40

1787 Words
Jean Avril Mendoza 's Point Of View. "Bestfriend, May napapansin ka ba kela Avi at Julian?" Tanong sa akin ni Vanny sa kalagitnaan ng aming almusal. Dahil sa sinabi niyang iyon, Pinagmasdan ko sila Avi. Magkahiwalay sila ngayon kaya naman nakapagtataka. Lumingon naman ako kay Vannessa at itinaas baba ang pareho kong kilay. "Anyare sa dalawa? LQ?" "Hihi. Bestfriend! Walang sila diba? Tanong nalang natin kay Avi hehe" wika niya at muling sumubo Ng sinangag at bacon. "Hon, Taste this" Narinig kong tugon ni Ethan kay Vanny at sinubuan ito ng tocino. Hon? Teka may hindi ba ako nalalaman dito? Hmm.. "Oi! Anong meron sa inyong dalawa ha? Bakit may call sign kayo?" Masungit na pagkakatanong ko sa kanila habang nakataas ang aking kanang kilay. "Ahh hehe.." hindi na itinuloy ni Vannessa ang kaniyang sasabihin nang bigla siyang unahan ni Ethan sa pagsasalita. "Kami na bago pa mag camping! Ninang Ka namin ha? Hehe" Ethan. Tiningnan ko naman si Vannessa Ng pasireng. "At kailan ka pa natutong pagsikretuhan ako ha?" Tanong ko sa kaniya sabay pout. "Hehe... Eto namang si bestfriend! Sorry na hihi! Pansinin mo naman yung sinabi Ng Honey ko hehe" kinikilig niyang ani. "Ano bang sinabi mo hah?" Tanong ko kay Ethan at uminom ng malamig na tubig bago ibinalik nang muli ang pansin sa kaniya. "Sabi ko Ninang ka" Wika niya at sumimangot. Psh napaka childish talaga kahit kelan tsk. "Ninang? Saan naman" kunot noo kong tanong sa kanila at namapak Ng bacon. Hmm! Sarap talaga hihi ^_^ "Sa baby namin haha" Muntik na akong masamid sa sinabi ni Ethan at muling humarap sa kanilang dalawa. "Baby? B-buntis ka Vanny?" Hindi ko makapaniwalang tanong pero sinamaan niya lamang ako ng tingin at inirapan. "At naniwala Ka naman sa biro niya? Naku Bestfriend! Kapag kinasal na kami tsaka kami gagawa Ng baby no? Bata bata pa namin eh haha" paliwanag niya na dahilan ng paghinga ko ng maluwag. Hays buti naman. Kala ko magiging batang ina to eh haha! Sabi nga nila diba.. Bago mo husgahan ang mga batang ina, kamustahin mo muna yung mga babaeng pumatay ng sariling anak nila para lang matawag na dalaga. Chos hehe! "Okay students! Nabusog ba kayo sa ating breakfast?" Biglang tanong ni Sir Barry sa amin kaya nilingon namin Siya. May mga patay gutom na sumagot na Hindi haha de juk at mayroon namang nakuntento na sa kanilang kinain. "Ganoon ba? Haha. So by the way, are the performers for this night are ready?" Barry. Ay shete! Oo nga pala kakanta pa kami ni Bakulaw mamaya buti nalang pinaalala ni Sir kundi baka mamaya mag mukha kaming timang dun tsk. Sinitsitan ko naman si Jackson na nasa harapan ko. As usual, wala nanaman siyang ekspresyon habang malalim ang kaniyang iniisip. "Psst!" "Baket?" Malamig niyang tugon at blanko pa din ang kaniyang ekspresyon habang nakatingin sa akin. Blanko ba talaga o sadyang hindi ko lang kayang basahin ang kaniyang ekspresyon? Hmm bahala na nga "Paano yung performance mamaya? May naisip ka na bang kantahin?" Tanong ko at unti unting inusod ang upuan ko nang mas magkarinigan kami. Hindi niya lamang ako sinagot at nagbuntong hininga. Hmm.. siguro wala pa siyang naiisip? "Wala pa no? Ahmm.. pano kaya kung Say you won't let go ni James? Hati nalang tayo dun. Alam mo ba yun?" Tanong ko at pinag interlock ang aking mga daliri Gaya ng kaniyang ginawa kanina, Hindi niya muli ako sinagot. Napa tango nalang ako at ibinilog ang aking paningin. Nakaka bwisit naman siyang kausapin, Parang sa hangin lang ako gumagawa Ng conversation tch. "Bestfriend, Anyare dun? Pipe?" Bulong sa akin ni Vanny habang nakatingin kay Jackson at tinuturo turo pa ito. Hmm mukhang napansin niya din ata siguro. "Huwag na nating pansinin. Baka wala lang sa wisyo si Bakulaw haha" huling sinabi ko at muling tiningnan si Jackson. Pogi nga. Masama lang ugali pwe! -- "Avi... Ano bang nangyari sayo?" Tanong ni Vanny sa kaniya habang nakalublob ang aming paa sa bughaw na tubig dito sa beach resort. Free time ngayon at pinayagan kami ni Sir Barry na mag swimming dahil uuwi na kami bukas. I enjoy na daw namin ang last minute Kaya ayun, Lahat kami nagsasaya ngayon sa resort. May ilang naka two piece .. pero mga hipon naman haha. Meron ding mga lalaking naka topless, Hindi mapagkakaila na ang iba sa kanila ay may abs samantalang ang iba naman ay nagsisipaglakihang... TABS. Naka shorts at t shirt ako. Hindi ko kasi Keri mag suot ng two piece eh hehe. Wala naman kasi akong ipagmamalaki. Flat na nga, bloated pa yung tyan :< Hindi tulad nila Vanny at Avi na sexy talaga. "Ha? Wala wala may iniisip lang ako" matagal bago naka sagot si Avi Kay Vanny. Mukhang may problema nga talaga tong isang to "Sabihin mo na. We are friends naman right?" Wika ko. Hanubayan! Pati ako napapa English na din haha "Haha. I'm just thinking... Ano ang nauna, Manok o itlog hmmm" banggit niya. Pati ako napaisip, ano nga ba? "Itlog yan!" opinion ni Vannessa habang siguradong sigurado sa kaniyang sagot. "Hmm... Sa tingin ko manok. Hindi ba?" Ani ko at napa hawak sa aking baba at nagisip kung paano nauna ang manok sa itlog. "Eh ikaw? Ano sa tingin mo?" Vanny to Avi. "I don't know ha! Kaya nga I'm asking eh tsk" mataray niyang tugon at tumalon na sa tubig na dahilan ng pagkabasa namin. "Aaahhhh!" "HAHAHAHAHAHAH! Sorry girls" natatawa niyang pagkasabi at nag peace sign ba bago sinimulan nang lumangoy. Nagkatinginan naman kami ni Vanny at sabay kaming tumalon din sa tubig. Balak naming habulin si Avi kaya binilisan namin ang pag langoy Tumigil kami sa pag langoy. Nasa 5 ft kaming puwesto kaya naman medyo abot ko pa ang sahig ng pool kahit papaano. "Bestfriend! Pinulikat ako wait ansakit" pagdaing ni Vannessa at itinaas ang kaliwa niyang paa. Napatawa na lamang ako dahil sa nangyari sa kaniya. "Buti nga! Bleh" panunusot ko at muli siyang dinilaan. Sinamaan niya lamang ako ng tingin at muling nag pout. "Hmp! Bibe" tugon ko at hinila ang kaniyang nguso. "Bestfriend naman eh! Huhuhuhuhu" pagiinarte niya. Tsk lunudin ko Siya eh haha. "Hon!" Napalingon naman ako sa nagsalitang iyon. Si Ethan lang pala at tinatawag si Vannessa. "Andan na baby mo" Mapanuksong ani ko Kay Vannessa na dahilan ng pagka pula niya. "Naman eh!" Pabebeng tugon niya sa akin at humarap kay Ethan. "Ahh! Ang sakit hon pinupulikat ako ahh!" Pagdaing niya habang hinihilot ang kaniyang paa. Umukit naman ang pag aalala sa mukha ni Ethan at dali dali itong tumalon sa pool upang puntahan si Vannessa. Tsk love birds. "Saan dan ang masakit?" Nagaalalang tanong nito habang tinutusok tusok ang paa ni Vanny. "Dito oh.." Napailing na lamang ako at lumangoy papalayo sa kanila. Psh mga PDA! Lunudin ko silang pareho eh che "JAMMY!" Rinig kong pagkakasigaw ni Avigail sa pangalan ko. Nilingon ko kung saan Ito nanggaling. Nang makita ko Siya ay agad ko siyang nilapitan. Nasa 7 ft area siya at nagf floating." Tae yan! Hindi ko abot yun tsk" "Lumapit Ka dito!" Sigaw ko pabalik sa kaniya