59

1687 Words
Jean Avril Mendoza’s Point of View: “Jean,” Napalingon na lamang bigla ako dahil sa biglang pagtawag sa akin ni Jackson. Narito pa rin kasi kami sa arcade pero pauwi na rin naman kami. Kinukuha ko na lang ‘yong school I.D. ko para makauwi na kami. Nga pala, si Bakulaw ang maghahatid sa ‘kin pauwi dahil hindi pumayag si Bryan na si Ian ang maghahatid sa kapatid niya pauwi sa kanila. Hay, overprotective talaga ang isang ‘yon. “Bakit?” Tanong ko sa kaniya pagkakuhang pagkakuha ko no’ng school I.D. ko dito sa babaeng staff ng Quantum. “Sumabay ka na sa akin pauwi. Gabi na rin naman, baka wala ka pang masakyan” He said without looking in to my eyes. Teka nga, nahihiya ba siya? Haha ang cute naman niya. “Sure ka ba? Huwag na hahaha kaya ko namang umuwi mag-isa at tsaka ano ka ba, eight pa lang naman ng gabi oh? Kita ko pa naman ang kalsada kaya hindi mo na ako need ihatid. Bakulaw ka talaga! Pero salamat sa offer mo hehe” Ani ko at tumawa pa sa kaniya ng mahina. Binuksan ko naman na ‘yong bag ko para kunin ‘yong wallet ko at ipasok do’n ang school I.D. ko. Pagkatapos no’n ay ibinaling ko na lang muli ang tingin ko kay Jackson na ngayon ay nakatitig sa akin ngunit isinuot na rin bigla ang kaniyang sunglasses kinalaunan. Wow ha? Gabi na pero palaging ang taas ng araw kapag ito ang kasama ko. “Do what I’ve just said, f**k” Narinig kong sambit nito at pakiramdam ko ay medyo naiinis na siya sa lagay na ito. Ha? Bakit naman siya maiinis sa akin? Eh wala naman akong ginagawa sa kaniya na kahit na ano. Kunot noo na lanang akong napatingin sa kaniya at inirapan siya ng bahagya. Ano siya batas? Feeling niya ha! Pogi ang isang ‘to pero nakadepende pa lagi sa kaniyang mood kung paano niya ako itatrato. Minsan ang bait niya sa akin pero minsan palaging ganiyan, palaging galit. Hindi ko rin alam kung bakit naging crush ko ang isang ‘to eh parang bipolar naman siya minsan. Hay, maling mali talaga ako na nafall ako sa looks at hindi sa ugali. Kung madali kang sana tanggalin ang nararamdaman sa isang tao eh ‘di sana matagal na akong walang pakielam sa mokong na ito. Kaso hindi eh, ang galing niya mag alaga haha nakaka fall siya ng sobra. “Galit ka ba sa ‘kin Bakulaw? Sorry” Sambit ko na lamang at napatungo ng kaunti habang sinusundan pa rin siya maglakad papalabas ng arcade. “No, hindi ako galit” Matipid na sagot nito at pinagpatuloy na muli ang paglalakad niya papaalis. Napanguso na lamang ako at nagpakawala ng malakas na hininga habang naglalakad papalabas ng arcade. Malapit naman na kami sa entrance / exit ng pinto kung kaya naman ay hindi na kami inabot ng isang minuto para makalabas sa pinanggalingan namin. Bye Quantum, mamimiss kita huhu. Nakalabas na kami sa loob at napansin ko namang sobrang layo na ng distansya ni Jackson sa akin kaya wala akong nagawa kung ‘di ang maglakad din ng mabilis para makahabol at maabutan siya. Palibhasa kasi ang haba ng bisig ng isang ‘to samantalang ang akin ang maiksi lamang, ang laki niya tuloy humakbang samantalang ako kalahati pa lang ng isang hakbang niya huhu ang hirap talaga pag pinagsakluban ng langit at lupa ang height. “Sabi mo sumabay ako sa ‘yo pero bakit ayaw mo akong hintayin?” Tanong ko sa kaniya habang sinasabayan ang kaniyang paglalakad pero tinignan niya lang ako bahagya at mas binilisan pang lalo ang kaniyang paglalakad. Nakaka inis na siya, nagmumukha na akong tanga kakahabol sa isang ‘to. Ni hindi ko maintindihan o malaman kung susunod pa ba ako sa kaniya o hindi na haha, nakakaiyak na siya sa inis sa totoo lang. Hindi lang ako makapag salita dahil madami akong utang na loob sa kaniya tapos ngayon ay ihahatid niya pa raw ako pauwi sa amin dahil gabi na. Ayoko naman siyang tarayan kung gano’n pero parang hindi naman tama ang ginagawa niya sa ‘kin. Hindi ko talaga alam kung susundan ko pa ba siya patungo ng parking o kaya lilihis na ako ng daan since magkaiba naman ng direksyon ang daan tungo sa parking at lugar ng pagco commutean ng sasakyan. “Kung ayaw mo akong pansinin, okay lang. Ingat na lang pag uwi, Jackson haha mauuna na ako” Paalam ko na lang sa kaniya at nagsimula ng umiba ng direksyon. Lakad lang ako ng lakad habang inaasahan ko na tatawagin niya ako at hihigitin para sa kaniya na sumabay pauwi pero hindi pala, mali pala na mag expect ako sa mga bagay bagay. Napaluha na lamang ako dahil nasaktan ako ng sobra. Sinubukan kong lumingon sa may likuran ko para sana makita kung sinusundan niya ako or hindi pero wala na siya sa pwesto niya kanina dahil kita ko siyang naglalakad patungonsa sasakyan niya mula sa clear glass na pintuan dito. Napangiti na lanang ako ng mapait at napapunas ng aking mga patulong luha galing sa mata. Okay lang ‘yon Jean, hindi naman kayo no’ng bakulaw na ‘yon eh. Ano pa ba ang aasahan mo sa kaniya ‘di ba? Baka nga ginagamit niya lang ako eh para sa ikasasaya at ikabubuti ng pakiramdam niya. Baka sadyang nagkataon lamang na sa akin siya nagpapakita ng gano’n dahil kailangan niya ‘yong mga reasons ng mga ginagawa ko. Narealize ko rin na unti unti na pala akong nawawalan ng oras kela Jonas gawa niya. Masyado na kasi akong nagfofocus kay Jackson at palagi ko ring sinasabi sa sarili ko na ‘Huy, baka gusto ka no’ng bakulaw na ‘yon dahil ang bait bait niya sa ‘yo at lagi ka pa niyang tinutulungan kapag nahihirapan ka’ pero hindi pala. Mali pala na isipin ko na gusto niya ako kase ako lang din naman ang gumagawa ng dahilan para saktan ko ang sarili ko. “Ang gaga mo talaga, Jam! Assumera kang masyado, nakakairita na ‘yang ugali mo!” Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad pa rin palabas ng mall. Padabog at kunot noo akong naglalakad palabas ng lugar na ito pero bigla na lanang naibsan ang inis ko ng bigla akong nakakita ng isang malaking poster ni Jonas. Oh my God! Bibilhin ko ang isang ‘to! Wahh! Kinikilig ako! Okay, masaya na ako ulit. f**k you ka Jackson, hindi muna kita crush ngayon okay? Pangit ng shades mo huhu mukhang salamin ng mga bulag. Inayos ko na ang aking sarili at dali daling nanakbo papunta ro’n sa Merch Store na ‘yon. Woah, ang gwapo talaga ni Jonas my loves! Saan ka ba pinaglihi ng mga magulang mo ha? Ang yummy ng six pack abs mo huhu isama mo pa ang jawline mo na sobrang tulis at ilong mong sobrang tangos. Naniniwala na tuloy ako sa first love gawa mo, chos! Ng makapasok ako sa loob ay kaagad kong binitbit ang poster niya. Wala itong price kaya medyo nagaalinlangan pa ako kung bibilhin ko ba ito or hindi kasi baka mashort ako sa pera. Hindi kasi ako nagdadala masyado ng malaking pera dahil dati madalas akong nawawalan at nanakawan. Isang libo na lang ang natitira sa wallet ko tapos ang pamasahe pauwi sa amin ay kalimitang inaabot ng dalawang daan dahil madalas ay taxi ang gamit ko. “Miss, bibilhin mo ba ang poster ni Jonas? Kasi kung hindi ay ako na lang ang bibili. Last stock na raw kasi ‘yan eh huhu” Sambit sa akin no’ng babaeng naka trintas ang buhok na kinulbit ako bigla sa balikat. Ha? Last stock na raw? Aba hindi ako papayag na hindi ko mabili ang isang ‘to. Okay lang sa akin kahit maglakad ako pauwi basta mabili ko lang ang merch na ito ni Jobas huhuhu ang gwapo gwapo pa naman niya sa angle na ito at kung nakakabuntis lang ang larawan ay sigurado akong meron na akong dinadalang triplets. “Ay oo hehe bibilhin ko ‘to. Sorry nauna ako, actually babayaran ko na nga sa counter eh. Hanap ka na lang ng ibang poster d’yan, marami pa naman hehe pili ka pa” Ani ko na lang at umiwas na ng tingin dahil nakita ko siyang nanlilisik na ang mata sa akin. Binilisan ko na ang paglalakad ko patungo ro’n sa counter para mabayaran na ang poster ni Jonas na binili ko. Ang creepy naman niya tumingin sa akin jusko, parang kaya akong kainin ng buhay. “Next po” Rinig kong ani no’ng babaeng cashier kaya lumapit na ako sa kaniya para iabot ‘tong bibilhin ko. Nakita ko siyang pinunch na sa system ‘yong bar code at nagulat na lamang ako sa nakita ko dahil automatic na nagflash sa harapan ko kung magkano ang halaga ng binili ko. Shuta, siyam na daan at siyam na piso? Napalunok na lamang ako ng laway at nanginginig na dumukot ng pera sa wallet ko. Shocks, paano ako makakauwi nito? Huhu kawawa naman ako, hindi ako makaisip ng paraan para makauwi sa bahay. Wala akong nagawa kung ‘di ang iabot sa babae ‘yong bayad ko para maiuwi ko na sa amin ang poster ni Jonas my loves. Inayos niya na ‘yong payment at sinuklian niya ako ng piso. Hala, nahiya pa siya mag sukli ha? Kunin mo na lang ‘yan sa akin ate huhu wag ka na magtira ano ka ba? “Thank you, Ma’am” Sambit niya at inabot na sa akin ‘yong binili ko. Tumango ako sa kaniya bilang pasasalamat at lumabas na no’ng store. Okay masaya na ako ulit kaya time na para umuwi kaso ang problema na lang ay ang wala akong pera at piso na lang ang natitira sa akin. Hay nako Jam! Ang ganda ganda mo nga pero ang boba mo rin minsan huhu. Magpapasundo na lang ako kay kuya, sana nasa bahay na siya ng ganitong oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD