Jean Avril Mendoza’s Point of View:
Couple of weeks have passed ng matapos ang Science Camping Activity namin sa beach nila Sir. Barry. Naalala ko na lang ulit bigla out of nowhere ang sudden confession sa akin ng kapatid ni Avi na si Bryan na hanggang ngayon eh hindi pa rin nagsisink in sa utak ko na totoo ang pag amin niyang iyon. Medyo hindi kasi kapanipaniwala since maloko talaga ang mukha ng isang ‘yon.
Napailing na lamang ako dahil sa cringe ng mga nangyayari. Hindi naman sa nandidiri ako sa kaniya ha, sadyang hindi ko lang siya tipo. Besides, I’m not in to guys kaya no? Wala pa sa isip ko ang magkaroon ng nobyo or tumanggap ng manliligaw, kuntento na ako sa Spade Babies ko. Sila lang sapat na, bente uno, walang titibag hahahaa joke!
“Huy, best friend!” Napalingon naman ako sa biglang pagtawag sa akin ni Vanny at tinaasan siya ng kilay na simbolong ako ay nagtatanong kung bakit niya ako tinawag.
Narito nga pala kami ngayon sa Basilica Church sa Batangas, Sunday kasi ngayon at napagdesisyunan naming tatlo nila Avi at Vanny na makinig ng misa. Masyado na kasi nilang dinudumihan ang kaluluwa ko kaya kailangan na naming maglinis ngayon hahaha char.
“Bakit?” Tanong ko sa kaniya dahil mukhang hindi niya naintindihan ang pagtaas ko ng kilay sa kaniya kanina.
“Peace be with you. Tulaley ka r’yan ha!” Ani nito at siniko siko pa si Avi, sinuklian naman siya ng tawa no’ng isa at nag crossed arms pa. “Siguro iniisip mo si Black ‘no? Yiee hahaha” dagdag pa niyang tukso sa akin.
Sinabayan naman siya ni Avi at nakisundot sa tagiliran ko sabay sabi ng “Peace be with you, Jammy. Talandi mo ha? Oh my twinkle twinkle star, kinikilig ako. Ikaw din ba Vanny girl? Ahihi” kinikilig niya pang ani sa akin at nagapir silang dalawa ni Vanny.
Ang mga batang ito talaga haha. Napailing na lamang ako at nagkabit balikat, hindi ko sila mapipilit tungkol sa amin no’ng Bakulaw na iyon. Akala kasi nila gusto ko ‘yon at gusto ako ni Jackson pero neither of the above naman. Alangan namang madevelop ang feelings namin sa isa’t isa no? Eh samantalang kulang nalang ay magpatayan at isumpa namin ang isa’t isa sa sobrang konsumisyong inaabot namin pag magkasama haha.
“Peace be with you, peace be with you. Ano ba kayo? Wala kayang meron sa amin no? And never ko siyang magugustuhan, as in never! N E V E R, never. Yuck ha, sobrang nakakasuka. Mas okay pa sa aking tumanda na lamang ng dalaga kesa gustuhin ang isang bakulaw na iyon” Pag depensa ko sa aking sarili mula sa kutya nila.
Totoo naman kasi ‘di ba? Ilang beses ko ba kailangang ipaliwanag sa kanila na hinding hindi ko magugustuhan ang isang iyon kahit pa pumuti ang uwak.
“Weh? Sige sabihin na nating hindi mo siya gusto pero gusto ka niya!” Kinikilig na tugong muli ni Vannessa habang sinasakyan naman ni Avi ang trip nito. Mga hangal talaga, nasa loob kami ng simbahan pero puro katalandian ang nasa isip haha.
“Oo nga, Jammy! Maybe that Black likes you no? Or you guys are M T B, Meant to be!” Pag sangayon ni Avi at napagmasdan ko rin ang biglang pag ningning ng kaniyang mga mata, isa pa ang babaitang ito haha ang kulit!
“Ang kulit niyo no? Makinig na nga lang tayo sa misa ni father!” Suway ko sa kanila at muling itinuon ang aking pansin sa paring nagmimisa sa aming unahan.
“Oo nga naman, Avi. Makinig tayo skay father. Huhu, sorry po Lord! Si Avigail kasi, dinadaldal ako huhu pagalitan niyo nga po please” Nagbibirong dasal naman ni best friend habang kakatuon pa lang muli ng pansin kay father kagaya ng ginawa ko.
“Hala ka! Why did you damay damay me ha? Stupid b***h ka talaga. Let’s listen to the mass na nga lang, patapos naman na ito hmp!” Sambit naman ni Avi at lahat ng aming pansin ay nakatuon kay father.
I am a Roman Catholic and I have fear in God, sobrang laki ng takot ko sa kaniya at paniniwala dahil sa ganoong paraan ako pinalaki ng Mama ko. I know that there are other religions out there and I do respect their beliefs about God, gusto ko lang i-share ang saloobin ko dahil hindi alam ng iba kung gaano ako ka thankful sa Panginoon.
Sabi rin kasi ni Mama sa akin na dapat katakutan ko si G dahil ang isang may takot sa Diyos na pag-uugali ay mahalaga para sa mga nagnanais ng makabuluhang kaalaman sa bible. It is because ang totoong espiritwal na kaalaman ay ibinibigay lamang sa mga "takot" sa Panginoon. Mahusay na hangarin natin ang tagubilin ng Diyos sa ating buhay. The Bible urges us to fear God because the fear of the Lord is the beginning of knowledge. Having an appropriate reverence and holy respect for God is the beginning point for all true knowledge about spiritual realities.
Bukod sa pagkakaroon ng takot sa kaniya, lubos lubos din ang aking paniniwala, pagasa, pasasalamat, at pagmamahal sa kaniya. I’m not believed him since it’s what my Mom and other people said, it is just simply because me, myself, believe in him.
Naalala ko kasi dati no’ng bata ako, nakakakita ako ng ghost. Well, hindi sa pananakot ha? I’m just stating mu experience back when I was a child. Siguro mga six ako no’ng time na ‘yon or seven years old. I can’t clearly remember eh basta isa sa year na ‘yon. Naglalakad ako sa may garden namin and sakto meron do’ng malaking tree na super duper tanda na. I was playing in the garder nang bigla akong makakita ng shadow ng isang babae. Syempre that time wala pa sa isip ko ‘yong mga ganon kaya akala ko wala lang, as in normal na tao lang na naglalakad kaya ang ginawa ko sinundan ko ‘yong shadow.
Sinundan ko ‘yong anino na nasa likod ng malaking puno at nalaman ko na may parang tao ro’n. Dati kasi wala akong kalaro gawa ng ayaw ni Mama, kutuhin daw kasi mga bata sa amin kaya isolated ako haha baka daw mahawa, ganoon siya kasungit before and natatawa na lamang ako kapag naaalala ko. Anyways, balik tayo sa story. So ayon nga sinundan ko and nakita ko na parang may tao kaya tinawag ko ‘yong babae, I even remembwr calling her ‘ate’. Unang tawag ko ay walang lumingon, just like the second and third call. Sumuko na lang ako kase akala ko snobber kaya babalik na sana ako ng play room ko ng biglang may kumulbit sa akin.
Tinignan ko ‘yong kamay no’ng kumulbit and puro ito sugat, miski uod na gumawa ng hole sa kaniyang hands at lumalabas sa butas. As in nakakadiri talaga. Dahan dahan kong nilingon ‘yon and I was suprised na isa itong multo. Takot na takot ako no’n. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko and ang tanging ginawa ko na lamang ay ang pumikit at magdasal. After I finished praying Hail Mary, and Our Father, nawala na ‘yong ghost pagka mulat ko.
Dali dali akong nanakbo no’ng time na ‘yon papunta sa kusina kasi nandoon si Mama nagluluto ng lunch namin ni Kuya. Inexplain ko sa kaniya ang mga pangyayari and ‘yon din ‘yong reason kung bakit giniba ‘yong malaking puno na ‘yon sa tabing bahay namin. Sobrang thankful ko no’ng dahil sa prayers ko, sinalba ako ni God from bad elements haha.
Sakto ang pag-alala ko sa bad experience ko na iyon pati na rin ang pagtatapos ng misa dahil bigla na lamang akong nakarinig na malakas na pagpapalakpakan ng mga tao rito sa loob ng simbahan. Pumalakpak na rin ako at humarap sa dalawa kong kasama pagkatapos.
“Life changing. Iba talaga ang feeling kapag kasama kayo makinig ng mass, feeling ko hindi kapani paniwala na anghel kayo hahaha” Biro ko kila Vanny at Avi na ikinasiring naman nila ng sabay sa akin.
Sinuklian ko sila ng malakas na tawa at niyaya nang lumabas ng simbahan. Hatid sundo kami ng chauffeur ni Vanny, nakakatamad kasi mag commute at aksaya lang sa pera at the same time kaya nagpasundo na lang kami. Wala na rin naman kasi kaming pupuntahan pa eh pati balak naming tumambay sa bahay nila beat friend para mag swimming.
Beat the heat ika nga nila pero syempre dahil takot akong mangitim, dala dala ko ang aking favorite na rash guard upang ito ang isuot ko sa swimming. Aaba syempre mahirap na no? Hindi ko yata kakayaning mangitim ang mga balat ko haha baka ikamatay ko pa char. Self conscious kaya ako no? Hindi lang halata kasi tamad maligo hehehe.
——
“Oh my twinkle twinkle little star, are you serious ba Jammy of what you are wearing? Rash guard? Really? Come on, change ka na kasi. Tignan mo kami, naka sando. Mag sando ka na lang din oh please please please, show us your sexiness rawr hahaha” Avi.
Well obvious naman palagi kung sino ang nagsasalita dahil may iba’t iba silang way ng pagdedeliver ng message. Kagaya nitong si Avi, pinauso ang ‘oh my twinkle twinkle little star’. Kunin ba naman ang line sa nursery rhymes para maging iconic? Hahaha baliw talaga.
“Ayoko mag sando, baka mangitim ako. T-shirt na lang tapos pahiramin niyo ako ng sunblock hehe” ani ko at ngumiti ng sweet sa kanila but they find it ‘cringe’ and ‘yuck’ daw, mga salbahe talaga hehe mana sa akin joke.
No choice sila kung ‘di ang hayaan akong magsuot ng tshirt imbis na sando kagaya nila. Puti na nga lang ang asset ko eh, tatanggalin pa nila? No no no!
Umakyat ako patungo sa guest room para kunin ‘yong bag ko para halukayin ang tshirt at makapagpalit na ako ng suot. Ligong ligo na kasi ako eh ay mali, swimming na swimming na pala ako pero pinagpapalit nila ako since kill joy daw ang rash guard haha eh ‘di ayan, magt tshirt ako. Aba naman, suntukin ko na sila kapag nagreklaml pa hahaha char.