at unti unting lumapit. Hanggang 6ft lang ang Kaya ko, Mahirap na diba? Baka malunod ako hehe. "WAIT LANG!" Avi. Sinimulan na niyang mag dive patungo sa akin. Nang makarating ito ay ngumiti siya ng malawak ngunit may halong.... Lungkot? "Ano bang nangyayari sayo ha? Tsk" naiinis kong tanong habang winawasiwas pa din ang tubig. "Wala! Haha" "Anong wala? Aish! Sabihin mo na kase" wika ko sa kaniya at lumangoy patungo sa hagdanan. Tinawag ko naman siya at sinabing dito kami mag usap upang mas lalo kaming magkaintindihan. Agad naman siyang lumapit at umupo sa tabi ko. "Ano na?" Pagsisimula ko at pinagsisisipa ang tubig. Nagtalsikan naman ito at tumalsik ang ilan sa Mata ko. "Eh kasi..... Ayokong sabihin mas lalo akong naiiyak" ani niya habang halata ang pag pigil Ng kaniyang luha. Kunot noo ko naman siyang tiningnan at ipinatong ang aking magkabilang kamay sa aking inuupuan. "Aish! Hindi naman yan mahahalata. Nasa pool tayo Noh? Edi basain mo mukha mo habang naiyak Ka" sambit ko at inisteady na ang aking mga paa. "Eh kasi naman... Si Ian" kaunting sinabi niya at nagsimula nang tumulo ang kaniyang mga luha. Bigla naman siyang bumaba sa pool at nilublob ang kaniyang mukha. "Oh ano namang meron sa kaniya?" Tanong ko at itinaas ang aking buhok. "Feeling ko may girlfriend na Siya.." Avi. "Girlfriend? Eh paano mo naman nasabi yun ha? Parang ikaw pa nga ang girlfriend niya eh. Ang sweet sweet nyo Kaya sa isa't isa no?" "Yun na nga eh! Sweet Kami sa isa't isa pero parang role play lang naman.." muling lumungkot ang kaniyang itsura at tumungo. "Narinig ko kasi Siya" "Oh anong narinig mo?" "May sinasabihan siyang 'Baby' , 'I miss you' pati na rin 'I love you' sa kaniyang cellphone. Basta habang nakikipag usap siya para bang sobrang saya niya at sobrang in love" Avigail Lee 's Point Of View. "Huh? Baka naman literal na baby, Hindi call sign! Ang OA mo naman" Jammy said and slammed her hands into the water. "Nope. Hindi mo kasi ako naiintindihan eh.." I said and Sinimulan nang ikwento sa kaniya ang buong pangyayari. Flashback: 'A <3 J' pagkakasulat ko sa buhangin gamit ang isang bato. I smiled at it for a moment and started to take a picture of it. A stands for the initial of my name Avigail while the J means Julian. The heart in the middle shows my affection for him. "I love you Ian! Hihi" kinikilig kong tugon sa kawalan at niyakap yakap ang aking cellphone Kung saan si Julian ang wallpaper. Ilang sandali pa ay muli kong ibinalik ang aking pansin sa aking isinulat sa buhangin. Dinampot kong muli ang batong aking ginamit na pang ukit kanina at muling sinimulang mag sulat Ng Kung ano ano ' I <3 U ' ' JDA is <3 ' ' I <3 U J ' Asdfghjkl. At Kung ano ano pa hanggang sa inabot na ako ng dilim. Nakaramdam na din naman ako ng antok Kaya napagdesisyunan ko nang bumalik sa aming kwarto. I was walking until I saw Julian. Naglalakad siya ng naglalakad hanggang sa tumigil siya sa isang sulok. "Para siyang may tinataguan ah?" Bulong ko sa aking sarili. Naisipan ko namang tawagin Siya pero parang hindi naman ata niya narinig. Well, Syempre ang layo ko kaya sa kaniya no? Hihi. Unti unti naman akong lumapit hanggang sa narinig kong nag ring ang kaniyang cellphone. Nagtago muna ako sa isang malaking bato. I'm not a chismosa pero curious lamang ako kaya ayun nakinig ako. Pero ang Hindi ko inaasahan eh ang mga sunod niyang sinabi sa kaniyang kausap...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD