44

1823 Words
Jean Avril Mendoza's Point of View: "Bye! Ingat kayo! Salamat sa paghatid!" Paalam at pasasalamat ko kay Vanny at sa driver niyang si Manong Pancho nang ihatid nila ako dito sa bahay from school. Sa totoo lang, nahihiya na nga ako makisabay sa kanila eh pero no choice ako since pinilit ako ni best friend at sinabing huwag na daw akong mahiya dahil hindi namna daw ako iba sa kanila. Balak ko nga sanang mag commute kanina but pumara sila sa harap ko kaya ayon napilitan akong makisakay. "Okay, chat chat nalang po mwah!" Sambit naman ni Vanny at ni roll up na ang bintana ng kaniyang sasakyan pagkatapos kumaway sa akin bilang paalam. Hindi muna ako pumasok ng bahay namin dahil hinintay ko muna silang makalayo bago ako pumunta sa kwarto, hatid tanaw kumbaga pang ano ng utang na loob haha. Nakakahiya kaya kung talikuran ko sila 'di ba? Nang makita kong nakalayo na sila ay tumalikod na rin ako at kumatok sa bahay para pag buksan ako ni mama ng pinto. Ilang minuto akong nagintay sa labas ng bahay ngunit walang sumasagot. Saan na si Mama? "Nasaan kaya 'yon?" Tanong ko sa sarili ko at napailing iling dahil baka wala siya sa bahay ngayon. Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang susi, no'ng una ay hindi ko pa makita dahil sobrang kalat ng bitbit kong bag pero kalaunan ay nakita ko rin dahil naalala kong nasa loob lang nga pala ito ng pouch ko. Nang ma unlock ko ang pinto, agad ko itong binuksan at dahan dahang pinasok ang aking mga gamit kabilang na ang maleta kong malaki ngunit hindi pa ako nakakatapos nang makaramdam akong may taong nakatayo sa likod ko. Ramdam ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko kaya dahan dahan akong tumingin sa may bandang likod, hala baka kidnapper ito at kidnappin ako tapos kunin 'yong mga lamang loob ko at ibenta sa intsek. Jusko po, gusto ko pang mabuhay nang matagal at naka plano na akong idodonate ang aking katawan sa ospital para sa mga nangangailangan. Napapikit na lamang ako at nag sign of the cross para magdasal. "Huhu Lord, gusto ko pa po makita ang Spade parang awa niyo na po 'wag niyo muna ako kunin huhu promise ako maghuhugas ng plato namin straight 2 months huhu amen!" ani ko habang damang dama ko pa rin ang malakas na kabog ng puso ko. "What the hell are you talking about?" Malamig na sambit sa akin ng isang lalaking pamilyar ang boses. Nawala namang bigla ang takot ko kaya dahan dahan kong iminulat ang aking mata. Bumungad sa akin ang walang ekspresyong mukha ni Jackson, nakatitig ito sa akin kaya natawa na lamang ako ng mahina at pumustora ng ayos. "Tangina ka Jean Avril Mendoza! Ano ang ginagawa mo sa sarili mong babaita ka? Bawas bawasan mo na ang pag inom ng kape ha? Huhu nakakahiya sobra lupa kainin mo na ako please at huwag mo akong idudura sana. Masarap naman ako ready to grind lagi, wild po ako promise" Ani ko sa utak ko at napailing iling. "Baliw ka na yata" Ani niya pa at narinig ko ang mahina niyang pag tawa. "Bwisit ka naman kase! Bigla biglang susulpot sa likod tapos wala man lang pasabi" Sagot ko naman sa kaniyang sinabi, totoo kaya no? Kung siya siguro ganunin ay tiyak na matatakot din ang isang 'to. "Surprise nga eh" Sabi pa ni Jackson at inusod ako ng bahagya. Nagtaka naman ako kung bakit niya ako inusod kaya pinagmasdan ko lamang siya ng tingin at nakita ko siya pumasok sa loob ng bahay namin sabay upo sa sofa na para bang pagmamay ari niya ang bahay na ito. Kapamilya kita sis? Feel at home na feel at home ang peg ha! "Aba'y epal ka masyado ha! Bahay mo 'to? Bahay mo 'to?" Tanong ko at sinundan siya. Hindi niya ako pinansin maging ang aking sinabi at sa halip ay kinuha 'yong remote na nasa mini table at binuksan ang TV namen. Ay wow ang kapal talaga ng mukha ha? Nilipat niya pa sa NBA naku po hindi ako nanonood ng basket ball fucker ka huhu. Napailing na lamang ako at tumayo sa may bandang harapan niya ng nakapa mewang pa. Nakita ko naman siyang kunot noo nang sinusundan ng tingin ang pinapanood sa TV namen ngunit ang silbi ko lamang sa mundo kaya ako pinanganak ay mang bwisit at mang hudyo, patuloy kong hinaharangan ang TV namen para hindi niya makita. Ano ka ngayon Jackson Black ha? Bwiset. "f**k! Can you stay away from the television? The f**k is wrong with you?!" Galit niyang tugon at siniringan ako. Ay wow f**k ka rin f**k! Ikaw na nga nakikinood sa TV namen, pagtataasan mo pa ko ng boses hmp. Awts, pain, pighati, lumbay, hinagpis, bigo, hapdi, kirot, sakit, hirap, pagtangis, iyak, lungkot, siphaya, dalamhati, at karimlan. "And can you please not making yourself feel at home especially we are not that close?" Rebat ko ng english sa kaniya. Oh kabog! Akala mo ba ikaw lang ang may kaya magalit in english? No way! Baka Jean Mendoza 'to! Haha. English spokening dollar, tagabasa ako ng subtitle ng korean drama. Talent ko na kaya 'yon no? b***h please move drink your water haha. "Tsk fine. Umupo ka nalang dito sa tabi ko maari ba?" He said calmly. Kaawa naman baka bet na bet niya talaga 'yong palabas, pagbigyan ko na ngang manood ang iang 'to baka wala silang cable sa bahay nila. "Manood ka na nga r'yan! Pasalamat ka at mukha kang nakakaawa. Tataas lang ako para iakyat 'tong mga gamit ko, huwag kang malikot at maingay ha? Maraming chismosa dito sa paligid baka maissue tayong dalawa, You know na mga Marites haha" Sabi ko na nagiwan sa kaniyang mukha ng pagtataka. "Huh? Marites? Who's Marites?" Narinig ko pang tanong niya ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at natawa na lamang ng mahina. Si Marites, ang chismosa naming kapitbahay na daig pa ang parrot sa kakatalak at ang manok sa kakatuka sa asawa niyang mas bata sa kaniya ng 10 years old. Sugar mommy 'yan may asim pa daw sa love life pero pati itsura at amoy ay maasim din naman sus. Bumalik ako sa may pinto para kunin sana 'yong mga gamit ko at iakyat sa room. Una kong kinuha 'yong backpack ko na malaki at sunod sana 'yong maleta kaso biglang hinigit ito sa akin ni Jackson at binitbit. "Let me help you, saan ba ang room mo?" He asked habang nililibot ang kaniyang paningin para siguro hanapin 'yong pwesto ng kwarto ko pero sorry siya hindi niya ito makikita dahil masyadong tago haha. "Hahaha, ako na ang magtataas ng mga gamit ko. Maupo ka na ulit do'n sa sofa, salamat na lang" Ani ko at akmang aagawin sa kaniya 'yong maleta ngunit nilayo niya ito sa akin at nauna nang umakyat sa hagdan na para bang kabisadong kabisado 'yong bahay namin. " Ako na" Ani niya habang naglalakad. No choice naman ako kaya napatango na lamang ako habang sumusunod sa kaniya. Nang makaakyat kami ay huminto muna siya at tumingin sa akin na para bang itinatanong kung saan sa limang pinto nakapwesto 'yong kwarto ko. "S-sa ikalawang pinto sa may bandang kaliwa. Pink na door na may sign na 'b***h motherfucker ka' hahaha" Nahihiya kong ani na ikinalaki naman ng mata niya at kinatawa ng mahina. Nakakahiya kasi, bakit ba may karatula ako sa may pinto na 'b***h motherfucker ka' huhu. Nauna na siyang maglakad ngunit hinintay niya muna ako para buksan ang pintuan at maunang pumasok. Pagkabukas ko ng pintuan ay nanlaki ang mata ko at napasigaw ng malakas. "Ahhh gago!" Sigaw ko at biglang sinara ang pinto bago pa siya makapasok sa loob. "What? Anong meron?" Jackson with a curious tone. "Ah w-wala hehe, ako na ang magpapasok niyan. Salamat!" Pagsisinungaling ko at itinutulak siya ng mahina para bumaba na. "O-okay?" Nang makababa na siya ay agad akong nanakbo papunta sa kwarto ko sabay pulot no'ng lace bralette and underwear ko. Huhu jusko po, doble dobleng kahihiyan ang matatanggap ko nito kung sakaling nakita niya pa. Ano ba naman kasi Jam! Bakit nakakalat ang panty mo?! Napangiwi na lamang ako at inilagay ang panty at bra kong maganda pabalik sa closet, well ang mahal ng bili ko ro'n ha! Hindi ko alam kung bakit may gano'n ako pero binili ko siya in five different colors haha always ready para sa weekdays. Hello Kitty panty muna at baby bra ako tuwing weekends haha char. Huminga naman ako ng malalim at inilagay sa pwesto 'yong mga gamit na inakyat namin ni Jackson. Napagpsyahan ko namang huwag muna itong ayusin dahil may bisita sa baba at tinatamad din ako at the same time haha. Wala namang lakad 'yang maleta ko, makakapaghintay pa 'yan. Tumingin muna ako sa salamin at sinabi sa aking sarili na "Sobrang ganda mo talaga hihi". The confidence I need haha char. Lumabas na ako ng silid at bumaba. Tumambad naman sa akin si Jackson na nagluluto sa kusina. Suot suot niya ang apron na may ruffles habang gumagawa ng batter para sa pancake. Pinagmamasdan ko lamang ang kaniyang ginagawa nang bigla itong tumigil at humarap sa akin. "Huwag kang tumitig, matutunaw ako niyan." Ani niya at ngumisi. Napanganga na lamang ako dahil hindi ako makapaniwala kung gaano kakapal ang apog ng isang 'to. Kahit kailan talaga ay nuknukan ng pagiging assumero. Kailan ba 'to magtututo hmp. "Hayop ka! Ang feeling mo sobra as in" Sinabi ko na lamang at umupo ro'n sa sofa na kaninang pwesto ni Jackson. Dinampot ko naman ang remote at inilipat ang palabas sa Disney Channel at saktong Phineas and Ferb ang susunod na palabas. Ito na ang intro, saulo ko 'to haha!. "There's a hundred and four days of summer vacation and school comes along just to end it, so the annual problem for our generation is finding a good way to spend it. Like maybe... building a rocket or fighting a mummy, or climbing up the Eiffel Tower. Discovering something that doesn't exist, or giving a monkey a shower. Surfing tidal waves, creating nanobots, or locating Frankenstein's brain. It's over here! Finding a dodo bird, painting a continent, or driving your sister insane. Phineas! As you can see there's a whole lot of stuff to do before school starts this fall. Come on Perry! So stick with us 'cause Phineas and Ferb are gonna do it all, so stick with us 'cause Phineas and Ferb are gonna do it all! Mom! Phineas and Ferb are making a title sequence! tang" Sing along ko sa kanta habang ginamit ko naman ang remote na para bang mic. Hayy, good old days! Namiss ko tuloy manood ng Chowder tuwing gigising ako ng madaling araw at papasok sa school haha. Umagahan champoradong may itlog tapos tamad na tamad ako maligo lalo na kapag hindi mainit 'yong tubig haha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD