Jean Avril Mendoza 's Point Of View.
"Congratulations...... Group Three!" Wika ni Sir Barry at masaya namang lumapit ang grupo nila Kim sa kanila.
Lahat sila ay nakangiting tagumpay samantalang kaming mga naiwan ay walang ekspresyon ang mukha.
"Bestfriend, Ang OA naman ni Ashley. May paiyak iyak pa kala mo namang bigating contest Ito pfft" bulong sa akin ni Vannessa.
Tiningnan ko naman yung sinasabi niya. Bigla na lamang akong natawa at tumango tangong humarap kay Vannessa.
"OA nga haha"
"Congratulations once again guys, So as your prize... Starting First until Second Grading Period, Excempted kayo sa exams! Let's give them a round of applause" Barry.
Rinig na rinig ko ang tilian nung grupo nila Kim. Psh pumalakpak na lamang ako ng peke at umirap irap pa.
"Take your seats guys, We will have our next activity" Maharot na pagkakawika ni Barry habang magkahawak pa ang kaniyang kamay.
Alam niyo yung 'Magpakailanman'? Diba sa ending nun may hand steps si Mel Tiangco? Ganun na ganun yung ginawa ni Bakla hehe.
Naiiling akong umupo sa log at pumalumbaba. "Sir! May premyo din ba?" Tanong ni Clinton kay Barry kaya tumingin din ako Kay Sir para maghintay sa kaniyang kasagutan.
"Uhmmm.... Wala...." Hindi pa natatapos ang kaniyang sasabihin pero rinig na rinig mo na kaagad sa paligid ang pagrereklamo Ng mga studyante.
"Hays Ano ba yan?"
"Tara Balik na tayo sa kwarto"
"Unfair!"
"Mag a activity pa eh wala namang premyo psh"
Ilan lamang Yan sa naririnig kong reklamo Ng mga kaklase at grademates ko. Agad naman silang napahinto ng awatin sila ni Sir.
"Wala siyang prize pero sure akong mage enjoy kayo! We're going to have games... Not by groups but by partners. Girl and boy only not girl and girl or boy over boy okay?"
Ani niya at inutusang pumila ang girls at boy ng magkahiwalay. Tumingin naman ako sa paligid, Medyo madilim na siguro Kung tutuusin pasado 10 na siguro Ng Gabi tch.
"Sir Anong game to?" Bigkas ni Avi, Hindi si Lee ha! Yung Avi na mula sa ibang section.
"Gamit ang panyong Ito, Kailangan niyong lapitan ang isang guy habang baka blind fold. Kung sino ang unang mahahawakan mo... Siya ang kapartner mo. So game na ba kayo?"
Psh. Mga kaalamanan ng baklang Ito! pati kami ginagamit sa kaharutan niya tch. Eh kung ipulupot ko Kaya sa leeg niya Yung panyo?! Aish.
"Sir! Eh paano yung sobra sa mga lalaki? Sila na ba magiging magkakapartner? Eksaktong apat sila sir!" Mahaderang wika ng kaklase kong pabibo na tinalo pa si Jollibee sa pagiging pabida hmp!
"As I said, Walang same gender na magka partner. So kung sinong apat ang matitira, Hindi na sila kasali sa larong Ito. Sorry but sa next game nalang kayo" Barry.
Sinimulan na namin ang laro. Una niya itong ibinigay kay Bianca. Ipiniring na niya Ito sa kaniyang mga Mata at nag elephant spin Siya for about 5 seconds.
Habang ginagawa niya iyon, Sinimulan na ng mga lalaking magpalit palit Ng pwesto.
"5..... 4..... 3..... 2..... 1....."
Pagkatapos ng bilang, Sinimulan na ni Bianca ang paglalakad. Puno ng sigawan at nakakabinging tilian ang bumabalot sa amin.
Para siyang lasing na naglalakad, Kulang na nga lang eh gumapang siya papunta sa mga lalaki haha.
"Kyaaaa!!"
"Owemji!!! Huwag diyan best!! Yan yung double dead!"
"Girl botcha yang mahahawakan mo!!"
"Aaahhhh!!"
"Huwag sa baboy best!"
"Sa kanan niya girl! Andun fafa mo!"
"Lapangin mo na best!"
"Huwag diyan girl Bakla Yan!"
"AHAHAHHAHAHAHA"
Nang may mahawakan na si Bianca na lalaki, Hindi namin maiwasan ang matawa dahil sa naging reaksyon niya.
HAHAHAHAHAHAH!
"Okay class! A couple has been made! Bianca from 4- Diamond and Junior from 4 - Emerald!"
Tawanan pa din sila ng tawanan dahil sa itsurang gumuguhit sa mukha ni Bianca. Paano ba naman kase, Nalagpasan niya na nga yung mataba at Yung Bakla eh sa dugyot naman siya napartner.
Haha! Si Junior, Madami siyang boogers sa ilong at mas maasim pa sa Silver Swan ang Amoy. WAHAHAHAH
"Sir! Pwedeng swap?" Bianca.
"Uh-uh! Isang beses mo lang naman siya magiging partner eh! Pagbigyan mo na!" Barry.
"Naiilang Ka ba sakin Bianca?" Tugon ni Junior at bigla nalamang hinawakan ang kanang kamay ni Bianca.
Bigla namang nanigas Ito sa katayuan... Hindi sa kilig kundi dahil sa diri. Haha! Nakita ko kasi kanina tong si Junior na nangulangot muna bago hawakan si Bianca sa kamay! Haha! May laman pa siguro Kaya nanigas! WAHAHAHAH YAKK
"Okay class, Next!" Sir Barry. Inabot na niya Kay Avigail Lee ang panyo pero dahil sadyang maarte tong bestprend kong Ito, Hindi niya Ito tinanggap at ginamit ang kaniya instead.
" I have my own handkerchief sir, I'll just use mine" Ani niya. Wala namang ibang nagawa si Sir kundi ang pumayag.
Pumunta na Siya sa may likuran ni Avigail at itinali ang panyo sa mga Mata nito. Sinimulan na din niya ang pag ikot at ang mga boys naman ay muling nagpalit palit Ng pwesto.
Nang matapos ang limang Segundo, Sinimulan na ni Avi ang paglalakad. Tila sa dating pwesto siya ni Julian pupunta.
Hmm, Hindi niya siguro alam na nagpalit palit Ng pwesto ang mga lalaki haha!
Nasa dulo ako kaya kita ko ang ekspresyon sa mukha ni Avi na siguradong sigurado na si Julian ang kaniyang mahahawakan
Pero nagkamali siya haha. Masigla niyang tinanggal ang kaniyang piring pero Hindi kalaunan ay natakluban din Ito Ng pagkadismaya.
"Hmm! Ano ba yan?!" Pagrereklamo niya at dali daling pumunta sa may likuran kung saan aka puwesto ang mga nabuong couple.
Hindi ko maiwasan ang mapangiti at ang mapailing. Haha! Napaka wais talaga ni Bryan no? Alam niya siguro ang takbo ng utak Ng kaniyang kapatid Kaya dun siya pumuwesto sa dating lugar ni Julian. Haha!
Ilang mga studyante ang natapos na at kung tutuusin, Mga 13 lalaki at 9 na babae na lamang ang natitira.
Kabilang ako at Si Vannessa. Samantalang andun pa din sila Julian, Ethan, Jackson, Xander at Phoenix sa mga natitirang lalaki. Hmm
Sumunod namang nilagyan ng blindfold ang bestfriend ko. Tulad ng nakagawian, Habang umiikot siya ng limang beses ay nagpalit palit naman Ng pwesto ang mga lalaki.
Nagsimula na siyang Maglakad at para bang walang epekto sa kaniya ang pag elephant spin Ng 5 beses. Hindi tulad ng iba, Normal pa din siyang naglalakad.
Nang makalpit sa siya sa pwesto Ng mga lalaki, Kita ko sa kilos niya na para bang may technique siyang ginagawa... Siguro para mahanap si Ethan? Haha.
Isa isa niyang inamoy ang mga lalaki. Napatawa na lamang ako ng mahina, "Dual Purpose din naman pala tong si Vanny eh! Itsurang bibe na nga, Kilos Aso pa haha!" Bulong ko sa aking utak at umiling iling. Haha!
Ilang saglit pa, Tila maganda naman ang naging Bunga ng kaniyang malupitang strategy dahil tagumpay niyang naging kapartner si Ethan. Psh
"It's your turn Ms. Mendoza! Lucky Or Not" pagkakasabi ni Sir Barry at Sinimulan nang takpan ang aking mga Mata.
Umikot na din ako ng limang beses at sadyang nakaramdam naman ako ng Hilo. Grabe! Ramdan ko talaga yung pagikot Ng paligid ko habang baka blindfold ako ah! Hehe
Sinubukan ko namang maglakad Ng diretso pero bigla Kong narinig magsalita si Barry. "Maliligo Ka na ba Mendoza? Nasa tubig Ka na! Haha"
Napangiwe na lamang ako at pumihit ng paglalakad. Ramdam ko naman na malapit na ako sa nga lalaki kaya naman rinig ko na Ngayon ang sigawan Ng mga studyante.
"WAAAAA!!"
"SIGE BESTFRIEND DIRETSO DAN!"
"DON'T! JAMMY THAT'S THE BASTARD!"
"Kyaaaa! Go Mendoza!"
"Go Sexy! go sexy! Go sexy sexy love!" Huwaw! Ano to 'She's Dating The Gangster by SGWannaB? Lolol hehe.
Napatigil na lamang ako sa paglalakad hanggang sa mahawakan ko ang Braso Ng isang tao.
Eto na siguro Ka partner ko no? Hehe. Tinanggal ko na yung blindfold ko at kabadong tumingin sa kaniya....
"Ikaw Nanaman?!"
Avigail Lee 's Point Of View.
"First couple who finished eating apple wins!" Said Barry while clapping his hands.
Psh. So what?! Huwag nga siyang magsaya ngayong Gabi! Mainit ang ulo ko huh lalo na't hindi ko kapartner si Ian ko tch.
"After Three ha... One....... Two......... Two and a half...........and Three! Go!"
Napansin ko naman yung iba na sarap na sarap sa pagkain ng mansanas. Napatingin na lamang ako kay Kuya.
Wala siyang balak kumagat Ng apple, As same as I. Nakakailang kaya no? Hmm.
Kunot noo lang akong nakatitig Kay Ian pati sa kapartner niya. Watching them breaks my heart.
It hurts as hell no! They are close to kissing na Kaya! Aish. Tinitigan ko lamang sila at bigla namang napatingin sa direksyon ko si Ian.
Bigla itong ngumisi at ngitian ako ng matamis. "Naku! Kahit gawin mo pa Yan! Still, Nagseselos pa din ako grr" bulong ko sa sarili ko at ngumuso.
Napairap na lamang ako sa kaniya showing na galit ako. Well wala naman akong magagawa, I can't show him na Hindi ako affected sa larong Ito.
Sa simula palang na hindi ko Siya napili eh nakaramdam na agad ako ng selos at inis no? Although wala akong rights para magselos sa kanila ng kapartner niya.
Gaya nga Ng sinabi ko... ' We Are Nothing But Close Friends'. *Sigh*
"Hoy! Bakit Ka nakatulala Dan?" Pagbasag ni Kuya sa tahimik na atmosphere na bumabalot sa aming dalawa.
Tiningnan ko lamang Siya Ng masama. Nag crossed arms na lamang ako at inirapan Siya.
"It's all your fault! Ian supposed to be my partner not you!" Pag angil ko sa kaniya at ngumuso.
"It's not my fault either" malamig niyang tugon at tumingin sa kawalan. Psh it's his damn fault Kaya!
" It's not my fault either" I imitated him at muli siyang inirapan. "Kasalanan mo! Kung Hindi Ka Sana lumipat Ng place edi Siya dapat Yung kapartner ko ngayon, not you tsk" tugon ko at sinampal yung mansanas na nasa harap ko.
Pesteng mansanas!
"That's the game's mechanic tch" Pagdepensa niya sa kaniyang sarili at inilagay ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang bulsa.
"Psh kahit na! It's still your fault tch" Well wala akong masisi eh Kaya I'll just blame him hehe.
Narinig ko ang pagpalatak niya at ang buntong hininga. "So Panget" pagpaparinig ko sa kaniya na ikinamulat niya.
Sinamaan niya lamang ako ng tingin and I just rolled my eyes towards him as exchange. Well totoo naman, Pangit niya kaya! Hmp.