Jean Avril Mendoza 's Point Of View.
"Hoy Bakulaw! Saan mo ba ko dadalhin ha? Makapunta ka sa bahay namin feeling close tayo tsk." pambubulyaw ko sa kaniya at nagkabit balikat.
Bigla naman niyang idinikit ang kaniyang kamay sa braso ko at sinabing "Ayan close na tayo" sabay smirk niya.
Tinaboy ko nalang yung kamay niya at umusod usod ng konti. Pinapanood ko lang siyang magdrive at feeling ko naman basic lang sa kanya iyon pero sa akin? Jusmeyo sobrang hirap!
"Alam kong gwapo ako pero hindi mo na ko kailangang titigan ng ganiyan" Mayabang niyang pagkakasabi habang hindi pa din nawawala ang pagkakangisi sa kaniyang labi.
"Psh Napakahangin mo talagang Bakulaw ka! Napaka assumero mo! Napaka feelingero mo din! Akala mo ba gwapo ka ha? Eh buti nga gumagalaw ka pa dan eh baka kasi mamaya pagkamalan pa kitang tuod dan! Pesteng to" Angil ko sa kaniya.
"Eh talaga ba? Eh hanggang ngayon nga nasayo pa din yung T-shirt ko eh balita ko nga katabi mo daw yun sa pagtulog. Tsk tsk" May pa-iling iling pa talaga siyang nalalaman ha? Urgh! Naiinis na talaga ko sa kaniya
"Bwisit ka talaga alam mo ba yun?! At tsaka ang kapal mo naman! Yung T-shirt mo itatabi ko sa pagtulog? Ha! Feeling ka Para sabihin ko sayo, Matagal ko nang tinapon yun tch"
Bigla naman siyang huminto ng pagmamaneho sa isang Coffee Shop. Binuksan na niya yung pinto at lumabas siya kaya ganon din ang ginawa ko.
"Sinabi ko bang bumaba ka ha?" Masungit niyang pagkakatanong at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang salwal na suot suot.
Inirapan ko siya at nagkabit balikat. "Alangan namang hindi ako bumaba sa sasakyan mong pipitsugin edi na suffocate ako" Pagtanggol ko sa sarili ko at sinamaan siya ng tingin.
"Psh. Ako pa din ang masusunod kaya bumalik ka dun sa loob ng sasakyan tch" Pagrereklamo niya at binuksan yung pintuan ng kaniyang sasakyan at itinulak ako dun.
Wala akong choice kaya pumasok nalang ulit ako sa loob at sinipa sipa ang ilang parte ng sasakyan. BWISIT TALAGA BWISIT BWISIT!
"AISH! NAPAKA PESTE MO TALAGANG BAKULAW KA! MAMATAY KA NA BWISIT" Malakas kong sigaw habang pinapatay siya sa isipan ko.
"Pwede ka nang bumaba" Sambit niya at ngumiti ng nakakaloko. Argh! Naiinis na talaga ko sa kaniya!!
Pumasok na siya sa loob ng Margan's Coffee Shop kaya pumasok na din ako. Naabutan ko siyang nakaupo sa may sulok kaya padabog akong lumapit sa kaniya.
Umupo ako sa katapat niyang upuan at tiningnan siya ng masama. "Sinabi ko bang pwede ka nang maupo ha?" Masungit niyang tanong habang nakangise.
Huminga nalang ako ng malalim at tumayo na mula sa pagkakaupo.
"Pasalamat kang lalaki ka at nakakapagtimpi pa ko sayo! Nako kung may kutsilyo lang talaga akong hawak dito malamang matagal nang nakaturok sayo yun peste ka" Sumbat ko sa kaniya at isinara ang kamao ko.
"Psh. You can take your seat Ms. ube Jam pfft--" ARGH! Hindi pa ba talaga titigil tong Bakulaw na to ha?!
Padabog akong umupo sa upuan kung saan ako nakaupo kanina. Napasabunot nalang ako sa buhok ko at isinubsob ang mukha sa lamesa.
"Peste ka talagang lalaki ka mamatay ka na grr" Sigaw ko sa utak ko at dahan dahang umayos ng postura.
"Tapos ka na ba sa pagda drama mo Miss. Ube Jam?" Tanong niya habang nakangise. Nginitian ko nalang siya ng nagtitimpi at inusod ng konti ang upuan ko papalapit sa lamesa.
"Ewan sayo!" Tanging sinabi ko nalamang at pumalumbaba. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa na mas lalong ikinaiinis ko.
Lagot ka saken bakulaw ka babawian kita mamaya hmp
"What do you want to eat?" Seryoso niyang tanong kaya naman umayos nako ng pagkakaupo at tumingin sa kaniya.
Hays! Thank God at tumigil na din siya sa kahudasan niyang taglay tch. Tutal nagugutom na din naman ako, Bakit hindi ko nalang sagarin ang pag order diba? Hmm
*evil smile* WAHAHAHAHAHAHHA!
"Ano pang tinutunganga mo dan? Tch. Umorder ka na nga dun! Isang cappuccino lang ang sakin" sambit niya at ipinatong ang dalawang siko sa sandalan.
"Nasaan ang pambayad?" Tanong ko sa kaniya at inilahad ang kamay ko. Tiningnan niya lamang iyon at ngumiti ng mapanukso.
"Bayaran mo muna. Babayaran nalang kita sa school" Ngumiti nalang ako sa kaniya at nag Okay sign. Madali naman akong kausap eh Hihi
Pumunta na ako dun sa counter para umorder. "Yes Mam? Welcome to Margan's Coffee Shop" masiglang pagkakabati sakin nung worker pero hindi ko nalang iyon pinansin. Eh Bakit ba? Natingin ako ng masarap kainin eh tch
"Miss I'll take one grande Cappuccino, One Mocha Frappe and A single slice of This Chocolate mousse and also 5 pcs of Ham and Cheese bread please" pagkakaorder ko dun sa babae.
"Okay Mam Copy!" Masaya niyang pagkakasabi at inabot na sakin ang resibo.Bumalik na ako sa pwesto ko kanina at inabot kay Jackson ang receipt ng inorder ko.
"What The f**k?! Kaya mong ubusin lahat ng yun?" Hindi niya makapaniwalang Tanong sakin.
Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango tango. "Psh. Kaya hindi ka namamamayat eh tch. Tingnan mo mukha ka nang botcha Dan pfft"
--
"So Bakit mo ba ko niyaya dito ha?" Tanong ko sa kaniya habang kumakain ng Chocolate Mousse cake.
"Performance" simple niyang pagkakasabi at lumagok na nung Cappuccino niya. Kinuha naman niya yung isang Ham and cheese bread at kinagatan iyon.
"Woah! Interisado ka na ngayon dun? Psh" Naiiling kong pagkakasabi at uminom mg Frappe.
"Tch. Anong kanta ang gagamitin natin dun?" Tanong niya at muling kumagat ng tinapay. Napatingin naman ako sa kisame upang magisip.
"Hmmm... paano yung mag duet tayo dun? Beauty and The Beast by Ariana Grande and John Legend Ano game ka?" Tanong ko sa kaniya at itinigil muna ang pagkain ko habang hinihintay ang kaniyang sagot.
"Ang sabihin mo Handsome and The Beast" Nakangisi niyang tugon at muling uminom ng kaniyang kape.
Inirapan ko nalang siya at muling sumubo ng cake. "Psh assuming talaga tsk eh ano? Mag Request ka kaya no?" Naiinis kong saad sa kaniya at nag crossed legs.
"Bakit ako ang tinatanong mo ha? Ikaw kaya ang magisip" Mataray niyang banggit. Bakla yata tong bakulaw na to
"Paano kaya kung End Game by Ed and Taylor? Request yun ni Avi" Sabi ko sa kaniya at inusod na yung platong wala nang laman.
"Hindi ko Alam yon"
"Hmm, Eh Korean? Gusto mo bang kumanta ng ganon?" Nakangiti kong Tanong sa kaniya pero inirapan niya lang ako.
"Sira ka ba?"
"Psh. Eh ano? Kung Ikaw kaya ang magisip ng kanta no? Dami mong arte sa katawan eh" pag angil ko sa kaniya at muling uminom ng Frappe.
"Huwag mo kong utusan tsk" Eh kung suntukin ko kaya tong lalaking to? Nakakapaginit na siya ng ulo ha
"Finesse by Cardi B and Bruno Mars! Sa tingin mo?" Tanong ko sa kaniya. Tinanggal ko na yung takip ng Frappe ko at sa mismong baso ininom.
"Kaya mong mag rap?" Hindi niya makapaniwalang tanong. Ngumiti lang ako sa kaniya at umiling.
Bigla naman siyang ngumuso sakin na para bang humihingi ng... kiss? Ng kiss?!
"B-bakit ka ngumunguso ha? Napakamanyak mo talagang lalaki ka! Pati halik gusto mo! bwisit kang bakulaw ka!" Sigaw ko sa kaniya at pinagbababato siya ng tissue
Bigla nalang siyang nagbuntong hininga at dahan dahang lumapit sakin.
Eto na ba yun?
Waaaa!!! Napaka swerte naman niya kung siya ang makakakuha ng first kiss ko no? AHHHHHH!!
Napapikit nalang ako dahil sa kilos na ginagawa ni Jackson. Ramdam ko ang pag akyat ng mga dugo ko sa mukha ko.
Naramdaman ko ang pagdikit ng isang magaspang na bagay sa gilid ng labi ko. Teka... So hindi siya kiss?
Aish! Ano ba kasi yung pumasok sa kokote mo Jam ha?! Argh
Dahan dahan kong minulat ang mata ko dahil sa naririnig kong pagtawa ni Jackson habang tinuturo pa ang mukha ko.
"Anong tinatawa tawa mo ha?! Bunutin ko isa isa yang ngipin mo eh ha! Bakulaw tsk" Sinabi ko nalang habang iniiwasan siyang tingnan.
Waaaa!! Bakit pa Kasi ako nagisip ng ganun? Napahiya lang tuloy ako! > _ <
"Sa tingin mo ba hahalikan kita ha? Pfft-- AHAHAHAHAHA!!" Argh!! Bwisit ka talagang Jackson ka! Mamatay ka na peste! "Para sabihin ko sayo miss, hindi kita trip kaya wag assuming pfft--"
Dali dali akong tumayo mula sa pagkakaupo at tumakbo papalabas. Humarap ako sa isang batong pader at pinagsisisipa ito.
"Peste ka talaga! Ikaw ang kontrabida ng buhay ko alam mo ba yun? Bwisit kang Bakulaw ka! Alam mo bang maayos pa yung buhay ko nung wala ka ha?! BWISIT ka Mamatay ka na Sana arghhh!!!" Sigaw ko sa kawalan habang hindi pa din tumitigil sa pagsipa ng pader
"Mama may baliw!" Napalingon ako sa batang biglang nagsalita sa may likuran ko at bigla siyang umiyak.
Nakayapus siya ngayon sa kaniyang ina. Pinagdilatan ko nalang siya ng Mata bastos tong batang to ah sabihan ba naman ako ng baliw ha?! Pagbuhulin ko sila ng nanay nya e
"Hindi ako baliw!" Pag angil ko sa kaniya at muling pinagpatuloy ang pagsipa sa batong pader ng Margan's Coffee Shop.
"Hays hayaan mo na yan anak! Baka kakatakas lang nan sa rehab! Tara na nga" Narinig kong pagkakasabi sa kaniya nung nanay niya at nagmadali silang umalis.
"Pfft-- baliw ka pala eh AHAHAHAHA!" Napalingon ako sa nagsabi non. Sino pa ba? Edi si Jackson lang naman tch.
"HINDI NGA SABI AKO BALIW EH!" Sigaw ko sa kaniya sumandal sa pader. Pesteng to tch
Maya maya pa ay biglang may nagvibrate sa bulsa ko. Sino kayang nagtext tch?
Kinuha ko na yung cellphone ko. " One message from Unknown Number?" Basa ko sa nakasulat at binuksan iyon.
'Hoy Baliw! Tara na AHAHAHABAHAH'
Yan ang nakasulat sa text. Tiningnan ko naman si Jacksom na nagpipigil ng tawa at sumakay na sa kaniyang sasakyan.
"Bwisit"