kong natutunanna kanta ay ‘yong chords ng 'Ang Huling El Bimbo' hanggang sa lumago ng lumago ng lumago.
Marunong din akong tumugtog ng violin at piano pero hindi ako masyadong magaling, minsan nagkakamali pa ako ng pagpindot ng keys sa piano dahil sobrang bilis pero willing naman akong matuto. Kumakanta rin ako at sumasayaw pero kung ipagkukumpara mo ‘yong dalawa, mas gusto ko ang musika kaysa pagsayaw.
Hindi ko alam kung bakit pero mas masaya ako kapag kumakanta, ipinuwesto ko na ‘yong gitara at sinumulan nang magstrum. Naisipan kong tugtugin ngayon ang 'Fast Car' by Tracy Chapman.