Jean Avril Mendoza 's Point Of View.
"Hoy! Huwag Ka ngang masyadong lumapit sa akin! Tch" Bulyaw ko kay Bakulaw habang kumakagat siya Ng mansanas.
Kung minamalas nga naman eh no? Sa dinami dami ng lalaking pwede kong maging partner sa laro eh itong impaktong pa to pa talaga tch.
"Bakit? Kinikilig Ka?" Mahangin niyang pagkakasabi at umukit ng isang ngisi ang kaniyang labi.
Inirapan ko nalang siya at kumagat din ng mansanas. "Baket ihi ka ba para kiligin ako sayo? Mukha Kang Tae bwisit" ani ko at nilunok yung nginuya ko.
"Ang gwapo ko namang Tae tsk" Abat napaka yabang talaga niya eh no!?
Hindi ko nalamang siya pinansin at muling kumagat sa mansanas pero hindi ko inaasahan ang pagkagat niya din sa kabilang pwesto.
... Dug dug
Dug dug...
Dug dug...
Napatitig lamang ako sa mapupungay niyang Mata... sobra itong nakakapang Akit dahil sa taglay nitong kaitiman.
Hindi ko alam ngunit hanggang ngayon ay nakatitig pa din ako sa kaniyang mata na para bang na glue ang pagtingin ko dito.
Leche? Ano na ba 'tong nararamdaman ko ha? Parang ang... Bilis naman yata? Aish! Ano bang sinasabi mo Jam hah? At tsaka Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? May sakit na ba ako?!
WAAAAA!!
"Huwag kang tumitig ng ganiyan. Baka matunaw ako tsk" Malamig na may pagkamayabang niyang pagkakasabi.
Wut? Napailing na lamang ako at biglang nabalik sa realidad. Nagbuntong hininga ako at saktong naramdaman ko naman ang biglaang pag init ng aking pisnge.
Am I blushing?...
"Mukhang may nanalo na ah! Ms. Mendoza and Mr. Black! Eating Contest Ito at hindi... Staring Contest"
Sabay naman kaming napalingon ni Bakulaw sa nagsalitang iyon.. si sir Barry. Napailing na lamang ako at muling binalik ang pansin sa mapulang mansanas na nasa gitna namin ni Jackson.
Napatingin ako sa kaniya na ngayon at nakatingin naman sa akin... Nakatingin sa akin? WAAAAA! Bwisit Ka bwisit.
"B-busog na ako. I-kaw nalang a-ang umubos nan" Naiilang kong ani sa kaniya at tumingin sa mga buhangin na aming tinutungtungan.
"By partner 'to tsk" Tanging nasabi na lamang niya kaya no choice ako kundi ang muling kagatin...... ANG MANSANAS.
--
"Nice One Bestfriend" Mapanuksong wika sa akin ni Vannessa habang papabalik kami sa loob ng kwarto.
Tiningnan ko lamang siya ng masama at ipinasok ang aking magkabilang kamay sa bulsa ng suot kong orange hoodie jacket.
"Psh. Sige lang! Akala mo ba hindi ko nakita ang nangyari sa inyo ni Ethan kanina habang naglalaro tayo? Hmm" Nginisian ko siya pagkatapos sabihin ang mga iyon.
Kita ko ang pagka pula ng kaniyang mukha na ikinatawa ko ng mahina. Haha
"Oh no Bestfriend! Secret lang natin yun hah? Huwag mong sasabihin Kay Avi please!" Pagmamakaawa niya at niyugyog yugyog pa ako.
Dinilaan ko na lamang siya at nanakbo na patungo sa aming kwarto. Ramdam ko naman ang paghabol sa akin ni Vanny kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagkilos. Haha!
"Bestfriend! Huweyt lang!"
Hindi ko siya pinakinggan at patuloy pa din sa pagtakbo hanggang sa makarating na ako sa tapat pintuan.
Kumatok muna ako dito bago pumasok. Hindi lang naman kasi kami ang may karapatan dito sa loob eh, Pati yung mga kagrupo ko andito din...
Wait... Oo nga pala! Andwaeeee!! Dahil don, Bigla nalamang pumasok si Bakulaw sa utak ko. Leche! Kagrupo ko siya diba so ibig sabihin nun....
... "AAAAAHHHHHHHH!" pagkakasigaw ko at dali daling tinakluban ang aking mga Mata gamit ang aking kamay at tumalikod na.
Oh... My... Gulay! My virgin eyes! Huhuhuhuhu!!! Sorry Suho-ssi WAAAAA!!
"Tsk" narinig kong pagpalatak ni Jackson mula sa aking likuran. Naka top less siya ngayon na dahilan ng pagkatiwang wang ng kaniyang anim na nagsisipaglakihang pandesal.
WAAAAA! Ang manyak mo Jam!! Ano bang pinagsasasabi mo ha?? Kanina ka pa huhuhuhuhu! Masyado mo nang pinupuri yang Bakulaw na iyan!! Waa
"N-naka bihis Ka na ba?" Naiilang kong pagkakatanong sa kaniya at sunod sunod na lumunok ng laway.
"Pwede ka nang humarap... Ube Jam" Mapanuksong banggit niya at naramdaman ko ang pagkangisi niya. Psh biwist
Dali dali naman akong humarap sa kaniya. Panatag na ang loob ko dahil sa sinabi niyang pwede na akong humarap.
Nakatungo akong humarap sa kaniya at unti unting inangat ang paningin ko pero.... "SABI MO NAKABIHIS KA NA?!"
Bumungad nanaman sa akin ang kaniyang 6 pack abs na sa tingin ko ay matitigas.
"HAHAHAHAHAHAH! Your face it's so f*****g epic! What the f**k?! AHAHAHHAHAHAHA" at nagawa pa niyang tumawa huh?
Nangagalaiti akong humarap sa kaniya at hindi nagdalawang isip na sipain ang kaniyang 'ano'.
Narinig ko naman ang malakas niyang pagdaing at kaagad hinawakan ang kaniyang pinagkaiingat ingatang alagang Ahas.
"WHAT THE f**k?! ARE YOU OUT OF YOUR f*****g MIND?!" Galit niyang sigaw at pinagdilatan pa ako ng Mata.
Nginisian ko lamang siya at tinaasan ng kilay. "Serves you right bleh!" Huling sinabi ko at dinilaan Siya.
Hindi na ako pumasok ng kwarto dahil sadyang hindi ko masikmura ang lalaking iyon. Padiretso sana ako sa karagatan upang magpahangin ng mahagip ng aking mga mata si Avi...
Na umiiyak.
Dali dali akong tumakbo patungo sa kaniya at niyakap siya upang pagaanin ang kaniyang loob.
Yumapus naman siya sa akin pabalik at sa aking balikat humagulgol. Ramdam ko naman ang pagkabasa ng aking balikat tch ano bang problema niya?
"Ano bang nangyari sa yo ha? At tsaka bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kaniya habang patuloy na hinihimas ang kaniyang likuran.
Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin at dali daling pinunasan ang kaniyang luhang patuloy na umaagos.
"W-wala to huhuhuhuhu" Mangiyak ngiyak niyang pagkakasabi. Rinig na rinig ko pa din ang kaniyang mga hikbi Kaya naman napagdesisyunan kong abutan siya ng tubig.
Patayo na sana ako ng bigla niya akong pigilan sa pamamagitan Ng paghawak niya sa aking wrist. Tiningnan ko na lamang siya ng kunot noo.
"Huwag mo akong iwanan Jammy please?" She said between sobs. Nagbuntong hininga na lamang ako at tumango.
"Ikukuha lang kita ng tubig dun sa dagat para inumin mo" sarkastiko kong pagkakasabi sa kaniya. Sinamaan niya lamang ako ng tingin at nag pout.
"Eh kung lunurin kaya kita dun ha? Tch" eto naman! Mukha na ngang ewan nakuha pa talagang magtaray haha.
"Tsk. Ano ba kasing nangyari sayo ha? Mukha kang tae Dan eh" natatawa kong wika sa kaniya at muling umupo.
"Wala! May nakita lang akong hindi ko gusto" malungkot niyang pagkakasabi at niyakap ang kaniyang tuhod.
"Huh? Matagal Ka nanaman nakakakita ah! Hindi Ka naman bulag eh haha"
"Tsk. Ewan ko sayo!"
"Haha! So ano na nga yun? Sabihin mo naaaaaa!"
"Basta! It's private no? Hmp" Tanging sinabi na lamang niya at iniwan akong magisa.
Napailing na lamang ako at unting natawa. "Abnormal talaga haha". Bulong ko sa kawalan at pinagpatuloy ang naputol kong paglalakad kanina.
Dali dali naman akong dumiretso sa dagat. Ramdam ko ang pagyakap sa akin ng malamig na hangin pati na rin ang paghalik ng tubig sa aking mga paa.
"Jean..." Rinig kong pagtawag sa akin ng isang boses mula sa aking likuran.
Agadan ko itong nilingon at laking gulat ko nang makita ang mukha ni Bryan sa aking likuran. Bakit niya ako tinawag? Hmm.
"Bakit?" Naiilang kong tanong sa kaniya at ngumiti.
"May gusto akong sabihin sayo" nahihiya niyang wika at tumungo. Ramdam ko naman ang pagkunot ng aking noo habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"Haha ano yun?"
"Aish. Wala wala! Sige na una na ako" Paalam niya at naglakad na papalayo.
Huh? Weird niya ah. Napailing na lamang ako at muling ibinalik ang aking pansin sa malamig na tubig.
Unti unti akong lumapit dito hanggang sa umabot na Ito sa aking tuhod. Nakaka relax ha? Hehe.
Lalapit pa sana ako ng kaunti upang mas lalong maramdaman ang tubig ngunit biglang may yumakap sa akin mula sa likuran.
Dug dug...
Dug dug...
Dug dug...
"Huwag kang lilingon please" wika ng isang tinig. Si Bryan Ito kung hindi ako nagkakamali.
"O-kay"
"Thank you" bulong niya sa aking kaliwang tainga. Bigla nalamang akong nailang nang maalalang nakayakap pa din siya sa akin.
"P-pwede mo na ba akong bitawan? Hehe" Naiilang kong tugon.
"No. Just let me do this ... Please?" Wala akong ibang nagawa kundi ang hayaan siya. Bakit ba ang weird niyang kumilos ngayon ha?
"Okay haha"
"I have something to say... Ayokong sabihin sa iyo ito ng harapan dahil nawawalan ako ng lakas ng loob..
I'm deeply in love with you Jam. Since the first time I saw you. I don't know how and I also don't know why pero bigla na lamang akong nakaramdam Ng kakaiba like what the man feels when seing the woman they like...
I know I'm sounding weird and embarrassing right now pero wala akong pakialam. I like you Jam and I'm willing to give myself for you..."
Bigla niya akong hinarap sa kaniya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "If you let me to" dugtong niya sa huli niyang sinabi at tumitig sa aking mga mata
Ramdam ko naman ang biglaang bilis ng pagtibok ng puso ko. Ano bang sinasabi niya ha? Teka naguguluhan ako.
"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko habang nakikita ang sinseridad sa kaniyang mata. Seryoso ba siya?
"I like you Jam. Please give me a chance to prove it to you that i deserve the spot... Here in your heart. Will you please let me love you?"
Vannessa Sanchez 's Point Of View.
"Hon? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" Nagulantang na lamang ako nang biglang umakbay sa akin si Ethan mula sa likuran.
Bigla nanaman akong ninerbyos nang maalala ko nanaman ang nangyari kanina habang nagsasaya Kami.
Lumunok ako ng aking laway at dahan dahang napahawak sa aking labi.
"Haha! Yung kanina pa din ba?" Ethan. Hindi ko na lamang siya sinagot at tumingin sa mga buhangin.
"Mukhang yun pa nga din haha!" Rinig kong tugon niya at ramdam ko naman ang unti unting paglapit ng kaniyang mukha sa akin.
Hinawakan niya ang aking magkabilaang pisnge at hinarap ang ang aking mukha sa kaniya.
"I love you hon" ani niya at muling inalapat ang kaniyang labi sa aking labi gaya ng ginawa niya kanina.
Pero Hindi tulad kanina, Tinugon ko naman ngayon ang kaniyang pagkakahalik sa akin.
Sinagot ko ito ng higit sa pagmamahal na ibinuhos niya sa akin. Ramdam kong seryoso siya sa pagitan namin na dahilan ng patuloy na paghulog ng loob sa kaniya.
Kumalas na ako sa aming paghahalikan at hinarap Siya ng Mata sa Mata. "I'll always love you" ani ko.
Kumorte naman ang isang matamis na ngiti sa labi ni Ethan at muli akong hinalikan na para bang uhaw na uhaw sa aking labi.
I love you so much Ethan Rodriguez and I'll never regret falling in love with you.