Avigail Lee's Point of View:
We are inside my car and since I own this one, ako ang nagddrive while Ian is sitting panickingly beside me. Is he nervous ba because of my driving skills? Well he should not kaya no? Magaling kaya ako mag drive hehe hindi lang halata dahil ilang beses na akong nahuli ng CCTMO due to overspeeding.
Habang nagmamaneho ako ay napasulyap ako ng tingin kay Ian. Ang higpit ng hawak niya sa seatbelt habang ang kaniyang mga mata ay focus na focus sa daan, kulang na lamang ay magdasal siya at magdasal ng rosary sa sobrang kaba at pagdadasal na sana ay huwag kaming maaksidenteng dalawa.
"Oh oh teka teka, red light oh! Tigil huy!" Ninenerbiyos niyang tugon at palapit lapit pa sa akin na para bang gustong agawin ang manibela. Haha, kabado much ha?
"I know the rules, Ian. Don't be scared. I know when to stop, go, slow down, overtake, and stop, go, and listen as well hahaha" I said without looking into his precious eyes. Sorry Ian, eventhough I'm marupok but still I'm naiinis to you huhu.
"Is that in Raffy Tulfo? Haha you are kind of witty na rin pala huh" he said while smiling.
"Tsk, stop it okay? Alam ko namang witty ako since birth no? Oh ayan na, green light na ulit. Fasten your seatbelt haha!" I said and started the engine again with a high enough speed para kabahan siyang mulil sa driving skills ko.
"Avi! Dahan dahanin mo naman!" He screamed while sounding like a gay. I laughed, hardly.
Nang makalagpas kami sa high way ay biglang kumalma ang kaniyang mukha dahil hindi na gaanong kabilis ang pagpapaandar ko sa kotse. Ang awkward ng atmosphere, halatang nagkakailangan kaming dalawa haha well wala naman akong magagawa, galit ako sa kaniya because may tinatawag siyang 'baby' sa call.
Flashback
"Kamusta na?" Pangangamusta ni Ian sa kausap niya sa kabilang linya.
Sino kaya 'yon? Kunot noo akong nakinig sa kanila at tinalasan ang pandinig at base sa sumunod na sinabi ni Ian eh parang tinanong siya no'ng kausap niya kung kumain na ba siya dahil ito ang kaniyang sinagot sa kabilang linya.
"Oo kakatapos lang hehe, Ikaw ba?" Ani nito.
"I love you..." Muli niyang sambit na dahilan ng panlumo ko. Lumayo na ako at hindi na muling nakinig pa.
End of flashback
"Huy, focus sa daan po" Nabalik ako sa katinuan dahil sa pagkulbit sa akin ni Ian.
Hindi ko napansin na nawala ako sa katinuan dahil sa pagalala ko sa pangyayaring iyon. Hindi ako OA, sadyang nasasaktan lang talaga ako sa narinig ko dahil sobra akong nagooverthink na paano kung hindi niya pala ako gusto? Paano kung nilalandi niya lang ako pero hindi siya seryoso? Paano kung pinapaasa niya lang ako dahil alam niyang gusto ko siya? At paano kung ginagamit niya lang ako pang palipas oras niya hanggat wala 'yong 'baby' niya?
Ang sakit.
Diniretso ko ang aking sasakyan papunta sa may tagong lugar, sa may dulo ng bundok na kung saan sigurado akong walang masiyadong tao ang dadaan at magpupunta. Nang makarating kami rito ay agad kong tinigil ang pagmamaneho at mahigpit na hinawakan ang manibela.
"Avi?" Narinig kong nagaalalang pagtawag sa akin ni Ian at hinawakan ako sa aking kamay para siguro isipin ko na nariyan lang siya dahil halata niya na yata na hindi ako okay.
"Avi... ano 'ng nangyari? Ayos ka lang b--" Hindi ko na hinayaang matapos pa ang kaniyang sasabihin dahil bigla akong humarap sa kaniya.
Humarap ako sa kaniya habang umaagos ang mga luha sa mata ko, hindi ko na kayang pigilin. Ang dami kong iniisip, hindi ko na alam kung ano pa ang iintindihin ko. Hindi ako masaya lalo na sa mga nangyayari, I can't handle everything since I know that I'm fragile, I'm weak.
"Ian.." I called him, sobbing. "B-bakit?" Dagdag ko pa at mas lalong bumuhos ang luha ko sa aking mga mata.
Nakita ko ang pagkagulat niya dahil sa kaniyang mga mata at dahil na rin sa kaniyang naging reaksyon. Hindi ko na kaya, pilit ko namang tinatago eh para hindi niya mahalata pero iba kasi ang impact niya sa akin kaya masakit lahat ng nangyayari dahil hindi ko rin lubos na maimagine kung bakit, bakit niya nagawa sa akin 'yon.
"Hindi kita maintindihan, ano ba ang sinasabi mo?" Naguguluhan niyang tanong sa akin, kunot noo siyang nakatingin habang lumulunok pa ng laway na tila ba kinakabahan dahil sa mga sinsabi ko.
"Huwag ka nang magmaang maangan pa. Alam ko naman eh, narinig ko na may kausap ka sa phone mo at ang sweet sweet niyo pa!" Bulyaw ko habang wala pa ring pagtigil ang aking pag iyak.
"Anong kausap sa phone? At anong ang sweet sweet pa namin? Ano ba ang gusto mong iparating? Sabihin mo sa akin ng diretso, Avi. Hindi ako manghuhula" He said, angrily.
It's my first time seeing him this mad at me, dati kasi pa tampo tampo lang or inis but this time ay iba na talaga. I know na there is something wrong talaga, I always trust my instincts and I will ever be. Marunong ako kumilatis ng tao kaya alam ko kung may tinatago siya sa wala.
"Camping day, last day siguro 'yon and mag gagabi na. I was behind a big rock because I saw you talking to 'someone' in your phone and you are calling 'that person' your baby. Ang sweet sweet niyo pa, kinikilig ka. Now tell me, ano 'yon? May tinatago ka ba sa akin ha?" Sagot ko sa kaniya rin ng pagalit.
I can’t control my emotions, I’m draining. Hindi ko na alam ang gagawin ko, nababaliw na ako. Ano’ng ginagawa mo sa akin Ian? Alam mo namang magal na mahal kita pero bakit kailangan mo pa akong pag laruan ng ganito?
“Teka nga, nagseselos ka ba?” He asked with different emotion. Kung kaninang galit ang kaniyang tono eh napaltan naman ngayon ng kilig, ngiti, at tawa.
Huh? Baliw ba ang isang ‘to? Naririnig ko ang paghagikgik niya sa isang tabi na dahilan ng pagtigil ng pag iyak ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at nahawa sa kaniyang pagtawa, hindi ko alam kung ano dahilan niya kung bakit sita tumatawa pero natawa na rin ako kasi nakakatawa ang tawa niya.
“HAHAHAHAHA! Bakit ka ba tumatawa?! HAHAHAHA” Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagtawa kahit na sobrang sakit na ng tiyan ko, ano ba kasing meron?
“Ikaw kasi HAHAHAA you are jealous! It’s obvious HAHAHHAA” tawa niya pa rin ng non stop.
“I’m not jealous no? Feeling ka” Sabi ko na lamaang at tumigil na ako sa pag tawa, inirapan ko naman siya at muling humawak sa manibela.
“Come on, huwag mo nang itanggi. It’s pretty obvious Avi, don’t you dare deny it oh!” Kalmado niyang pagkakasabi sa akin dahil tumigil na siya sa kaniyang pagtawa.
Ang weird talaga kasi every time na meron kaming tampuhan or misunderstandings, ang bilis naming magkasundo since bati na kaagad kami kapag biglang tumawa ang isa sa amin. We are that mababaw no? Hindi kasi namin talaga kaya ang serious mode kaya ‘yan, mabilis kami magbati.
“Okay, fine. Nagseselos ako and at the sime time ay nagwoworry din dahil sobra akong nagooverthink na what if may babae ka pala or in a relationship lalo na’t we doesn’t have any label naman” Malungkot kong tugon sa kaniya at tumungo, those are just my what ifs and I’m hoping na machoke ako sa mga bintang ko sa kaniya.
Sana hindi totoo, please, please, please.
