36

1592 Words
Vannessa Sanchez 's Point Of View. "Bestfriend! So ano nang kakantahin niyo para sa Camping? Bukas na yun oh" Tanong ko kay Bestfriend na busy sa pagkalakal ng cellphone niya. Tumingin naman siya sakin at nag isip. "Di ko nga din alam eh. Ikaw? Bigay ka nga ng kantang alam mo" Sabi niya at umusod usod papunta sakin. "What your heart wants to say yung ost ng HSLO? Sa tingin mo?" Pagbibigay ko sa kaniya ng opinion pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Tch. Wala namang masama sa sinabi ko ah hmp. *pout* "Korean? Eh ayaw nga ni Bakulaw nun at tsaka parang medyo nakakailang naman kung ganun ang kakantahin namin diba?" Ani niya at pumalumbaba. "Uhm.. Bestfriend paano kaya kung magbigay ka ng genre ng kanta. Rock ba yan? Reggae or RnB? Ang hirap kayang mag isip ng random no?" Banggit ko sa kaniya at kinuha yung cellphone ko. Pumunta ako sa Music Playlist ko at naghanap ng magagandang kanta. "Hindi ko nga din alam yung gusto niya eh. Alam mo bang nakakabwisit siyang kausap? Dinaig niya pa babae sa Sobrang kaartehan. Malyamo may regla, nakakainis!" Naiinis na sambit niya habang pinagpupupukpok pa yung table desk niya gamit ang kanyang kamao Napailing nalang ako dahil sa inasta niya at napatawa ng mahina. Inabot ko sa kaniya yung cellphone ko. Tiningnan naman niya iyon at binaling ang atensyon sakin. "Anong gagawin ko dan sa cellphone mo?" Emotionless niyang pagkakatanong at nagkabit balikat habang nakakunot ang kaniyang noo. "Look for a song. Baka may mahanap kang magandang kantahin dan diba? Just sharing hihi" Kinuha naman niya ang cellphone ko at dahan dahang nagscroll up and down. "Seryoso Vanny? Ni isa wala ka man lang English or talagalog song? Psh" Hindi niya makapaniwalang tanong. Hmp! Kala mong siya meron English at Tagalog din na kanta! Eh sa kaniya nga galing lahat ng songs na nasa phone ko ngayon Eh nagpapasa lang kaya ako sa kanya no! :(( Maya maya pa ay dumating na si Avigail. Kasama niya yung ka fling niyang si Ian pati narin si Bryan at.. Ethan hihi ^_^ "What you doin'?" Tanong ni Avigail habang ginagaya ang tono ng boses ni Isabella. Sa Phineas and Ferb. "Avi! Pahiram kami ng phone mo, Hahanap lang kami ng magandang kanta" Ani ko sa kaniya pero dinilaan niya lang ako. Tch "Never. Hindi ako nagpapahiram ng phone no!" Masungit niyang pagkakaasta at umupo na sa kaniyang upuan. Naramdaman ko naman ang pag upo ni Ethan sa tabi ko kaya humarap na ako sa kaniya. Sobrang hot niya lalo pag naka jersey waaa! Pogi pogi niya talaga!! WAAAA! "Good morning Vannessa" Masigla niyang pagkakasabi sakin at ngumiti ng matamis na dahilan ng pagka kurba ng kaniyang mapupungay na mga Mata "Good morning din Ethan" bati ko pabalik at hinawi ang buhok ko. "Ehem! Just want to inform you guys na this place isn't Motel. School to guys, school! Okay? Tsk" pagkakaepal ni Avi. "Tse! Dan ka nga sa Ian mo" angil ko sa kaniya at ngumuso. Bigla namang namula ang kaniyang mukha at bigla siyang tumungo. Pfft "Van, halika na nga" Ani ni Ethan at hinawakan ako sa wrist. Ano daw? Halikan na? Kyaaaaa Hinila niya ako palabas pero hindi pa kami nakakalayo ng biglang nagsalita si Jam. "San kayo pupunta ha?" Tanong niya at tinaasan kami ng kilay. "Sabi ni Avi hindi daw to Motel kundi school kaya aalis na kami. Hiramin ko muna Bestfriend mo ha" huling sinabi ni Ethan at tumakbo na kami papalayo sa kanila Everything became slow mo. Habang tumatakbo kami ni Ethan para bang wala na kaming pakialam sa aming paligid. Magkaholding hands kami at sobrang bagal ng takbo ng mundo. Bigla naman siyang huminto sa pagtakbo kaya tumigil na din ako. Andito kami ngayon sa basketball court kung saan kaming dalawa lang ang tao. "A-anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kaniya habang nililibot ko ang paningin ko. "Uh. Gusto ko lang makipag deal sayo" Tanging sinabi niya at tumakbo papalayo sakin. Pumunta siya dun sa may storage room at bumalik sakin habang may hawak hawak na bola. "A-anong klaseng deal naman yun ha? Psh" Nginitian niya lang ako at inalalayan akong umupo sa isang bench. "Kapag naka shoot ako ng 3 puntos sa loob ng isang minuto..." Pinutol niya ang kaniyang sasabihin at idinikit ang kaniyang labi sa aking tainga. ".. akin ka" bulong niya. Ano daw?? Kapag nakashoot siya ng 3 points within 1 minute... kanya ako? Waaaa!!! Ramdam ko ang paginit ng aking mukha at ang mabilis na pagtibok ng aking puso. "Bakit mo ba ginagawa sakin to Ethan??!" Sigaw ko saking isipan at napahawak naman ako sa aking dibdib. Ang bilis pa din ng pagtibok niya waaa! Inabot naman niya sakin ang Stop watch. Napansin ko namang naka timer na ito ng 1minute. Lumuhod naman siya sa harapan ko habang direktang nakatitig sa Mata ko. "B-bakit ka ba n-nakaluhod dan? T-tumayo ka nga" naiilang kong sabi sa kaniya at sunod sunod ang paglunok ko. He just smiled at me sweetly. "Gusto mo bang ituloy yung deal?.. o itigil ko na?" Biglaang niyang pagkakatanong habang hinihintay ang sagot ko. "Bahala ka okay lang naman saking ituloy mo.." Mahina kong sabi at tumungo. Hinawakan naman ni Ethan ang baba ko at itiningala ang mukha ko. Kita ko ang matamis na ngiting nakaukit sa kaniyang labi. "Okay. Sabi mo yan ha" Masaya niyang ani at tumayo na. Pumunta siya sa gitna ng court at sinimulan nang idribble ang bola. "Teka saglit!" Tawag ko sa kaniya kaya ihininto niya bigla ang kaniyang ginagawa. "Paano kung hindi mo nagawang I shoot yung bola sa loob ng One minute?" "Edi ikaw ang gagawa ng deal para satin" Sinabi niya na lang at sumubok mag shoot ng bola for 3 points. Nagwagi naman ito Ako ang gagawa ng deal? Eh anong klaseng deal naman yung ibibigay ko sa kaniya? Tch. "O-okay. Sabihin mo lang sakin kung sisimulan ko na yung timer" Nginitian lang ako ni Ethan at tumango tango. Ibinaling niya ulit ang kaniyang focus sa pagddribble ng bola at ang pagshoot nito. "Game na" Sabi niya. Kaya naman inistart ko na ang timer at sinimulan niya na ang paglalaro ng basketball. Idrinibble niya ang bola ng lang beses at tumakbo na sa may guhit kung saan makakapagshoot ng 3 puntos. 52... 51... 50 Sinimulan na niyang shoot ang bola sa net ngunit hindi ito pumasok. Napailing na lamang siya sa kinalabasan at tumakbo upang kunin yung bola. 39... 38... 37 Bumalik na siyang muli sa 3 Points line at idrinibble na ang bola. Nakita ko ang paglunok niya dahil sa biglaang paggalaw ng kaniyang Adams apple. Matindi ang pagkafocus niya sa net dahil titig na titig siya. Tinatantsa niya din ang pagshoot ng bola kung papasok ba ito. 24.. 23.. 22 Muli niyang sinubukan at pagbato ng bola at... -- "Bestfriend!" Tawag ko kay Jam na nagbabasa ng libro habang nakikinig ng music. Seriously? Alien ba siya? Tch Napalingon naman siya sakin at tinanggal ang earphone na nakakabit sa kaliwang tainga niya. Lumapit na din ako at umupo sa upuan ko. "Bakit?" Tanong niya at muling isinuot ang earphone. *pout* magtatanong pa siya eh parang hindi din naman siya interisadong makinig psh. "CLASSMATES!! MAKINIG KAYO. ABSENT SI MRS. ALFUENTES KAYA NAMAN GAGAMITIN KO NA ANG ORAS NA ITO PARA IPALIWANAG SA INYO ANG GAGAWIN NATIN BUKAS SA CAMPING" Sambit ni Miss President at pinukpok ang teacher's table para patahimikin ang mga kaklase namin. "OKAY. SO KAHAPON PA IBINIGAY SAKIN NI SIR BARRY ANG MECHANICS PARA SA GAGAWIN NATIN. LAHAT NG 4TH YEAR STUDENTS AY MAGSASAMASAMA SA CAMPING KAYA DAPAT DAW MAY COLOR CODING ANG ATING DAMIT. TUTAL WALA PA NAMAN TAYONG BATCH SHIRT, MAGKANYA KANYA NALANG TAYONG SUOT NG RED SHIRT OKAY BA YUN?" Maraming nagreklamo sa sinabi ni Miss President dahil sa kulay ng Color Coding namin. Andaming may ayaw sa red at pilit na sinasabing mag blue nalang black, Gray or mag yellow. "GUYS PWEDE BA?! RED COLOR ANG NAKA ASSIGN SATIN AT WALA NA TAYONG MAGAGAWA DUN! PAPUNTA LANG NAMAN AT PAUWI TCH BY THE WAY, KAILANGAN DAW BY 4 AM ANDITO NA KAYO SA SCHOOL DALA ANG MGA GAMIT NIYO PARA SA 3 DAYS AND 2 NIGHTS CAMPING NATIN" 3 days and 2 nights? "NECESSARY STUFFS LANG ANG DADALHIN NIYO DAHIL BAKA MAG OVER BAGGAGE TAYO DUN. SO AYUN NA NGA, SA PANGASINAN DAW GAGANAPIN ANG CAMPING. SA UMAGA NG FIRST DAY, PURO SET UPS LANG ANG GAGAWIN AND THEN PAG DATING NG GABI DUN NA GAGANAPIN ANG PINAKA EXCITING STUFF KUNO FEATURING BARRY BAKLA CHOS! PERO HINDI KO ALAM KUNG ANO YUN HAHAHAHA" So Nakakatawa yon ha? Nakakatawa yun? Siraulo! Hahahah "Pres! Pwede daw bang magkanya kanyang dala ng sasakyan?" Tanong ni Yuan. "NOPE, HINDI PO PWEDE. SO AYUN NA NGA GUYS! PERFORMANCE NIGHT AND THEN PAG SAPIT NG UMAGA FOR SECOND DAY, ALLOWED TAYONG MAGGALA PERO HINDI PWEDENG LUMAYO. FOR THE NIGHT, DUN NA DAW GAGANAPIN ANG PERFORMANCE STUFF SABI NI SIR SO AYUN LANG GUYS! ANY QUESTIONS" Wala nang may balak nang mag Tanong Kaya naman bumalik naman si President sa kaniyang upuan. Muli nanamang umingay ang paligid dahil sa Camping na magaganap para bukas "Vanny, San si Ethan? Diba kasama mo siya kanina" Tanong ni Bestfriend habang inilalagay ang libro sa kaniyang bag. "Ah.. ano kase, May training sila ng basketball ngayon" paliwanag ko kaya napa 'ahh' nalang si Jam bilang reply. "So san kayo nag date?" Mapanukso niyang Tanong habang sinisiko siko pa ako. "Hindi kami nag date no? Tch."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD