Julian Dominique Aguilar 's Point Of View.
Andito kami ngayon sa tambayan upang pag usapan yung dapat naming gawin sa darating na Science Camping.
Sinabi kasi yun ni Sir Barry pagkaalis niya. Kailangan daw naming magisip ng maikling performance para sa gabi. Nakakainis nga eh diba
Kumpleto kami dito. Nakaupo kami ni Avigail sa upuan samantalang nasa sahig naman yung apat.
"Anong gagawin nating plano?" Tanong ni Ethan habang nakaakbay kay Vannessa. Psh mga da moves nitong lalaking to haha sobrang napaghahalataan.
"How about singing?" Opinion ni Avigail habang yakap yakap yung Owl na stuff toy na niregalo ko pa sa kaniya nung nakaraang taon.
"And Dancing?" Dagdag pa ni Vannessa habang malawak ang pagkakangiti. Psh sayaw at kanta? Tch
"Isa lang naman ang kelangang mag perform diba or more? Ganito nalang ang gawin natin. Let's ask each other's opinion diba? Kase may ibang mga KJ dan" Napatango nalang ako sa sinabi ni Jean. "Right bakulaw?"
"Okay sige. Sinong gustong magperform?" Diretshan kong pagkakatanong sa kanila pero ni isa walang nagtaas ng kamay psh.
"Aish! Bakit pa kasi naisip yang performance na yan? Tch" Pagrereklamo ni Jackson at kinulbit si Jean para susutin.
"Ano ba?! Sasapakin kita dan tamo!" Jean.
"Let's just sing guys! It's too embarrassing to dance right lalo na kung isa lang ang may lakas loob na magperform dun sa walang kwentang event na yun tch" Avigail.
"Okay sige. Mag bato bato picks nalang tayo! Kung sino ang matatalo sila ang magpeperform" Opinion ni Vannessa. Nagkatinginan naman kaming lahat at sinimilan na ang paglaro.
"Bato bato pick!"
Jean Avril Mendoza 's Point Of View.
"Bestfriend! Maawa ka naman sa steak oh! Minurder mo na yan hmp" Bigla akong natauhan sa sinabi ni Vannessa.
Tiningnan ko yung pagkain ko. Hiwahiwalay na yung steak ko tapos yung kanin naman tapon tapon na. Hays
Inusod ko nalang yung Plato ko at pumalumbaba. Nakakawalang gana na tuloy kumain. Nagbuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa kawalan.
"Anyare ba dan?" Naririnig kong Tanong ni Avigail kay Vanny habang tinuturo ako.
"Baka gawa nung pagkatalo niya sa Bato bato picks kanina! Hihi hayaan na nating magmoment yan si Bestfriend ahaha" Sagot ni Vanny at tumawa pa ng mahina.
Sinamaan ko siya ng tingin at umayos ng upo. "Bakit mo pa pinaalala ha? Nabubwisit na nga ko dun eh!" Pagrereklamo ko at ininom nalang yung Rootbeer in can.
Nakakabuwisit lang kase! Bakit pa kase nilagyan ng baklang yun ng special presentation yung Camping namin next week? Tch
Eh kung siya kayang magperform mag isa dun? Sumayaw siya tutal mukha naman siyang mascot tsk.
ARGHH! Bwisit talaga! Pwede namang mag Camping nalang agad diba? Yung baklang yon talaga napaka extra sa buhay nakakainis.
Lunudin ko yung Baklang yun eh tch. "Bestfriend! Ano bang kakantahin niyo ni Jackson?" Tanong ni Vannessa na mas lalong ikinasama ng timpla ko.
Aish yung lalaking yun bwisit. Naiinis na nga ako dahil magpeperform ako dun sa Camp Night namin tapos malalaman ko nalang na magkasama kami na kakanta aish.
Eh hindi ko na nga kayang sikmurain yung pesteng Bakulaw na yun eh! Tch. Kung pwede lang naman kasing huwag nalang sumama diba? Tch.
Nung una gusto ko naman talagang sumama eh kaso nung narinig kong inannounce ni Barry Bakla na magkakaroon ng performance dun bigla akong nainis.
Gusto ko ngang magbackout eh kaso ansabi niya 'You're already in the list so there's no turning back'. Tae yan! So paano kung kunwari may sakit ako? Kelangan ko pa ding pumunta ganon? Sunugin ko bahay nun eh! Tsk
"Jammy! How about mag duet kayo ni itim? Yung kanta ni Ed Sheeran pati ni Taylor Swift na End Game! What do you think?" Tanong niya habang nags slice ng beef. Psh paano kaya kung sintonado pala yung bakulaw na yun? Tch
"O kaya naman Bestfriend kumanta kayo ng Korean Song dun ni Jackson! Alam mo ba yung Some by Junggigo and Soyou? Maganda yun try niyo" May topak ba tong babaeng to? Tch
Siniringan ko nalang siya at nag make face. "Sa tingin mo ba magiging astig yung performance kapag kumanta ako ng kantang hindi nila naiintindihan ha? Baka mamaya pagtawanan lang nila kami dun tch" angil ko at muling uminom ng soft drinks.
"Psh. Opinion ko lang yun Bestfriend no! Masyado ka namang nagpapadala" sambit niya ay inayos yung pinagkainan niya.
"How about magusap kayong dalawa ni itim about that stuff? Mas maganda yun Girl sinasabe ko sayo" Walang buhay akong nag thumbs up sa sinabi ni Avi.
"Okay sana eh pero asa namang makipag cooperate sakin yung Bakulaw na yun. Eh baka mamaya nga hindi siya umattend dun mapahiya lang ako tch" Well totoo naman ang sinabi ko diba? Ano ba naman ang aasahan ko sa ganung klaseng bakulaw? Tch
"May Point ka! But we don't know naman diba? Leave it to me Jammy! I'll convince that Stupid Itim to cooperate" ani ni Avi sabay inom ng kaniyang mango juice.
"What if kayong dalawa nalang kaya mag magperform sa Camping? O kaya tayong tatlo edi kapag ganon ang mangyayari mas gaganahan ako kahit papano" Sabi ko sa kanila at binuksan yung chicken Sandwich ko.
"Psh. Dream On Jammy! / Never as in never" Sabay nilang sabi habang naka x ang kanilang braso.
"Mas maganda pa din talaga Bestfriend kapag girl and boy ang magpeperform para Mas romantic!!" Kinikilig na ani ni Vanny tch
"You're effin right girl!" Sabi ni Avigail kay Vannessa at nag apir pa ang dalawa. "May chemistry kaya kayo ni Itim! Bagay nga kayo eh Awwwiiiiee" psh. Kung paguntugin ko kaya tong dalawang to?
"Psh. Edi kayong dalawa nalang ni Ian *Tingin kay Avi* o kaya ng kuya mong papansin. *Tingin kay Vanny* Kayong dalawa ni Ethan. O diba? Girl and boy din naman yun ah tch" Pagangil ko sa kanilang dalawa at kinagat yung sandwich ko.
Psh. Papayag lang ako kapag si Suho Baby ang kapartner ko tch. "Psh, I love the idea but Ian doesn't want to perform. He's effin Shy kaya no?" Avi.
"Si Ethan? Psh magaling lang naman ata sa basketball yun" Sagot ni Vannessa at inilabas ang kaniyang Cellphone.
"Not just in basketball but also Playing with the girls heart duh" Napangise ako sa sinabi ni Avigail. Nag fist bomb kaming dalawa at tumawa ng mahina.
"Psh. Mag change topic nga tayo! Sinisiraan niyo nanaman si Ethan sa harap ko eh" Pagrereklamo ni Vannessa at nagpout. Psh Bibe
Nang matapos na kaming kumain, Tumayo na kami at sakto naman ang pagdating nila Ian. Sinabi niyang pumunta daw kami sa mini house kaya sinunod naman namin ito.
Andito kami ngayon ulit sa tambayan nila Bryan. Pinaguusapan lang naman ulit namin yung tungkol sa performance tch.
"So anong gagawin niyong performance dun?" Tanong samin ni Ethan habang magka holding hands sila ni Vannessa. Psh Kung buhusan ko Kaya ng super glue tong dalawang to?
"Hoy tinatanong ka ni Ethan" sabi ko kay Bakulaw na walang pakialam sa mundo. Tch
"Hindi lang ako ang tinatanong, Pati din ikaw psh" Inirapan ko nalang siya sa sinabi niya at nagkabit balikat.
"Eh diba kakanta nga tayo? Tch" Pagsusungit ko sa kaniya. Kahit kailan talaga tong bakulaw nito bwisit
"Psh. Kakanta lang Walang tayo" Angil niya at nginisian lang ako. Inambaan ko lang siya suntok at inirapan.
"Oohh Burn!"
"Toasted!"
"Oohhhh!"
"Pesteng bakulaw tch" bulong ko sa sarili ko pero sinadya ko talagang iparinig sa kaniya.
"Ang pogi ko namang bakulaw sa paningin mo" bulong niya sa mismong tainga ko. PESTENG BAKULAW TALAGA BWISET!
---
"GUYS! PWEDE NA DAW UMUWI SABI NI MRS. ALFUENTES! CLASS CUT DAW MAY URGENT MEETING LAHAT NG TEACHERS!" Malakas na anunsyo ng Class president namin.
"WOOOOHHHH!!"
"YYYESSSS!!"
"TIPID BAON MGA KAPATID!"
"YEHEY!"
"YES! WALA PA NAMAN AKONG ASSIGNMENT!"
"WOHOOOO"
Ilan lamang yan sa sigawan na naririnig ko galing sa mga maliligaleg kong kaklase. Napailing nalang ako at bahagyang napangiti ng marinig ko yung nagsabi ng wala daw siyang assignment. Haha
"Bestfriend! Anong nginingiti ngiti mo dan? Nasisiraan ka na ba ng ulo? " Tanong sakin ni Vannessa habang isinusuot ang kaniyang bag
"Psh. Gusto mo bang isuksok ko sa bunganga mo tong sapatos ko ha? Hampas ko sa pader yang ulo mo eh" Pagangil ko sa kaniya at tumayo na sa upuan ko.
"Hmp! Kahit kailan ka talagang babae ka! Napaka baros mong magsalita no? Tch" Pagrereklamo niya at kumapit sa braso ko. Naglakad na kami patungo sa may gate ng school habang hinihintay ang sundo niya.
"Oy Vanny! May girlfriend na si Kuya ah! May unnie na ko hihi" Masaya kong sabi sa kaniya at ngumiti ng abot tainga.
Mukha naman siyang nagulat at napataklob sa bibig. "Bestfriend seryoso ka ba?" Tumango ako sa katanungan niya kaya nagtatatalon naman siya sa saya. "Uwaaaaaa!!
Napatigil lang siya sa pagwawala ng biglang bumusina si Manong Pedring. Yung driver ng sasakyan ni Vannessa.
Sumakay na kaming pareho sa loob at nagsimula nang umandar ang sasakyan.
"Kelan daw sila nagsimula?" Tanong sakin ni Vannessa habang Excited na naghihintay ng sagot. Ahaha Mukha siyang tae pfft
"Ahaha! Malay ko no?" Tanging sagot ko nalang at inayos ang pagkakaupo.
--
"Hello po ate Sophie" bati ko dun sa girlfriend ni Kuya. Teka akala ko bukas pa sila pupunta dito? Tsk di pa naman akk nakapah ready huhu
"Hello din sayo" bati niya pabalik at nginitian ako ng matamis. Waaa!! Bakit sobrang ganda niya?? Ang inosente ng mukha tapos mukha siyang angel!
Kaming tatlo lang ni Kuya Joax at Ate Sophie ang nasa bahay dahil lumabas saglit si Mama para bumili ng pagkain namin.
"Hon, Nagugutom ka na ba?" Malumanay na pagkakatanong ni Kuya kay Sophie pero umiling lang siya bilang kasagutan. Nginitian lang nila ang isa't isa at muling ibinalik ang tuon sakin
"Anong grade mo na?" Sweet na pagkakatanong sakin ni Sophie. Waaa!! Bakit parang lullaby ang boses niya?
"4th year po ako graduating na ng highschool" Sweet ko ding reply. Medyo naiilang ako pero gusto ko talaga siya maging kaclose hehe
Maya maya pa ay dumating na si Mama at para siyang may kasama. "Pasok ka iho, Huwag kang mahiya" sabi ni Mama sa kasama niya.
Hmm Sino kaya yun?
Nang makapasok na yung lalaki..... "Jackson?" Hindi ko makapaniwalang pagkakasabi at napatayo sa kinauupuan ko. Bakit nandito tong bakulaw na to? Tch
"Ma! Bakit mo siya kasama?" Tanong ko kay Mama na inilalagay ang pinamili niya sa lamesa dun sa kusina.
"Nakasalubong ko lang anak! Andan kasi siya sa may gate kanina pa" sagot ni Mama.
Tiningnan ko lang si Jackson at inirapan ito. "Umupo ka Bakulaw" Sabi ko sa kaniya at umusod ng kaunti. Umupo naman siya sa tabi ko at para bang nahihiya psh
"Boyfriend mo ba siya Jean?" Napaubo nalang ako sa biglang tinanong ni Ate Sophie at napatawa ako ng mahina.
"Siya Boyfriend ko? Ahahahah! Hindi no haha eh ampangit pangit kaya nan pfft" Sinabi ko nalang at malakas na tinap tap ang likod ni Jackson.
"You're dead" bulong niya sa may tainga ko at sinamaan ako ng tingin. Nginisian ko lang siya at dinilaan. I mouthed him' Bakulaw' at tumawa ng mahina pero nanunukso.
"Bakit ka nga pala naparito iho?" Tanong ni Mama kay Jackson habang may bitbit ng Mixed Fruit Salad sa lamesa at umupo din sa sofa.
"Yayayain ko ho sana si Jean lumabas gawa ng performance namin sa darating na Camping" Wow ha! As in wow! Psh. Napakagalang na bata.
"Ah ganun ba? Ah sige huwag kayong magpapaabot ng Gabi ha? Ingatan mo ang anak ko"
"Oho" Napatingin naman ako kay Jackson na ngayon ay nakangisi sakin. BWISIT TALAGA!