“Sabi na eh, nagseselos ka! Avi, ikaw lang ang mahal ko at gusto ko rin namang magkaroon tayo ng label pero hinihintay ko lang ang kuya mo, I mean, humahanap ako ng tamang timing para kunin ang kamay mo sa kaniya ng alam niyang seryoso at sincere akong may pagtingin sa ‘yo. Alam mo namang lagi tayong bantay sarado sa kaniya dahil sobrang kontra siya sa atin pero I’m always praying, hoping, and looking forward na umapprove na siya sa akin para ligawan ka at maging official tayo. Oo gusto ko rin pero mas gusto kong sundin ang sinasabi ng pamilya mo dahil nirerespeto ko sila, nieerespeto ko ang desisyon nila para sa atin dahil ginagawa lang naman nila iyon para sa ikabubuti at future nating dalawa. Ayokong suwayin iyon dahil kapag hindi ko nirespeto ang desisyon nila lalo na ng kuya mo eh parang hindi na rin kita nirerespeto bilang nililigawan ko. Wala ‘yan sa label Avi, naroon ‘yan sa kung paano ko iparamdam sa ‘yo na mahal na mahal kita at handa akong gawin ang lahat alang alang na sa ‘yo. I love you Ms. Avigail Lee at hindi ko hahayaang masaktan ka ng sobra dahil sa kagaguhan ko.” Dirediretsong pagkaksabi ni Ian na ikinapula ng mukha ko.
I’m speechless, hindi ko alam kung ano dapat ang maging reaksyon ko at sabihin ko. I’m so touched dahil sa sinabi niya. Sa mga salita niyang iyon, ramdam na ramdam ko kung gaano niya ako kamahal.
I love every thing about him and I will never hesitate loving him more than what I expected to. He’s the love of my life at lahat gagawin ko para lamang mapatunayan sa iba na blessing ang pagbigay nila sa amin ng chance na magkatuluyan. But tama naman siya na hindi lahat ng bagay ay kailangang madaliin, dapat hindi muna ako magmadalibsa relasyon dahil una sa lahat eh masyado pa rin akong bata.
Ang swerte ko nga kay Ian eh, he’ always there for me that’s why I’m always thankful for having Ian in to my life as he is very caring, supportive, loving, and understanding in every situations we are both involved into. Nagpapasalamat nga ako dahil naiintindihan niya lahat eh miski ang attitude ko. Hay, I love my life.
“Nako, sipsip haha! Pero I love you too, Ian” sabi ko sa kaniya at dali daling lumapit sa kaniya para yakapin siya. Nang mayakap ko siya ay naramdaman ko ang pagbalik niya sa akin ng vibes dahil he hugged me back, ang warm!
“Pero may hindi ka pa sinasabi sa akin” pagbasag ko sa moment namin na pareho naming ginawa.
Napakalas kaming dalawa sa pagyayakapan dahil bigla akong tumitig sa mga mata niya na para bang naghihintay ng kaniyang tatlong pahinang papel na paliwanag kung sino ang tinatawag niyang baby sa call at bakit ang landi nilang naguusap.
“Ano ‘yon?” He asked cluelessly.
“Yung phone call!” Sambit ko sa kaniya at siniringan siya, aba naman sir matakot ka! Joke lang my baby Ian hehe, you’re still handsome pa rin naman eh. Huwag kang mag alala, kamukha mo naman si joao.
“Ahh so ito, explain ko na. Remember tita Andeng? ‘Yong buntis?” He asked, I nodded. “Hindi ko naikwento sa ‘yo but she gave birth into a healthy baby girl named Shane. Siguro last week lang yata and ‘yong baby ang ka call ko sa messenger that time. Actually, video call pa nga iyon eh but the connection is so slow that’s why I turned off my cam nang sa gayon eh mas marinig ko ang boses nila at hindi mahina. I even said ‘I love you’ to Baby Shane haha and ‘yong kausap ko naman that time ay si tita Andeng dahil iniinggit niya ako about sa favourtie meal kong sinigang na hipon” Mahaba nitang paliwanag sa akin na ikinalaki naman ng mga mata ko.
Oh my twinkle twinkle little star, nag mukha akong crazy! Ang dami kong inisip pero all this time, si baby Shane lang pala ang pinagseselosan ko? Huhu Baby Ian naman eh! Bakit kasi kulang kulang ka sa update, nakakahiya kaya ano?
Kinuha niya ang kaniyang phone sa bag at may pinakita sa aking larawan ng isang sanggol na babae, meron itong blanket sa katawan at nakaukit pa rito ang pangalan nitong ‘Shane’.
“Ayan ‘yong anak ni Tita Andeng at Tito Mar, ang cute ‘di ba? Balak ko nga sana puntahan natin do’n kapag wala na tayong masyadong ginagawa eh haha. Gusto ka rin daw pala makilala ni Tita sabi niya sa akin” Ian said and he winked, kikiligin na ba ako?
Nakakahiya ang mga nangyari sa akin ngayong araw, ang iniyakan ko lamang pala gabi gabi at isang batang walang kamuwang muwang sa mundo. Sorry Baby Shane, bibigyan na lang kitang papasko sa Christmas okay? Huhu, kay gandang bata naman nito.