37

1562 Words
Vannessa Sanchez 's Point Of View. "So class welcome here in my family's beloved beach resort at ngayong gabi ay hahatiin ko kayo sa ilang grupo upang gawin ang inyong mga mission. Ang unang makakatapos ng activity, May premyo! So game na ba kayo?" So nakakaexcite yun ha? Nakakaexcite yun? Siraulo! Haha chos. "Sir! May grupo na kame" wika naman ni Miss President habang sarap na sarap sa kaniyang pagkakaupo sa buhangin. "Oh i forgot hehe, So okay. Group Leaders please come here and I'll give you your group's task" Barry. Lumapit naman si Julian kay Sir, Siya nga kase ang team Leader diba? Diba? "Bestfriend!" Tawag ko kay Jammy na nakatulala sa bonfire. Napatingin naman siya sakin at tinaasan ako ng kilay. Hmp! So sungit talaga. "Ano nanaman?" Highblood nanaman siya psh. Bigyan ko siya ng lechon eh para atakihin sa puso! WAHAHAHA jokee! Lab lab ko yan eh kahit may tipus hihi. Tch, Huwag na nga di ko nalang sasabihin. "Wala lang hehe" Tanging nasabi ko nalamang at tiningnan din yung bonfire. Ilang sandali pa at bumalik na si Julian. Umupo naman siya sa kaniyang inuupuan kanina at binuklat yung papel na naglalaman ng task kuno. Lumapit ako sa kaniya upang maki cooperate. Mabait ako eh hoho ^o^ "Look for a red and blue door. 3 members will do the task for the red one while the rest may enter the blue door" basa ko sa nakasulat at hinimas himas ang aking braso. "So saan naman naroroon yung dalawang pintuang yan?" Tanong ni Ethan sabay tingin sakin at ngumiti. Waaa! "It's not written right Ethan? Are you stupid and isa pa sinabi din diba na hahanapin daw? Asshole" kutya sa kaniya ni Avigail at inirapan si Ethan ko. Hmp "Kaya nga nagtatanong diba?" "Whatever. It's commonsense naman na kase no" "Guys tahimik muna nga kayo!" Awat sa kanila ni Julian at tumayo na sa pagkakaupo. Inutusan niya kaming bumilog ng pagkakaupo upang mas lalong magkaintindihan kaya agad naman namin itong sinunod. "So guys ganito, Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo. Avi, Ethan, Vannessa kayo ang group one samantalang group two naman sina Jean, Jackson at Bryan" paliwanag niya with matching hand gestures pa. Di wao "So saang grupo ka naman?" Tanong ni Avigail kay TL (Team Leader) at umakbay dito. Psh lunudin ko sila eh "Syempre sa inyo" malanding pagkakasagot ni Ian at nilarolaro ang ilong ni Avigail. "Ahihi" Avi. "Hoy kayong dalawa! Baka nakakalimutan niyong nandito pa ko" saway sa kanila ni Bryan kaya napatigil naman yung dalawa sa paghaharutan. Psh bleh! "So ayun lang guys. Simulan na natin ang paghahanap!" Sambit ni Team Leader at pinagpatong patong namin ang aming mga kamay sabay sigaw ng "Fighting!" Humiwalay na din samin sila Bestfriend. Dumako sila sa kanang daanan samantalang sa kaliwa naman kami dumiretso. "Ian~ ang dilim naman dito" pagiinarte ni Avigail at ikinawit ang kaniyang braso sa braso ng crush niya. Hmp! Mga da moves ng babaeng to haha ^▽^ "Huwag kang mag alala, Andito ako hindi kita pababayaan" wika naman ni Julian kay Avigail at pinat ang ulo nito. "Psh. Mga pabebe" bulong ko sa kawalan at nagkabit balikat habang pinapanood ang paglalandian nung dalawa. Bigla naman akong nakaramdam ng isang taong umakbay sa akin. Tiningnan ko kung sino iyon at si Ethan lang pala... Si Ethan?! Waaaa!!!! "Ethan? Bakit mo ko inakbayan?" Tanong ko sa kaniya habang patuloy pa din kami sa paglalakad. Nginitian niya lamang ako ng matamis. Hinila niya ako papalapit sa kaniya at kinulong ako sa kaniyang mga bisig "Don't call me by my name, Call me your's" ani niya at pinakawalan ako. Whut? "O-okay Yours" naiiling kong sambit at hinawakan ang aking mukhang nag aapoy na sa kilig. Ahuehue Bigla ko namang narinig ang mahinang pagtawa ni Ethan kaya naman nilingon ko siya. "Anong nakakatawa?" Pagsusungit ko sa kaniya at ngumuso. Napailing na lamang ako at sinimulan nang maglakad. Ramdam ko naman ang kaniyang pag sunod at muli niya akong inakbayan sa balikat. "Bakit tinawag mo kong yours?" Natatawa niyang banggit at nilagay ang kabilang kamay niya sa kaniyang bulsa. So nakakatawa yun? Nakakatawa yun? Siraulo. Chos Haha "Diba sabi mo 'Don't call me by my name, Call me your's' Oh edi yun ang tinawag ko sayo, Yours" pagdepensa ko sa aking sarili. "Haha. Mine nalang ang itawag mo sakin tutal... girlfriend nanaman kita So akin ka na diba?" Napahinto ako sa paglalakad at siniringan siya. "Psh. Purkit nanalo ka lang dun sa deal" sambit ko sa kaniya at muling pinagpatuloy ang paglalakad. "Haha! Ayaw mo ba ng call sign natin? Gusto mo bang palitan? Paano kung Honeybunch? Bukopie? Honey? Oh Ano?" Tanong niya at muli akong sinabayan sa paglalakad. "Ewan ko sayo! Huwag mo nga munang isipin yan! May hinahanap pa tayo diba?" Pagangil ko sa kaniya na muli niyang ikinatawa. "Haha! Fine fine honey" ani niya at kinindatan ako. So, Kikiligin na ba ko sa inasta niya? Wawawawa -- "May nakita na ba kayong pintong blue?" Tanong samin ni Julian habang nililibot ang kaniyang paningin. "Kung may nakita kami edi sana sinabi na namin sayo" sabi ko sa kaniya at nagkabit balikat. Bigla namang humarap sakin si Avi at pinag taasan ako ng kilay "Don't talk to him like that! He's our leader" pagtanggol niya sa kaniya super duper ultra mega crush na si Ian. "Huwag mo ngang angilan ang girlfriend ko!" Sabat naman ni Ethan at nilapit ako sa kaniya. Girlfriend niya?? Wiieee "Girlfriend? Oh my twinkle twinkle little star! Vanny girl may relasyon kayo?" Hindi makapaniwalang pagkakatanong ni Avigail with matching pagtaklob pa sa kaniyang bibig. Ngumiti ako sa kaniya ng parang ewan at dahan dahang tumango. "Oo hehe" "OMG! Buti pa kayo may relasyon hehe right Ian?" banggit nya at lumingon naman kay Julian na tumango tango sabay kamot sa batok. Hmm feeling ko nagpaparinig to haha! "Pero wait diba binilinan na kita?" Sambit niya pa at pinandilatan ako ng mata. Well, ano namang magagawa ko? Kami na eh. "Destiny na mismo ang umayon samin" sagot ko sa kaniya na ikina irap naman niya. Totoo naman eh. Destiny ang gumawa ng paraan para maging kami ni Ethan. Muntikan na kasing hindi niya mashoot yung bola sa loob ng ring pero bigla itong umikot kaya pumasok. Gets niyo? Hihi "Tama na yan! Ipagpatuloy na natin ang paghahanap ng pintuan" singit samin ni Ian at hinila si Avigail upang mauna na silang maglakad. "Guys! Grupo ba nila Anne yun?" Tanong ni Ethan samin habang nakaturo dun sa mga nagkukumpulang tao. Hmm... sila Anne nga no? "Ah oo parang.." Julian. "Sundan kaya natin? Baka malaman nila yung blue na pinto" suhestiyon ni Ethan at pumayag naman si Leader. Eksakto namang lumiko sila kaya parang ninja kaming sumusunod sa kanila. Hindi kami gumagawa ng kahit anong ingay, Kahit nga ata paghinga eh pinipigil na hehe ^_^ Sunod lang kami ng sunod sa kanila hanggang sa bigla silang tumigil sa harap ng isang pintuan. At kung hindi ako nagkakamali, Kulay blue ito. "Shocks! Nahanap na natin!!" Anne. "Taralets na mga jukla! Pasok na aketch huh" yung baklang kagrupo nila... si Henry ata?? Ilang saglit pa ay pumasok na sila sa loob. Nagkatinginan naman kaming apat nila Avi at nagcommunicate gamit ang utak. Base sa expression nila, Para bang sinasabi ni Team Leader na pumasok na kami dun sa loob kaya ayun sinunod namin. Huminto kami sa tapat ng pintuan at mayroong papel na nakadikit dito. Siguro dito na nakalagay yung misyon hihi ^_^ 'Frog Dissection' The Heck?! "Omo! I cant!" Nandidiring pagkakasabi ni Avigail habang unti unting lumalayo sa pintuan. Haha Well kung ako din naman eh nandidiri din. Hindi ko kaya kayang magdisect ng palaka no? Lalo na't buhay pa yun sigurado. "Arte mo! Nadidiri ka eh kamukha mo naman yun" Narinig kong pangungutya sa kaniya ng Ethan sabay ngisi. Napatingin naman ako kay Avigail na para bang sinasaksak si Ethan sa kaniyang utak kaya wala akong ibang nagawa kundi ang matawa. Haha "What are you laughing at Vanny Girl? Want me to dissect you? Tch" Avi. "Hoy! Huwag mo ngang pagsalitaan ang prinsesa ko ng ganiyan! Pagbuhulin ko kayo ni Ian eh" Ethan. Wawawawa! Prinsesa daw ako oh! HAHAHAHA. "Really? Gawin mo nga" Kinikilig na tugon ni Avigail at kumapit sa bisig ng kaniyang crush. "Pagbuhulin mo na kami bilis!!!!" "Tama na nga yan! Tch. Pumasok na tayo sa loob" Awat samin ni Ian at nanguna nang pumasok sa loob ng pinto. Kasunod naman nito si Avigail nag lakad, nandidiring naglalakad. Napailing na lamang ako at sumunod. ... woah! Seryoso ba 'to? Sa isang beach merong laboraty? Wow! Magic. "Welcome! Please go to table 5" Ani nung parang taga assist kaya ayun dumiretso na kami sa ikalimang lamesa. May dalawang palaka ang nandoon. Nasa loob sila ng transparent na garapon at para bang walang malay. Siguro gawa nung insulin diba? Haha "Dalawa lang yung palaka so ibig sabihin ba nun By Pair yung dissection?" Obvious na pagkakatanong ni Ethan. Hindi nalang namin siya sinagot. Sinimulan nang kunin ni Julian ang palaka na para bang wala lang sa kaniya ito. "Ethan! Kunin mo na bilis" utos ko sa kaniya. Nagdalawang isip muna siya bago ako sundin. Narinig ko ang pagpalatak niya habang sinusuot ang mga dapat suotin. Ilang sandali pa ay kinuha na niya yung palaka. "Good Dog" tukso ko sa kaniya at tinap yung ulo niya. Haha ^_^
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD